Denisse's POV
Andito ako sa kwarto ko. Hindi na ako gaano pang kinausap ni Papa. Hawak ko ang isang magazine ng Anime. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko para bukas hindi na ako mahihirapan. Useless, ayaw na ni Ken na tapusin ko 'to. Naiinis ako. Enjoy na enjoy ako sa trabaho ko tapos parang nawala ang lahat. Muli kong tinignan ang mga Anime sa magazine. Ginagaya ko ang emote ng mukha nila tapos feeling ko nagaya ko na sila then titingin ako sa mirror... hindi ko pala kayang gayahin haaaay! Kailangan kong ayusin ang Title sa bawat magazine ayon sa plano. Napansin ko ang isang Anime na lalaki tapos may kasamang babae. Then may lalaki uli sa likod ng babae. Shocks!! Parang nakita ko na 'to ah. Nakakainis si Andrei. Siya ang nagdrawing nito. Hindi pa naman nailalaunch ang magazine pero bakit ganito ang eksena ng isang ito? Tapos mas gwapo 'yung lalaki na nasa harap ng babae kaysa sa lalaki sa likod? Parang sinadya ito ah. Nakakainis. Hindi naman ako ang naglalagay ng title pero ako ang mag-aayos. Gusto ko ang trabaho pero mukhang hindi na ako pressure or hussle ngayon dahil kay Ken.
Kinabukasan.
"Darling, come with me." Bungad ni Miss Mendoza, ah este Tita pala. Kailangan miski ang utak ko'y sanayin ko na. Nakarating kami sa office niya. "I'm going to have a meeting in Japan." Ano daw? Nanlaki ang tenga ko. Teka teka, baka mali ako ng pagkakarinig, lalapit ako ng konte.
"Ano po 'yun Tita?"
"I said, I am going to go to Tokyo for a while to have a meeting to a President of an Otaku Company there." WOW! "May bilin lang ako sa'yo."
"Ano po 'yun?" Nanlalaki ang mata ko.
"Isusumbong mo sa'kin si Ken ah. Ayokong aalis siya sa gabi. Alam kong he's not a woman minded but para siyang bata. Kaya kailangang maitigil ang pag-uugali niyang ganun. Natuwa ako noong malaman kong may girlfriend siya dahil may makakatulong na ako..." Katulong? Maid?! "Para baguhin si Ken." Ah okay. Akala ko magiging katulong ako sa bahay nila eh. Okay lang maging maid basta isama niya ako sa Japan. Hihi!
"Ganun po ba? Ako po ang bahala." Maya maya lang ay dumating si Ken.
"Hi Mom!" Humalik siya sa Mommy niya tapos... Pati ako. Kakainis. Hindi na virgin ang pisngi ko.
"You two, along with this company. Kailangang maging maayos ang lahat. Ikaw Ken, asikasuhin mo ang girlfriend mo."
"Opo Mommy."
"Ikaw Iha, pansamantala na assistant ka muna ni Ken." Huh?! "Bantayan mo siya all the time!" All the time? Pati sa pagtulog? "Maybe someday, pag natapos kong lahat ng trabaho ko, ipakakasal ko na kayo!" Whaaaat? Basta isama niyo ako sa Japan.
"Mommy, wala pa sa isip ko ang kasal." Umakbay sa'kin si Ken. "Mageenjoy muna kami ni Denisse."
"Baka mabuntis siya." Basta isama niyo ako sa Japan.
"Mommy ano ba?!"
"Ayokong magkaapo ng hindi legit ang lahat." Basta isama niyo ako sa Otaku Company na 'yun.
"Hindi pa kayo magkakaapo Mommy, I'm not yet ready for that massive responsibility--"
"Because you always acted like a gangster?"
"Hindi!!"
"Ayusin mo ang buhay mo ngayon ah."
"Oo na!"
Pagtapos may tinawagan si Tita. "Hello, I'll be there soon. Two days ako sa Japan. I need to expose my products with the help of the other company in Japan." Nanlaki na naman ang tenga ko. "I'll buy a new series of anime now. Kaya ngayon palang, magready ka na. Ayokong maunahan pa tayo ah." Binaba niya ang phone.
"Mom! As soon as you can, umalis ka na. Kami na ang bahala dito."
"Pinapaalis mo na ako?!"
"I just wanted our comapany to be the first to get that new series of Anime!!" May point siya pero parang iba ang nararamdaman ko. Seryoso akong kinausap ni Tita kanina. Ang taong barumbado sa panloob na kaanyuan, hindi magbabago ng ganito kadali lalo't nagpapanggap lang naman ako.
"Okay. Go to your office with her!" Hinila ako ni Ken.
"Bye Mom!" Lumabas kami at pumasok sa office niya. Umupo siya. "May sasabihin lang ako sa'yo. Alam mo naman na this pretense is gonna be followed. Kaya kailangan nating magsabwatan." Ano daw? Basta isama niya ako sa Japan. Kaso mukhang walang kahilig hilig 'to sa Anime. Haaay. Nahuhulaan ko na ang mangyayari sa paligid.
"Sabwatan?!"
"Did you hear me?"
"Yes!"
"Susundin ko ang gusto mo basta 'wag lang na ikasisira ng company." Ginawa pa akong antagonist sa pelikula. "Basta simple lang ang gagawin mo, 'wag mo akong isusumbong. Para matuwa si Mommy tapos mabigyan ako ng cash para kunwari sa'ting dalawa. Para sa'yo din 'yun tapos mabibili mo ang gusto mo." Sabi ko na nga ba eh.
"Gangster ka ba?"
Napapikit siya. "I'm not a gangster. Napapaway lang but it doesn't mean that I really was. Inis lang si Mommy kaya niya nasabi 'yun."
"Nakakainis ka!"
"Bakit?!"
"Ggawin mo akong sinungaling!"
"Dapat lang dahil we need that. Wala namang mawawala sa'yo eh."
"Hindi pwedeng gawin mo ang gusto mo!" Para magpalakas ako kay Tita then pag nagbago itong lalaking 'to. Isasama niya ako sa Tokyo, Japan. Na kay Tita ang Loyalty ko. Wala sa mokong na 'to.
"Denisse, akala ko ba okay na?"
"Pero hindi mo ba alam ang pakiramdam ng isang magulang?"
"So, That is why I can't be a parent. Ayoko maramdaman 'yun!"
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!"
"Denisse, please!" Alam kong hindi pa siya magbabago kaya kailangan kong sumang-ayon sa kaniya. Tapos isusumbong ko siya. Lalong titibay ang relasyon namin ni Tita.
"Gawin mo ang gusto mo."
"Basta tahimik ka lang ah."
"Sasama ako kung saan ka pupunta!"
"Hindi pwede Denisse. Lakad ng mga lalaki 'yun."
"Oras na hindi mo ako isama, isusumbong kita!"
"Naku naman!" May kumatok! Bumukas ang pinto.
"Kids!!" Pumasok si Tita. "I know nag-aaway kayo dahil hindi ka pinapayagan ni Denisse sa gusto mo, tama ba?" Sabi niya kay Ken. Napatingin sa bintana ang dismayado na si Ken. "Asside for that, I know may gagawin kang kalokohan na naman. Mag-iinom at makikipag-away. Kaya oras na maging matino ka hanggang pag-uwi ko, siguradong pinagtakpan ka nito." Tinuro ako ni Tita. "Don't worry Iha, alam ko naman na hindi mo siya kukunsintihin 'diba?"
"Opo!" Basta isama niyo ako sa Japan. Sabay umalis na siya.
"Wala din pala." Sabi niya nang makaalis na si Tita.
"Kailangan kitang isumbong, mawawalan ako ng trabaho dahil alam niyang pinagtatakpan kita."
"Itigil na natin 'to!"
Hindi pwede, ito na ang pagkakataon kong makapunta sa Japan. "No!"
"Bakit? 'Diba inis ka naman sa sitwasyon!"
"Kailangan mong mabago!"
"Tapos nakakaawa ka nga pala dahil magagalit sa'yo si Mommy. I have no choice. Lulubusin ko nalang ang pagpapanggap natin." Ngumiti siya. lumapit tapos hinawakan ako sa balikat. "Tutal, andiyan na 'yan. Totohanin na natin." Tumingin siya sa katawan ko. Hindi ba siya Girl Minded? Bakit plano yata akong manyakin nito? Ano ang gagawin ko? Hindi pwedeng tumanggi dahil hindi ko siya pwedeng kasuhan. Boyfriend ko siya. Baka magalit Mommy niya? Hindi na kami bata.
Lumayo ako. "Ken please, itigil mo 'yan."
BINABASA MO ANG
The Happy Go Lucky Guy And The Anime Girl
FanficSi Denisse Villegas ay isang simpleng babae na mahilig manuod ng anime. At dahil sa kabaliwan nya sa anime, maghahanap sya ng trabaho at the same time mag aaral para makaipon at makapunta ng JAPAN! Naniniwala sya sa tadhana kaya naman wala pa syan...