Chaos 5 - COCC

19 0 0
                                    

INGRID's POV
Araw ng lunes. Grabe ngayon ko lang naramdaman ang klase. Tinadtad kase kame ng assignment at activity ng mga teacher namen eh.

"Tamayo, peram namang ballpen." ang sab ni Acma. Ka CO ko sya. Lanie talaga ang pangalan nya, apelido lang nya ang Acma.

"O Acma" binigay ko sa kanya ang ballpen.

"Thanks Tamayo" at bumalik na sya sa upuan nya.

Natigil ako sa ginagawa ko ng may nakita akong babae na nakasilip sa pinto. Para itong may inaabangan.

"Ayunn syaa.." ang mahina nyang bulong pero sapat na para marinig ko. Nakatingin sila kay Matt. "Ang pogi talaga nya..." ang dagdag pa nung babae. Seryoso ba sya? Oo aaminin ko may itsura si Matt. Maputi, matangkad at maganda ang katawan. Pero hindi ko akalain na malakas pala ang appeal nya sa mga babae.

"Tara na Era baka malate tayo kay sir!" ang saway ng babaeng kasama nya. Umalis na din yung Era at pinagpatuloy ko na ang activity ko.

*
Nandito kame ngayong mga CO sa quadrangle. Kumain muna kame bago nag meeting. Kilalanin daw namen ang isa't isa. Ito kase ang utos ni man Cortez.

"Ako nga pala si Emman Nicolas. Section B. " ang sabi ng lalakeng gwapo at matangkad. Agad ko namang naalala ang kwento ni Eve. Sya pala si Emman, ang dating bestfriend ni Matt at ex ni Aya. Napatingin naman ako kay Aya. Parang wala lang sa kanya ang pagpapakilala ni Emman.

"Ako naman si Mia Ramos." ang masiglang sabi ni Mia. "Section B din ako."

"Ako naman si Eve Dalida. Section A."
ang sabi ni Eve.

"Lanie Acma. Section A." ang sabi ni Lanie.

"Krisha Carla Ynares . Section A" ang sabi ni Kc. Sya ang kinaiinisan ng mga officers namen. Maarte daw kase. Mayaman kase sya eh.

"Ako naman si Anthony Basas section B." ang sabi nito habang nakatingin kay Krisha. Halata namang nalove at first sight to kah Krisha eh.

"Xian Lee. Section A." Xian? Sya daw yung may gusto kay Bela ah.

"Mika Carlos section A na nalipat ng B." ang sabi ni Mika. Sya ang medyo pasaway samen. Madami na daw syang record sa school ng cutting at nakuhaan nga daw sya dati ng alak sa school eh. Yan ang mga kwento saken ni Eve. Ewan ko nga kung totoo eh.

"Aya Santos. Section A." ang sweet na sabi ni Aya. Napatingin ako kay Emman, nakatingin ito kay Aya.

"Maria Cenidoza. Section B." napangiti naman ako. Nandito pa pala si Maria. Kaibigan ko sya dati nung grade 2 pako. Napatingin naman sya saken at ngumiti.

"John Vicente. Section A." ang siga nyang sabe. Natawa naman ako ng mahina dahil napansin ko ang maliit nyang poknat.

"Harvey Garcia. Section B." ang sabi ng lalakeng may itsura kaso mukang bakla dahil sa sobrang pula ng bibig. Pero normal lang pala daw yun sabe nila.

"Liam Romero. Section A." ang sabi ng huling lalake na kasale. Ang liit nya ah pero matipuno naman.

"Hi ako si Judy Dayao." ang bati ng babaeng kayumanggi. "Section A." a oo sya pala yung matalino kong classmate. Palasagot yan sa recitation eh.

"Ariana Aragon. Section A." ang nakangiting bati ni Ariana. Medyo chubby sya tulad ni Eve.

Ay ako na pala ang sunod at last na magpapakilala. "Ingrid Tamayo. Section A" ang sabi ko. Nginitian naman nila kong lahat. Nag usap usap na din kame.

"So... Tamayo? Ingrid? Right? " ang tanong sakin ni Krisha.

"Oo Ynares." ang sabi ko.

"Ew. I really hate that surname. Okay lang ba pag tayo tayo lang Krisha nalang?" ang pakiusap nya.

"Okay Krisha. ;)" ang nakangiti kong sabi. Natutuwa ako sa pagiging maarte nya. Hindi naman kase sya mahirap makasundo eh.

"So.. Ingrid? Wala ka bang boyfriend? Ako kase kabebreak ko lang kanina. He's cute naman. Kala ko nga love na eh. Kaso nung nalaman kong bawal pala ang boyfie nakipagbreak nako. Sabe nya He'll wait naman daw saken. Hayy sana nga." ang mahaba nyang kwento. Natawa tuloy ako. Ang aga naman nyang mag boyfriend at mukang minahal na nya talaga ito.

"Wala akong boyfriend" agad kong sagot.

"Ex? Siguro naman meron?" yung totoo? 3rd yr high school palang ako wala pa sa isip ko yan.

"NBSB ako Krisha. Ang bata ko pa para mag Boyfriend. " ang sabi ko.

"Wow? Seriously?" ang gulat nyang tanong.

"Oo." ang sagot ko.

"Suitors?" ang tanong nya. Napaisip naman ako. Wala kase talagang nagtangkang manligaw saken eh. Kase tinataboy ko agad sila.

"Wala din." ang mabilis kong sagot.

"Eh crush?" nanlamig naman ako sa tanong nya. Hindi ako nakasagot agad dahil naisip ko si Matt. Grabe naman. Oo nagka crush nako dati pero dahil lang sa itsura at parang wala nga lang saken eh. Pero yung kay Matt? Crush ba yun? Ano ba yan.... " I knew it! May crush ka noh?!" ang paghuli saken ni Krisha. Hindi ko naman sya sinagot. "Sino sya?" ang dagdag pa nya.

"Ah... Eh.." hindi ko alam ang isasagot ko.

"COCC take my command!" ang sigaw ni Mam Cortez. Agad kaming humanay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naka takas ako kay Krisha. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang tanong nya. Totoo nga kaya? May Crush bako... Kay Matthew?

-
EVE's POV
"Class Dismiss" ang sabi ni mam Nievas. Hay salamat tapos na din ang klase. Excited nako!! Makikita ko na si Sir Jedaiii!! Ay Dapat pala Sir Santillan. How I wish na maging Eve Dalida Santillan ako. *^.^* SHEMAY SHOMAY. Kininikilig ako!!

"Wuy Eve! Tara na malelate na tayo!" ang tawag sakin ni Ingrid.
Agad kameng bumaba. Nakita ko agad si Sir Santillan. Para kong na naglue sa kinatatayuan ko.

"CO!" ang tawag nya samen. Pumunta naman kame agad sa kanya. Nagtataka naman ang mga kasama ko kung bakit hindi nag command si Jedai ko. Syempre expected ko nang hindi sya mag cocommand nuh. Mahina kase boses nya nung CO sya at ayaw nya talaga mag command sa harap ng madaming tao. Hayy. Okay lang yan Jedai ko, tanggap kita.

"Wala si Colonel ngayon eh. Mag form na kayo." ang utos nya at agad naman namen syang sinunod. "Paglilinisin ko na lang kayo ng school tas papauwiin na." sabe na nga ba eh hindi ako papahirapan ni Jedai ko. "Bibigyan ko na kayo ng buddy " napangiti naman ako sabay tingin kay Ingrid. Sya kase talaga ang gusto kong maging partner eh. Napangiti naman ako kase nakatingin na sya saken. Alam na nya talaga nasa isip ko.

"Ynares at Basas. Kayo na ang mag buddy. Linisin nyo ang 3rd floor.
Ramos at Romero. 2nd floor kayo.
Acma at Dayao ground kayo. Santos at Aragon sa Cr ng girls. Tamayo at Nicolas sa chapel " bayern hindi kame magkasama ni Ingrid!
"Cenidoza at Carlos sa hall ng 1st floor. Vicente at Lee sa cr ng boys. At ang huli Garcia and Dalida." Yeeyyy tinawag nya ko. "Sa garden kayo." napangiti naman ako. "Now move!" ang utos nya at umalis na kame.

Nakabusangot akong pumunta sa garden at nagwalis. Habang yung kasama ko, ayun gumagamit ng cellphone.

"Hoy tulungan mo nga ako!" ang naiinis kong sabi.

"Oo na." ang walang gana nyang turan at nagpulot na ng basura. "Diba ikaw si Eve?" ang tanong nya. Hindi ko sya pinansin. "Alam mo Eve bagay sayo yung tirintas" napatingin ako aa kanya. Baliw ata to. Naka hairnet kaya ako. "I mean nung hindi pa tayo CO." ang dagdag pa nya. Hindi ko na lang sya pinansin. "Uy Eve, kausapin mo naman ako"

"Ano ba? Eve ka ng Eve. Dalida okay? Maglinis ka na nga lang" ang pataray kong sabi.

"Sungit naman neto" halata sa mukha nya ang pagkadismaya. Napangiti naman ako habang naglilinis. Ang kulit kase nya eh.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon