Chaos 8 - Scared on falling

21 0 0
                                    

INGRID's POV
Grabe si Matthew pala si Matthuyo? Yung lalakeng iyakin nung grade 2 ako. Naalala pa kaya nya ko? Naalala ko sya dati pinaghahampas sya nina L.A ng tambo tas ako nakikitawa lang. Naaawa kaya ako sa kanya kaya tinawag ko na si Mam. Dinala daw sya sa clinic, pinaglinis kame nina L.A nung nalaman na binubully namen si Matthew. Mainit kase ang dugo ni L.A kay Matthew eh, ang tawag nga nya dito ay Matthuyo. Lagi kasing prito ang ulam nito yung tuyong tuyo ba? Hay nako iba talaga ang isip pag bata. Iiling iling ako habang iniisip yun. Bigla naman akong natigilan... Naalala kaya ni Matt yung huli kong ginawa sa kanya?

-
Sa Angel's heart christian academy. 8 years ago.

"Keyla bantayan mo si mam ha?!" ang sabi ng babaeng kulot. Sya si L.A.

"Nandyan na si Matthuyo!!" ang sabi ng babaeng nakapusod. Sya si Ana.

Pumunta si Matthew sa hagdan.

"Hi Matthuyo!" ang bati ni Ana kay Matthew. Nginitian naman sya ni Matthew. "Nasa taas na si L.A. Gusto na nyang makipagbati sayo." ang dagdag pa nito.

Umakyat naman si Matthew. Pag akyat nya ay tinulak sya ni L.A. Nadapa si Matthew. Tumakbo naman pababa si L.A at ni-lock si Matthew.

"L.A!! Buksan mo yung pinto please LA!! Natatakot ako!!" ang iyak ni Matthew!

"Bagay lang sayo yan!!" ang sabi ng batang si LA.

"Ano? Tapos na ba kayo kay Matthew?" ang tanong ng babaeng naka headband na yellow. Sya si Ingrid. Ingrid Keyla.

"Oo Key, hawakan mo muna yung susi ah bantayan mo sya. Bibili lang kame ni Ana ng pagkain natin!" ang utos ni L.A. Tumango naman si Ingrid. Umalis na sina L.A.

"Palabasin nyo nako pleaseee!" ang pakiusap ni Matthew. Naaawa namang tinignan ni Ingrid si Matthew. Nakaupo ito sa may hagdan at nakahawak sa rehas. Punong puno ng luha ang mata nito.

"Huhu tulonggggg" ang iyak nito. Hindi na nakatiis si Ingrid at inakyat na si Matthew. Nakapikit sya. Dahil takot sya sa mataas. Binuksan nya ang lock.

""Keyla?" ang tanong ni Matthew.

"Labas kana dali... Habang wala pa sina L.A." ang sabi ni Ingrid habang nakapikit.

"Bakit ka nakapikit?" ang tanong ni Matthew.

"Ah... Eh.. Wala sige na labas kana!" ang utos ni Keyla at dalidali syang bumaba ng rooftop. Bumaba na din si Matthew.

"Bakit moko pinakawalan?" ang tanong ni Matthew.

"Humihingi ka kase ng tulong eh." ang sabi ni Ingrid.

"Pano sina L.A?" ang tanong ni Matthew.

"Hayaan mo na sila. Baka nga nakalimutan ka na nila eh" ang sabi ni Ingrid.

"Salamat Keyla." ang sabi ni Matthew. Ngumiti naman si Ingrid. "Ang ganda naman ng headband mo." ang sabi ni Matthew.

"Salamat.." ang sabi ni Ingrid.

"Paborito mo ba ang kulay yellow?" ang tanong ni Matthew.

"Oo" ang nakangiting sabi ni Ingrid.

-
Back to reality.

INGRID's POV

Napahinto ako sa pag-alala ng nakaraan ng mapadpad ako sa gate ng rooftop. Nag-iba na ito, nasa labas na ang gate nito. Pati hagdan ay nasasaraduhan na ng gate. Dati kase ay sa may taas pa ang gate nito at wala pang harang ang hagdan. Napahawak naman ako sa susi. Nagsinungaling pako para lang makuha to. Sabi ko kay tita mercy pinapalinis saken yung rooftop eh. Hayy.. Gusto ko lang talagang umakyat dito, ewan ko ba. Bubuksan ko na sana yung lock pero nagulat alo kase nakabukas na to. Hala siya sinong nagbulas nito? Baka naman nalalimutan lang nilang isara. Pumasok nako sa loob at tumingin sa taas. Ano ba yan, takot nga pala ako sa mataas. Nakapikit akong umakyat, napadilat nalang ako ng bigla akong bumangga sa matigas na bagay. Laking gulat ko ng makita kung sino ang nabangga ko.

"MATT??!" Ang bulalas ko.

"Grid?" anong ginagawa mo dito?" ang tanong ng gulat na si Matthew.

"A... E... may.... maglilinis ako dito eh" ang palusot ko

"Wala ka namang dalang panglinis ah?" ang sabi ni Matthew. Hindi naman agad nakasagot si Ingrid.

"Matt. Hindi mo ba ko natatandaan?" ang pagbasag ni ko sa katahimikan. Napatingin naman saken si Matt. Tumalikod ito at pumunta sa rehas na nakaharang sa rooftop. Sinundan ko naman sya. Pero nanigas ang mga paa ni ko nang mapatingin ako sa may baba. Kahit na may rehas pa to! Nasa 4th floor pa din ako nuh?! SHEMAY 3rd floor nga kinakabahan nako eh. Pumikit na lang ako tulad ng dati kong ginagawa. Superman, Batman, Wonder woman kung sino mang superhero! Ibaba nyo ko dito dali!!

"Grid okay ka lang?" halata sa boses ni Matt ang pag-aalala. Hindi naman ako sumagot. "Uy? Grid? Takot kaba sa mataas?" Napadilat naman ako sa tanong nya.

"O-Oo e" ang nahiya kong sagot. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa may rehas.

"Oy Matt bitawan moko!" ang pag protesta ko. Pero sa totoo lang, nawala ng konti ang takot ko dahil sa paghawak nya ng kamay ko.

"Tignan mo Grid. Imulat mo ang mata mo. Hindi naman nakakatakot eh" ang sabi nya. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at tumingin sa baba. Mataas talaga kaya pinikit ko uli ang mata ko. "Ayos lang yan Grid, sige buksan mo ulit ang mata mo" ang sabi ni Matthew. Sinunod ko uli sya at hindi ko na napansin kung gaano ako kataas. Dahil nakuha na ang atensyon ko ang isang masayang pamilya sa labas ng bahay nila. Naglalaro ang 2 batang lalake, niyaya nila ang papa nila at nakipaglaro din ito. Ang nanay naman nila ay dumating na may dalang pagkain, buntis pa nga ito. Napangiti naman ako sa nakita ko.

"Ang.. Ganda naman dito." ang nakangiti kong sabi. Tumingin ako kag Matthew, nakatingin na ito saken at nakangiti din. Napatingin naman ako sa kamay nameng dalawa nakakapit pa din sya saken, agad ko namang binawi ang kamay ko.

"Sa-Salamat Matt" ang nahihiya kong sabi.

"Bakit ka ba takot sa matataas?" ang tanong nya.

"Takot kase akong mahulog." tumingin sya saken na parang may ibang kahulugan ang sinabi ko. "Literal ha. Takot akong mahulog pag nasa mataas akong lugar." ang paglilinaw ko. Natawa naman sya.

"Okay Grid. Gets ko na :)" ang nakangiti nyang sabe. Ngumiti nalang din ako.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" ang pag uulit ko ng tanong ko kanina. Seryoso naman syang tumingin saken.

"Sorry Grid... Hindi kase kita maalala eh." ang seryoso nyang sabi. Binigyan ko sya ng isang pekeng ngiti. "Naging magkaibigan ba tayo dati Grid?" qng tanong nya.

"Ah.. Eh.. Hi-hind ay Oo pala. Bata pa tayo nun, hindi ko alam kung ano ang tawag ko dun." ang pagpapaliwanag ko.

"Ganun ba? Hehe alam mo pala yung matthuyo?" ang tanong nya. Napatingin naman ako sa kanya. "Alam mo ba kung bakit Torres ang tawag nila saken?" ang seryoso nyang tanong saken. Nakatitig sya sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin.

"Hi-hindi eh" ang mabilis kong sagot. Naiilang ako.

"Na trauma kase nung grade 3 ni lock nila ko sa rooftop ng isang araw." nalungkot naman ako. Wala na kase ako nun dito para tulungan sya.
"Simula non. Takot nakong pumasok. Pero tinulungan ako ng mga teacher dito. Sabe ko papasok lang ako kung wala ng mambubully saken at kung... Hindi na nila ko tatawaging Matthew. Simula non Torres na ang pinangalan ko sa sarili ko. Tumigil na din sila sa pambubully at naging normal na ang buhay ko." ang malungkot nyang kwento.

"Pero bakit Matt ang gusto mong itawag ko sayo?" ang tanong ko. Nasasaktan pala sya pag tinatawag syang Matthew.

"Because pain becomes comfort when it comes to you" ang seryoso nyang sabi. Namula naman ako. Ano bang pinagsasasabi neto.

"Ha?!" ang gulat kong tanong.

"Basta Grid. Matt ang itawag mo saken ha?" ang paalala nya.

"O-Okay..." Maya maya ay nag bell na. Kaya bumaba na din kame. Napansin ko naman ang lock kanina.

"Paano ka nga pala nakapasok?" ang nagtataka kong tanong sa kanya.

"Gamit to." pinakita nya ang isang hairpin. Natawa naman ako sa diskarte nya. "Buti nga di napansin ni Ate Aya na kinuha ko sa buhok nya. :)" ang nakangiti nyang sabi.

"Ikaw talaga. Tara na baka malate pa tayo." ang yaya ko sa kanya.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon