Chaos 1 - Ingrid

40 0 0
                                    

"Tama na! Tama na.... Huhu" ang iyak nang batang lalaki sa kanyang mga classmate na babae.

"Tse! Haha" hinampas nya ang lalaki ng tambo.

Puro tawanan ang maririnig mo sa room na iyon. Tawanan ng mga babaeng biubully ang kanilang classmate na lalake. Pero lingid sa kanilang kaalaman, mayroong isang hindi nasisiyahan at pilit lamang nakikiayon sa kanilang halakhakan.

"Ano? Masakit ba ha? Uhugin kase!" ang sabi ng babaeng kulot ang buhok.

"Nandito na si ma'am! Tama na yan." ang awat ng babaeng naka headband na yellow.

Dumating ang kanilang guro at pinagalitan ang mga batang babae. Dinala naman sa clinic ang batang lalake.

Pinaglinis ang mga Grade 2 student na babae na nangbully sa lalake.

"Hay nako! Gagantihan ko talaga yang Mathuyo na yan!" ang himutok ng babaeng kulot na lider nila.

"Sa susunod, ilock natin sya sa room!" ang sabi ng batang nakapusod .

"Tapos takutin natin sya! Haha" ang sabi ng kanilang lider.

"Tama na muna yang mga plano nyo sa kanya. Baka maparusahan lng uli tayo eh." ang sabi ng babaeng naka headband na yellow.

"Okay!" -lider

-
After 8 years.
Sa dating room, kung saan binully ang batang lalake. Lumabas na ang mga estudyante at pumasok sa loob ang isang lalake.

Umupo sya sa pinakaunahan at tumungo. Sinubukan nyang umidlip, ngunit nasira ang plano nya dahil sa flag ceremony.

-
Bago magsimula ang lahat. Tahimik at masayang nabubuhay ang isang babaeng nagngangalang Ingrid. Mabuti syang tao at ayaw nyang makapanakit ng kanyang kapwa. Ngunit madaming pagsubok ang darating sa buhay nya, at magpapabago sa kanya.

INGRID's POV
"We were both young when I first saw you. I close my eyes and the flashback starts you're standing there"

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Asar naman. Ay teka... Jusme! Lunes na nga pala!!!

Agad akong bumangon at nag ayos.
Naligo na ko. Syempre di mawawala ang pagkanta at pagsayaw ko paliligo . Pakiramdam ko talaga performer ako pag nasa cr.

'just gimme gimme gimme gimme gimme'

As usual umabot ng 20 minutes ang paliligo ko dahil sa pagsayaw at pagkanta sa shower.
Nagtutoothbrush na ako ng marinig ko ang pitpit ng tricycle.
Patay kang Ingrid ka.

"Ingrid nandyan na si Mang Mario!" ang paalala saken ni mama.

"Pakisabi po saglit lang." ang sabi ko. Si Mang mario ang service ko sa school.

Pagkatapos kong mag toothbrush, pumunta ako sa kwarto ko at sinuot ang paborito kong headband.

-
Sa Angel's Heart Christian Academy.
Nagmamadaling tumakbo si Ingrid papunta ng gate. Ngunit nakita nya ang mahabang pila nang estudyante sa labas.

" Hay nako first day na first day late kayo." ang sabi ng gwardyang babae.

"Tita Mercy?" ang bulong ni Ingrid.

"Tita, papasukin mo na sila. Tapos na ang flag ceremony." ang sabi ng babaeng teacher.

-

INGRID's POV
Grabe first day late ako. Buti na lang warning pa lang ang pinataw samen, sa susunod daw na malate kame paglilinisin na kame ng garden. Hay, nakakalungkot lang hindi ako nakilala ni Tita Mercy. Siya kase yung gwardya dito dati nung grade 2 ako. Dito kase ako nag aral noon, kaso nagka family problem kaya lumipat ako school. Si tita Mercy yung laging sumasama saken pag umiiyak ako kase ang tagal ng service ko. Napakaiyakin ko talaga noon. Ewan ko ba, feeling ko kase iniwan nako pag wala pa yung service ko. Simula noon takot na kong maiwan.

Pagdating ko ng room ay inikot ko ang mga mata ko. Nakita ko ang dati kong mga classmate, pero mukhang hindi na naman nila ko kilala eh. Mas maraming bagong mukha ngayon wala pa siguro sa kalahati ang mga dati kong classmate.

"Hi Miss, ako nga pala si Eve" ang pakilala saken ng babaeng nakatirintas ang buhok.

"Hi. Ako nga pala si Ingrid."

"Section B kaba dati?"

"Hindi. Transfer student ako."

"Talaga? Grabe 3rd yr ka pa lumipat?"

"Kalilipat lang kase namen uli dito sa Rizal eh."

"Ganon ba? Hmm. Tabi tayo? Para makilala pa kita. Pwede ba?"

"Oo naman Eve :)"

Nagkuwentuhan kame ni Eve. Niyaya nya kong mag COCC. Nakasundo ko naman sya agad, at sabe nya saken pag sumali daw kame sa COCC gusto daw nya kong maging 'BUDDY'. Natutuwa ako kase may kaibigan na agad ako dito.

"Ang tagal naman ng mga teacher natin." ang angal ko.

"Ganto naman pag first day eh." ang sabi nya.

Napalingon ako sa pinto dahil may nagbukas nito. Nakita ko ang isang pamilyar na lalake at pumasok ito sa room.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon