Chaos 6 - Buddy

14 0 0
                                    

INGRID's POV

Kasama ko ngayong naglilinis si Emman ah este Nicolas pala. Na assign kame sa chapel, hindi naman ito ganun kadumi kaya winalisan lang namen ito ng konte. Hindi ako makapaniwala na sya ang magiging Buddy ko. Hindi kase ako komportable na lalake ang kasama ko. Lalo na't alam kong dati silang mag bestfriend ni Matthew.

"Kamusta ka naman dito sa Angel's Heart Tamayo?" ang pagbasag nya ng katahimikan.

"Ah. Ayos lang." ang tipid kong sagot.
Maya maya ay lumapit sya saken, napa atras naman ako. "Alam mo Ingrid, sanayin mo na ang sarili mo na kasama ako. Kase tayong 2 ang mag buddy. Mabait naman ako eh wala akong gagawing masama sayo." ang mahaba nyang pahayag.

"O-Okay" ang mahina kong sambit.

"Sige, para mapalagay ang loob mo saken bibigyan kita ng chance na magtanong ng kahit ano. Tas sasagutin ko ng totoo at bukal saking puso." bigla namang pumasok sa isip ko si Matthew. Gusto kong malaman kung totoo ba ang chika ni Eve.

"Ta-talaga?" ang paniniguro ko.

"Yap." ang mabilis nyang sagot.

"Bestfriend mo ba si Matthew?" ang mabilis kong tanong. Napansin ko na parang nagbago ang mukha nya.

"Ah oo." ang mabilis nyang sagot.

"Hanggang ngayon?" ang tanong ko. Ngumiti sya saken.

"Oopps. Isang tanong lang " ang mabilis nyang sagot. Hindi naman ako nakasagot.

"So Ingrid. Magkaibigan na tayo ah." tumango na lang ako. Hindi nako nagtanong uli, baka kase makahalata sya eh.

*
Kinabukasan. Pagpasok na pagpasok ko pa lang nang gate ay sinalubong nako ni Eve.

"Ingrid!!! Ay Tamayo pala ay okay na din yung Ingrid! Basta! " nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Hindi tayo mag buddy!!!!" ang naiiyak nyang dagdag. Natawa naman ako sa istura nya. " Grabe ka pa nga!" ang dagdag pa nya.

"Sorry Eve. Ikaw kase eh. Nakakatawa kaya yung reaksyon mo." ang sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo!" ang inis nyang turan.

"Ay. Sorry na Eve" ang sabi ko with matching beautiful eyes.

"Sige na nga" ang pagsuko nya. Yeyy. Bati na kame.

"Yehey bati na tayo. :)"

"Di kaya kita matitiis!" ay ang swerte ko naman kay Eve.

"Tamays!" napatingin naman ako sa tumawag saken. Lumapit ito saken. "Tara Tamays breakfast tayo" ang dagdag ni Emman.

"Tamays?" ang nagtataka kong tanong.

"Oo. Short for Tamayo?" bigla ko namang naalala si Matthew.

"Mas okay na ang Tamayo." ang sabi ko.

"Diba mag buddy tayo? Dapat iba ang tawag natin sa isa't isa!" ang sabi nya. Hindi naman ako nakasagot agad. "So? Tara na Tamays?" ang yaya nya.

"Sige. Nico :)" ang nakangiti kong tawag ngumiti din siya saken. Ewan ko ba bigla ko na lang nasabi yung Nico. Siguro nga mag best friend sila ni Matt. Parehas silang mahilig sa mga nickname at call sign eh.

"Pano na yung MattGrid? kung may Tamanico na?" ang bulong ni Eve saken.

"Ano yun Eve?" ang tanong ni Emman.

"Ah wala yun! Tara na Emman!" bago kame umalis ay napatingin ako kay Eve na tatawa tawa pa.

Pagdating namin ng Canteen ay agad na umorder si Emman.

"Anong gusto mo Tamays?" ang masigla nyang tanong.

"Bakit? Lilibre mo ba ko?" ang panloloko ko sa kanya.

"Oo." ang mabilis nyang sagot.

"Oy teka joke lang yung sinabi ko." ang mabilis kong sabi. Totoo naman eh joke lang talaga. May pera kaya ako.

"Ano kaba parang libre lang eh." ang dagdag pa nya. Bigla naman syang natigil at tumingin sa likoran ko. "Brad." ang tangi nyang nasabi. Lumingon naman ako at nakita ko si Matthew.

"Brad?!" ang sabi ni Matt at lumapit ito kay Emman. Nag appear sila.
"Kamusta ka na?" tanong agad ni Matt.

"Okay lang. Ikaw ba?" ang balik na tanong ni Emman kay Matt. Tumingin muna saken si Matt bago sumagot.

"Okay na okay" ang masigla nyang sagot. "Sige una nako ah. Binili ko lang ng inumin sina ate Ina eh. Bye Brad."

"Ba-bye!" nag appear muna sila bago tuluyang umalis si Matthew.

"Mag besy friend pa rin pala kayo hanggang ngayon?" ang tanong ko kay Emman.

"Oo naman." ang mabilis nyang sagot.

"Pero sabi ni.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mukang alam na nya.

"Si Eve nuh?" ang sabi nya

"O-oo" ang nag aalangan kong sagot.

"Anong kwento sayo ni Ingrid?" ang tanong nya.

"Na mag best friend daw kayo dati. Kaso hindi na ngayon kase nataken mo si Aya." ang mabilis kong sabi. Nahihiya ako. Baka sabihin nya tsismosa ako eh.

"Nataken? teka teka ibig sabihin naging kame ni Aya ganun?" ang tanong nya.

"Oo" ang sagot ko.

"Oo naging kame. At mag best friend kame ni Torres hanggang ngayon nuh." ang pagtatama nya.

"Huh? E bakit ka lunipat ng B? sabi ni Eve dahil daw nagbreak kayo ni Aya at hindi na kayo nagpapansinan ni Matt kase naging kayo nga ni Aya na nililigawan naman nya." ang mabilis kong paliwanag.

"Teka teka time out. Grabe naman yang balita na nakuha mo. Lumipat ako ng B para maging first honor. Nung nag transfer kase si Dayao dito nung 1styr nahirapan nakong maging 1st. At nung 2nd yr naging kame nga ni Aya pero nag break din kaya yun nalungkot ako at si Dayao na ang nag first. Pinalipat ako ni Mama ng B para na din malayo kay Aya. " ang sabi nya. "At inaamin ko hindi masyadong nagpansinan ni Matt nung nag break kame ni Aya. Sumama kase ang loob nya nung lumipat ako ng section eh. " ang dagdag pa nya.

"Pero niligawan ni Matt si Aya?"

"Ang pagkakaalam ko hindi. Ate lang talaga ang tingin nya kay Aya." ang sabi nya pa. Napangiti naman ako s sinabi nya. "Teka... Crush mo si Torres noh?!" ang pang aasar nya saken.

"Hoy hindi ah!!!!" ang mabilis kong sagot.

"Ayiiieeee!!!!" ang mapang asar nayang sabe. "Kaso may long time crush na sya eh" napatingin naman ako sa kanya. Sino sya? Ang tanong ng utak ko. "Si Anna. Joana talaga pangalan nya." ang sagot ni Emman. Para namang kinurot ang puso ko. Syempre nga naman bibigyan nya ng nickname si Anna. Lahat naman yata ng babae espesyal sa kanya eh. Lalo na siguro tong si Ana. "Tamays okay ka lang?" ang nag aalalang tanong ni Nico.

"Oo naman." hindi kaya! ang sagot ng utak ko. "Tara na. Pasok na tayo hindi naman kase ko gutom eh" at umalis nako. Ewan ko ba bakit ang bigat ng puso ko. Ano bang ginawa mo saken Matthew!!

Nasa 2nd floor nako ng marinig ko ang usapan ng 2 babae.

"Ana dumalaw na ba sayo si Torres?" ang sabi ng babae sa kasama nya. Palihim ko silang tinignan. Namumukaan ko ang babaeng nagsalita. Sya yung sumilip samen nung nakaraan eh yung Era?

"Dumalaw? Ano kaba Era bakit naman dadalaw saken si Torres?" ang tanong nung isang babae. Sya siguro si Ana. Maganda sya at mahaba ang buhok.

"Sows! Lagi ka kaya nyang dinadalaw. Baka nga ikaw ang crush nun eh!!!!" ang paghihimutok ni Era.

"Hay nako. Tumigil ka na nga Era!" ang sabi ni Ana bago sila tuluyang bumaba. Bigla kong namukaan si Ana. Parang kilala ko na sya dati? Naging classmate ko yata sya dito eh.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon