Chapter 9

80 6 3
                                    

Ken's POV

"Bakit ba kasi dito kayo naggaganiyan?!" Tanong ni Mommy. Mahirap paliwanagan 'to. Ano ang gagawin namin?

"Ah excuse me Ma'am! Hindi po kasi--" Tinakpan ko 'yung bibig ni Denisse dahil i know my Mom will not listen to her.


Habang takip ko ang bibig niya ay kinausap ko si Mommy.

"Mommy, i'm happy because you're here na. May pag-uusapan lang kami." Kailangan kong makuha ang cp niya. Kahit anong tanggi ko naman hindi siya makikinig.

"Pwede ba?" Sabi lang ni Mommy tapos umirap siya. "Alam kong ganiyan ka talaga pagdating sa babae. Pero sana wag naman dito? Obviously you two are having a romance here. Hindi ko na nga pala kailangang magtanong." My god!


Napansin kong biglang pumalag si Denisse. Hindi yata niya nagustuhan 'yung sinabi ni Mommy pero hindi ko siya pinakawalan.

"Mom, please, may pag-uusapan lang kami ng girlfriend ko, we had a quarrel and i have to fix it."


Nanlaki ang mata ni Denisse sa sinabi ko. Wew lalo siyang cute sa ganun. Sarap pisilin ng pisngi niya. Hmmm nakaisip ako ng idea. Tutal cute naman siya. Ayaw ko naman ng girlfriend dahil demanding ang mga babae. Pansamantala, siya muna ang girlfriend ko accidentally. Kasalanan naman niya kung bakit.

"Ayusin mo ah. Kabago bago lang niyang si Denisse. Mukha pa naman siyang mabait. Wag mo ngang takpan ang bibig niya!"


Pumapalag parin siya pero kailangan namin talagang mag-usap. "Mom, sige na, see you later."

"We need to have a lunch. I'll wait you ha. You have to settle that a soon as you can. Maraming trabaho."

"Yes Mom." I smiled and she smiled back then she glanced over Denisse.


Tinaasan ko siya ng kilay sabay umalis na siya. Siniguro kong wala na si Mommy bago ko bitawan si Denisse.

"Nakakainis ka!" Sabi niya sabay cross hands. Wow ah. Feeling siya pa ang lugi. Hindi lang niya alam na para siyang naka jackpot sakin.

"Ibigay mo ang phone sakin." Bigla ko siyang hinawakan sa kamay at nakuha ko ang phone. Binura ko agad ang video.


Ngumiti ako.

"Ipaliwanag mo muna 'yang mga pinaggagagawa mo! Ikaw lang pala ang nagpaprank sakin! Bakit mo ginawa 'yun?! Oops. Bago mo sagutin, bakit mo sinabi ng girlfriend mo ako?"

"Hay naku. Alam mo naman kung bakit diba? Ikaw 'yung bumelat sakin baka nakakalimutan mo. Akala mo kung sino ka."

"Ano?! Kulang pa nga 'yung pagbelat ko sa 'yo eh. Muntik na akong mamatay!"

"Mamatay? Para ka palang si Mommy eh. Sobra mag-isip!"

"Anong sobra?!" Sinipa niya ako sa tuhod.

"Aray!" Napahawak ako sa tuhod ko. "Fuck! Ang sakit!"

"Aalis na ako. Kalimutan na natin ang lahat. Kung hindi lang kita boss, hindi ako papayag na isahan mo."

"Wag ka munang umalis!"

"Bakit?!"

"May pag-uusapan tayo."

"Ano pa? Quits na tayo. Kakausapin ko ang Mommy mo tapos--"

"Wait! Please, wag mong gawin 'yan."


Nakatingin lang siya sakin pero hindi na masama ang tingin niya. Kahit anong anggulo naman cute siya. Wag lang talaga isama ang ugali niya. Perfect na siyang girlfriend pansamantala. Kailangan ko siyang kausapin.

Nagkamot siya ng ulo. "May tatapusin pa akong trabaho!" Sabi niya. Oo nga pala 8 am na.

"Gusto mong tumagal dito diba?"

"Nananakot kaba? Hindi mo ako pwedeng tanggalin kaya don't blackmailed me."

"Mag-usap tayo saglit. Hindi ako gaya ng iniisip mo. Gusto mo bang magkwento ako sa 'yo ng naging buhay ko?!"

"Mamaya na."

"Okay, pretend as my girl."


Napatigil siya. Nakatingin lang siya sakin. Ano kaya ang unang pumasok sa isip niya?!

.,.

Denisse's POV

Huh? Waaaaaah ano daw? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Akala ko sobra ang galit niya dahil sa ginawa ko tapos sinipa ko pa siya sa inis ko.

"A-ano? Teka....." Wala akong masabi. Sa totoo lang, gwapo siya. Pwedeng ipagmayabang tapos siya pa ang boss ko. Ewan lang kung magiging boss ko pa siya dahil ang alam ko, nag-aaral siya.

"Hoy! Si Mommy, gusto nang mag-asawa ako. Although bata pa tayo pareho, pero mukhang gusto ka niya. Ayaw niya sa mga plastik na babae. Mahirap siyang paliwanagan. Wala kang gagawin kundi magpanggap."

"Paano kung ayoko?!"

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi pwede?!"

"Please!"

"Ano ba talaga ang dahilan? Maraming may gusto sa 'yo tsaka malaman pa ng Tatay ko ko 'to. Lagot ako doon. Mahirap lang kami--baka mawalan siya ng tiwala. Akala kumakapit ako sa patalim."

"Alam mo? Pareho talaga kayo ni Mommy. Okay, ako na ang bahala sa lahat. Wala kang gagawin kundi sumang-ayon lang. Kakausapin ko ang Father mo. Miski sa kaniya kailangan nating magpanggap."

"Mahalay sakin ang maging girlfriend ng Anak ng Ceo."

"Bakit?"

"Hello! Bago lang ako dito para maging boss nila."

"Ayaw mo nun?!"

"Ayoko. Sige, basta!"

"What?!"

"Payag ako pero dapat secret muna."

.,.

Ken's POV

"Hindi pwede. Oras na pumayag ka. Kailangan mong umayos bilang girlfriend ko. And then, hindi na empleyado ang tingin sa 'yo ni Mommy, panggap lang naman. Ako na ang bahala sa pangangailangan mo." Paano ko ba siya makukumbinsi na hindi siya magmumukhang mukhang pera. Ramdam ko kasing kakaiba siya. Kung mukha siyang pera, tingin ko, dapat niyang sumipsip. Sinipa pa nga niya ako eh. Palatandaan na wala siyang paki-alam sa mundo. Nakakainis!

"Sige, panggap lang." Sabi niya. Yess! Pumayag siya.

"Wag kang mag-alala. Ilang buwan lang. Para lang kay Mommy. Titigil ka sa trabaho pansamantala o kung payag ka, kunyare matagal na kitang nililigawan para hindi na mag-isip ang mga empleyado."

"Hindi ako titigil sa trabaho. Ano naman kung girlfriend mo ako?"

"Walang problema sakin, pero kay Mommy?" Napakamot na naman siya. "Pwede ba, alisin mo 'yang pagkakamot mo ng ulo, mahalay."

"Tapos, ano mangyayari pagtapos ng ilang buwan?"

"Saka na natin isipin 'yan. Kakausapin ko si Mommy. We're going to eat with her later at lunch. Wala kang sasabihin. Ako na muna ang bahala. Pumayag kana ah. Wala nang bawian."

....

Note: Sa tinagal tagal, nakaupdate din ;D tatapusin ko na para masaya.

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon