Denisse's POV
3rd day...
"GOOD MORNING PHILIPPINES!!" Ganda ng gising ko :) napanaginipan kong malapit ko na daw makilala ang nakatadhana sakin hihihi ang landeeeeee lang?
Nauna pa akong nagising bago tumunnog ang alarm ko. Nag handa na ko ng breakfast. Aga nagising ni tatay kaya sabay na kaming kumain. Nag ayos na ako ng sarili para pumasok, sabay na kaming umalis ni tatay.
Pagdating sa office...
Syempre chineck ko ulit 'yung upuan. Safe! Kaya umupo na ko at binuksan ang computer sa table ko. Pagbukas ko my lumitaw na link kaya kinlick ko at....
"Wwwaaaahhhhhhh!" Sigaw ko napatingin silang lahat sa direksyon ko dahil sa malakas kong sigaw.
Okay! Grabe na 'toh nakakahiya!! Agaw eksena na naman ako!! Malamang namumula na naman ang muhka ko sa hiya!! Kayo ba naman makakita ng nakakatakot na mukha with matching horror scream pa, sino ba namang hindi magugulat at natatakot nun noh! Hindi nga ako nanunuod ng mga nakakatakot at laging bukas ang ilaw ko pag natutulog ako. Ayoko ng madilim natatakot ako parang piling ko may nakatingin saken at bigla nalang hihilahin ang paa ko !
"Huy Denisse! Aga aga makasigaw ka diyan ah!" Sabi ni Cyrine papasok ng area namin.
"Naku teh! Kaw ba naman makakita neto!" Sabay turo sa screen ng computer ko.
"Hahahahhah at sino naman maglalagay niyan sa computer mo aber?" Haizt galing! Pinagtawanan pa ko.
"Ewan ko." Sagot ko at tinanggal na 'yung nakakatakot sa screen.
"Hahahaha!" Tawa pa den ni Cyrine at pumunta na siya sa table niya.
Napailing nalang ako.
Haizt talaga! Sino ba kase 'yung walang magawa na nagpprank saken dito?!! Kainis na talaga! Lage nalang tuloy akong napapahiya! Pag nalaman ko kung sino 'yung walang hiyang 'yun--kekeltukan ko talaga ng bente!! Nagconcentrate nalang ako sa trabaho ko. Sobrang busy ang lahat sa kumpanya dahil may hinahabol na deadline.
Lunch break...
Tulad kahapon sinigurado ko ulet na kumpleto na ang kailangan ko bago umalis ng counter. Para safe. Mahirap na noh! 'Di ko pa nakikita si Andrei sobrang busy rin siguro. 'Di ko din siya madaanan dahil ang dami kong ginagawa. Pagtapos ko kumaen balik ulet sa table ko.
"Denisse paki dala nga tong documents sa CEO office." Sabi ni Ma'am Dizon
"Okay Ma'am." At umalis na.
Wala sa pwesto niya 'yung secretary kaya kumatok nalang ako
Tok!
Tok!
Tok!
"Come in." Narinig kong sabi ng lalaki. Teka lalaki?! Ngayon ko lang naalala! Si mr yabang nga pala ang boss namin ngaun dito for the whole hell week! Pangatlong araw ko na dito at ngayon lang ulet kame magkikita. Pumasok na ako sa loob at nakita ko siyang sobrang focus sa harap ng monitor. Busy lang?
"Sir eto na po 'yung documents pinabibigay ni Mrs. Dizon." Sabay abot ng documents. Pero di nya 'yun kinuha sobrang focus pa den siya sa harap ng monitor.
Tiningnan ko ulet siya at napansin kong pinipigilan niyang tumawa. Anyway, bahala siya. Mas okay na 'yung di niya ko pinansin at kinausap kase baka kung anu pang kayabangan ang sabihin niya. Ibinaba ko nalang 'yung documents at lumabas na.
Uwian na ulet! Nag ayos na ako ng gamit ko siyempre silip muna ulet sa bag. Safe! Nung nakauwi na ko nagtxt si tatay na malalate siya ng uwi kaya kumaen nalang ako mag isa. Nanuod muna ako ng favorite kong anime 'kaicho wa maid sama' ang pogi talaga ni Usui Takumi! Sana for real nalang siya! Ahahaha!
Maya maya nakaramdam na ako ng antok episode 5 na ko. Kaya pumasok na ako ng kwarto ko at natulog.
"I LOVE YOU." Sabi niya.
Ang ganda ng paligid. Nasa isang garden kame na puno ng bulaklak. Malinis, mabango. Ang sarap ng piling.
"I LOVE YOU TOO." Sagot ko at nakita kong palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.
Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya pumikit ako.
Ayan na...
Ayan na...
Ayan na...
Nararamdaman kong malapit na siya. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga...
Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggggggggggg!!!!!!
Krrrrriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggggggggggg!!!!!!
Waaaahhhh! Ayun na eh! Panira naman tong alarm ko! Kinuha ko 'yung cellphone ko at pinatay ang alarm pumikit ulit ako baka sakaling matuloy yung panaginip ko
5mins...
10mins...
Haizt wala talaga! Kaya bumangon nalang ako at para maghanda ng breakfast at naabutan ko na si tatay na nagtitimpla ng kape.
"Good morning maganda kong anak." Masiglang bati saken ni tatay.
"Good morning tatay kong pogi." Ganiyan kame magbatian ng tatay ko, bolahan? Naku hindi po noh! Ahahah. Oh wag na kumontra.
"Oh ba't busangot 'yang pagmumukha mo? Ngumiti ka na diyan. Sige ikaw den, papanget ka." Sabay tawa ni tatay.
Ngumiti na ko "Wala tay sayang lang 'yung maganda kong panaginip sinira ng alarm ko. Ba't nga pala aga niyo po nagising? Eh diba late na kayo umuwi kagabi?" Sabi ko at kumaen na. Nagluto si tatay ng sinangag at hotdog. Yum Yum Yum..
"Madame kaseng inaasikaso ngayon si boss kaya maaga kameng aalis. Nga pala late ako lage makakauwi ngaun."
"Ah ganun po ba? Sige basta mag iingats po kayo sa pagdadrive."
"Syempre naman anak, tsaka magaling akong magdrive noh, daig ko pa ang professional drag racer!"
"Taaaamaaaaa tay! Ahahahah." Tawanan namin ni tatay at pinagpatuloy na ang pagkain.
Pagtapos kumaen at mag ayos ng sarili umalis na kame para pumasok. 'Yan 'yung muka na nakita ko sa monitor ko---------------> *Tingin sa taas*
Katakot nuh?
BINABASA MO ANG
The Happy Go Lucky Guy And The Anime Girl
Fiksi PenggemarSi Denisse Villegas ay isang simpleng babae na mahilig manuod ng anime. At dahil sa kabaliwan nya sa anime, maghahanap sya ng trabaho at the same time mag aaral para makaipon at makapunta ng JAPAN! Naniniwala sya sa tadhana kaya naman wala pa syan...