Chapter 4

157 7 0
                                    

Denisse's POV

Natapos na ang 1st day ko. Ang saya! Grabe di ko na namalayan ang oras 7:30 pm na. Masyado akong nag enjoy sa trabaho ko. Buti naman at 'di ako pumapalpak. Medyo clumsy kase ako eh. Inaayos ko na ang mga gamit ko sa table ko para makauwi na nang my mahawakan akong malambot pag tingin ko...

DAGA!!!!!

"WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH" Sigaw ko at lumayo sa bag, ayan agaw eksena na naman tuloy ako! Nakakahiya!

Pinagtitinginan na naman nila ako! >.<

"Oh! Anong nanyare sa'yo?" Tanong ng mga kasamahan ko dun na kasalukuyang nag aayos din ng mga gamit nila.

"Ma-may da-daga sa loob ng ba-bag ko." Nau-utal ko pang sagot dahil sa takot. Ayoko talaga ng daga, ipis
, gagamba and whatsoever na maliliit na insekto.

"Ano bang nilalagay mo sa bag mo para puntahan ng daga? Pagkain?" Tanong ni Cyrine, isa sa mga nandun.

Oo matakaw ako pero ngayon lang ako nawalan ng pagkaen sa bag. So, pano dadagain 'yun?

"Wala, wala akong pagkain sa bag." Sabi ko na umi-iling pa.

Lumapit si Jonas sa bag ko para tingnan 'yung daga tapos bigla siyang tumawa.

"Hahahahhahahaha!"

"Oi oi! Ba't tumatawa ka mag isa diyan?" Tanong ni Cyrine.

Nilabas ni Jonas 'yung daga. Pero isang pekeng daga na sobrang lambot ang nandun, 'yung nabibili sa blue magic (Gets niyo?)

"Haizt! Kaasar! Sino naglagay niyan dyan?" Nakasimangot kong tanong.

Kasi naman! Unang araw ko pa lang dito agaw eksena agad ang peg ko Nagkibit balikat lang sila.

"Hmmmm, mukhang napapagkatuwaan ka dito Denisse ah! Ahahahahah!" Sabi ni Jonas. Tumawa naman sila.

"Oo nga eh." Sagot ko at pinagpatuloy ko na ang pag aayos ulet ng gamit ko para maka-uwi na.

Baka kung ano pang prank ang mangyare saken. Haizt talaga! Sino ba kase 'yung walang magawa na nangpaprank saken?! Pag nalaman ko talaga kung sino 'yun may sampung keltok saken 'yun! Asar!

*Labas ng kumpanya*

*Hintay jeep*

*Sakay*

*Baba*

*Lakad*

Bahay...

"Oh anak kamusta naman ang pag aapply mo? Kumaen ka na ba? Ba't ginabi ka ata?" Sunod sunod na tanong ni tatay.

Tatay talaga oh! 'Di pa ko nakakapasok ng bahay ang dami agad tanong. 'Yung tatay ko na 'yan sobrang sweet niyan. Hindi kame nagkita kaninang umaga kase tulog pa siya. Ayoko namang gisingin siya. Wag na kayo magtanong tungkol sa nanay ko. Malalaman niyo nalang soon pag nasa mood na akong magkwento. Pero sa totoo lang ayoko nang alalahanin pa 'yun.

"Tay easy lang, isa isa lang ang tanong, mahina kalaban hehehe." Sabi ko at nagmano sa kanya. "Kumaen ka na ba tay?" Tanong ko uli.

"Hindi pa, hinihintay kase kita para sabay na tayo kumaen anak." Oh di ba ang sweet ng tatay ko the best!

"Sweet talaga ng tatay ko kaya love na love kita eh!" Tapos niyakap ko sya.

"Sus wag na tayo magbolahan, tara na at kumaen na tayo." Inakbayan niya na ko at giniya papuntang lamesa.

"Anung ulam naten tay?"

"Siyempre masarap."

"Eeehh anu nga po?"

"Eh di nilagang dinosaur!"

"Wow! Sarap nga nun tay! Paborito ko 'yun!" Oh readers baka naman naniwala kayong nilagang dinosaur nga ang ulam namin?? Hahahaha ganyan lang talaga kame magbiruan ni tatay. Parang mag tropa lang, para cool! Haha!

"Alam ko anak kaya nga 'yun ang niluto ko eh." Sabay tawa.

"Kayo nagluto tay o binili niyo lang dun sa karinderya sa kanto?"

"Syempre niluto ko 'yan para sa paborito kong anak."

"Naku tay eh ako lang naman ang nag iisa niyong anak noh!"

"Bakit my sinabi ba akong may iba pa akong anak?" Tanong niya na nakakaloko.

"Hahah sabi ko nga!" Nagtawanan nalang kame at pinagpatuloy ang pagkaen.

Nang matapos na kameng kumaen--ako na nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Si tatay naupo na sa maliit naming sala at nanuod ng balita. Nagtatrabaho si tatay bilang family driver. Okay naman ang sweldo niya dun para sa pagkain, pambayad dito sa inuupahan naming bahay, pambayad ng kuryente at tubig. Mabait naman ang boss ni tatay.

Pagtapos ko magligpit at maghugas, tinabihan ko na si tatay. Bonding namin 'yun manuod at magkwentuhan.

"Tay may work na ko at nag umpisa na ako ngayon kaya ako ginabi."

"Ah ganun ba, mabuti naman kung ganun. Eh teka saan ka nga pala nag apply?" Pinatay niya muna 'yung tv mara makapag kwentuhan kame. Ngumiti ako ng malapad with matching taas baba ng kilay. "Hmmm parang alam ko na ah, at talagang tinuloy mu dun ha" Sabi uli ni tatay

"Eh tay alam mo naman na mahal na mahal ko 'yung mga ANIME KO!" (Inangkin?? Ahaha)

"19 ka na anak, ano bang plano mo?" Seryoso nyang tanong.

"Tay!! Ba't sinabi mo na 19 na ko?! 16 lang ako! Pkay?!" Hahaha ayan! Nalaman tuloy ng readers na 19 na ko.

"Okay 16 na kung 16, eh ano ngang plano mo?" Natatawa niyang tanong.

"Eto nga magtatrabaho muna ako para makaipon tapos this coming school year mag aaral ako. HRM kukunin ko tay."

"Sige anak susuportahan kita alam kong kaya mo 'yan, anak yata kita!"

"Yan tayo tay eh lakas makayabang!" Biro ko.

"Wag na kumontra! KJ net, oh sya sya matulog ka na at may pasok ka pa bukas."

"Opo , gudnight tay, kayo din matulog na." Humalik ako sa pisngi nya bago pumasok ng kwarto ko

"Gudnight din anak."

*inis katawan*

*Toothbrush*

Etc...

*Done*

*Higa na sa kama*

Haaaaaay sana naman wala nang mantrip saken bukas. Pag nalaman ko talaga kung sino 'yun lagot siya talaga saken! Hanggang sa nakatulog na ko maaga pa ko bukas .

*Set alarm*.

Oyasuminasai (Goodnight)

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon