Chaos 4 - Formation

26 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo.

"Ingrid!" ang tawag ni Eve.

"O bakit?" -Ingrid

"Ginawan na kita ng name plate tsaka ribbon. Suutin mo na. Tas mag hairnet ka na din. Magsisimula na daw ang formation. " -Eve

"Sige." tinanggal ni Ingrid ang yellow headband nya at sinuot ang hairnet.

"Towres libre mo kame ng buko shake!! "- Aya

"Oo nga Towres! Natanggap ka uling player sa badminton eh." -Lyn

"Sige mga ate." ang masiglang sabi ni Matthew. Dumaan sina Matthew kena Ingrid. Tinignan ni Ingrid si Matthew, ngunit hindi man lang sya binigyan nito ng kahit konting pagsulyap.

"Ready ka na Ingrid?" - Eve

"Ah Oo. Tara na" - Ingrid

-
INGRID's POV
Biglang sumigaw ang classmate ni Rose na nasa gitna ng Quadrangle.
Dali dali kaming tumakbo ni Eve dahil kame pala ang tinatawag nya.

"COCC Take my Command! Humanay! 1..2..3..4..5.." buti naka abot kame ni Eve. Ginagaya lang namen ang ibang CO na nag mimilitary jog.

"..6..7..8..9..10! Handa harap!" umayos na kami ng tayo at tumingin sa kanya.

"Ako si Kara B. Cortez ang CAT Colonel batch 2012-2013!" ang matapang na pakilala nya samen

"Ate Kara excuse po" ang mahinang sabi ni Aya na nasa gilid namen.

"Bakit Aya?" ang tanong ni Mam Cortez

"Pwede pa pong sumali? Pasensya na ate hindi kase ako na inform eh." ang confident na sabe nya.

"G1 bigyan mo sya ng form at paki orient na din." ang utos nya kay Rose. Sumunod naman kay Rose si Aya.
Nakita ko sa gilid si Matthew nakatingin sya saken. Ngunit ng tinignan ko sya ay umiwas sya ng tingin at nalipat ito kay Aya. Nalungkot ako sa ginawa nya pero agad ko na lang itong inalis sa isipan ko. Kung ano man tong nararamdaman ko, dapat ng mawala. Hindi tamang magselos ako sa taong hindi naman akin.

*
Pagkatapos ng training ay umuwi na din ako samen. Ang bigat ng pakiramdam ko. Aaminin ko mahirap pala ang magtraining, ang sakit ng katawan ko dahil sa military jog, rounds, pumping at kung ano pa. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang pagod.

"Ingrid! Magpapakamatay kaba?" ang sigaw ni mama sa labas.
Lumabas ako para puntahan sya. Gaya ng inaasahan ko. Nakahanda na ang hapunan at ako na lang ang hinihintay.

"Tignan mo nga sarili mo? Ni hindi ka pa nakakapagbihis?" ang sabi ni mama.

"Sorry ma" ang tangi kong nasabi

"Papaalala ko lang sayo Ingrid. May anemia ka. Baka gusto mong di na umabot ng college." ang paalala ni mama. Bigla naman akong kinabahan, ang sakit ko kase ang dahilan kung bakit kame lumipat ng tirahan nung Grade 2 ako. Kailangan nila ng malaking pera kaya sinundan ni mama si papa sa Canada at naiwan kame ni Elle, ang kapatid ko sa mga lola namen sa Ilocos.

"Mag Quit ka na dyan sa CO na yan ha!" ang utos ni mama.

"Ma ayoko " ang mahina kong sabi.

"Bakit? Tignan mo nga ang itsura mo?" ang galit na sabi ni mama.

"Papatunayan kong kaya ko to!" ang matapang kong turan. Simula kase nung magkasakit ako ay lagi na nila kong pinagbabawalan sa gusto ko. Gusto ko namang patunayan na kaya ko to kahit may sakit ako.
Hindi nalang ako pinansin ni mama kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
*
Maaga akong pumasok, dapat daw maunahan namen si Mam Cortez. Pag pasok ko ng school, binati ako ni Tita Mercy.

"Ingrid? ikaw na ba yan?" ang nakangiti nyang bati.

"Opo tita mercy :)" ginantihan ko sya ng isang matamis na ngiti.

"Aba ang laki mo na ah. Parang dati sinasamahan pa kitang antayin ang service mo eh." ang pagpapaalala nya saken.

"Oo nga po eh ang bilis ng panahon."
ang sagot ko.

"Bakit nga pala ang aga mo?"

"Nag CO po kase ako, kailangan daw po maaga. Tsaka aayusin ko po yung nameplate at hairnet ko." ang nahihiya kong turan.

"Ganon ba. Alagaan mo sarili mo ha." ang paalala ni Tita Mercy.

"Opo tita" ang sagot ko bago tuluyang umalis. Pumunta ako sa bench malapit sa Ground. Sinuot ko ang nameplate ko at ribbon. Hinubad ko na din ang headband ko at pinatong ito sa bench. Susuotin ko na sana ang hairnet ko ng biglang may kumuha ng headband ko.

"Oy ba... Matt?!" ang gulat kong turan.

"Hi Grid :)" ang nakangiti nyang bati. Hindi naman ako makasagot, natutuwa ako kase nandito sya ngayon sa harap ko. Pero nalulungkot din dahil parang wala lang ako sa kanya nung mga nakaraang araw.

"Akin na yung headband ko." ang malamig kong sabi.

Nakita ko namang nagbago ang kaninang masayahin nyang mukha. Nalungkot sya. "Sorry Grid. Gusto ko lang namang tignan eh." sabay balik ng headband ko. Nakonsensya naman ako sa ginawa ko.

"Sorry Matt. Paborito ko kase to eh. Nagulat lang ako sa ginawa mo."

"Paborito mo ang yellow? :) " bumalik na ang ngiti nya.

" O-Oo. " ang tangi kong nasagot.

"Ngayon alam ko na." ang mahina nyang bulong pero sapat na para marinig ko.

"Ano yon?" ang tanong ko, sasagutin na nya sana kaso may tumawag sa kanya.

"Torres!" ang tawag ng babaeng naka pang COCC. Hindi sya si Aya kase walang W sa Torres nya.

"Mimi!" ang masayang bati ni Matt.

"Mimi ka dyan? Mia. Mia ang pangalan ko!" ang galit na turan ng babae.

"Eh mas gusto ko mimi eh para maiba." ang sabi ni Matt. Para naman akong nanlambot ng marinig ko yon. So... Hindi lang pala ko ang binigyan nya ng nickname? Hay nako bakit ba ko nag assume na ako lang ang binigyan nya non?

"Tsk. Bahala ka nga. Susunod nalang ako sa Training natin ah. May training din kase kameng mga CO ngayon eh." ang paliwanag nya. Halata namang badminton player sya dahil may raketa sya sa likod nya.

"Sige mimi :)" ang nakangiting turan ni Matthew.

"Sige una nako" ang paalam ni Mimi bago tuluyang umalis.

"Una na din ako Grid. Inaantay nako nina ate Aya eh." ang paalam nya.

"Si-Sige" at tuluyan na syang umalis. Grabe ah sino ba talaga ang gusto nya?

*
Pagkatapos ng recess ay nag formation na kameng mga CO. Inutusan kame ni Mam Cortez na maglinis ng buong school. Na assign saken ang cr ng girls. Agad akong pumunta sa cr at binuhusan ang sahig ng tubig. Hindi naman ganon kadumi ang cr dahil nililinis naman ito ng mga janitor. Nag mop nalang ako ng konti.

"Ingrid? Ah este Tamayo pala." ang sabi sakin ni Mia.

"Huh?" ay oo nga pala, apelido dapat ang tawag nameng mga CO sa isa't isa. "Ba-bakit Ramos?" Ramos kase ang apelido nya.

"Tulungan na kita? :)" ang nakangiti nyang sabi. Hinayaan ko na lang sya.
"Magkaklase kayo ni Torres? " ang tanong nya.

"Ah oo" ang mabilis kong sagot.

"Kaklase ko din sya dati. Kaso nalipat ako ng Section B. Nalate kase ko ng enroll eh." ang paliwanag nya. "Ngayon lang kita nakita dito. Transfer ka ba?" ang tanong nya.

"Oo. " ang tipid kong sagot.

Ngumiti sya saken. "Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala. Pero sana maging magkaibigan tayo. :)"
Napangiti na lang din ako sa sinabi nya.

"COCC take my command! Humanay! 1..2..3.." ang sigaw ni mam Cortez.

"Tara na Ramos!" sabay kameng tumakbo papunta kay Mam Cortez.



After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon