Chaos 10 - Babe

35 0 0
                                    

INGRID's POV

Hayy nakaka antok na araw. Napuyat ako kay Eve kagabi, tawagan ka na naman simula 10 ng gabi hanggang 2 ng umaga eh. Broken kase ang loka. Nalamang taken na ang puso ni Sir Jedaii. Nagbalak pa ngang mag quit eh! Nako kung kasama ko lang sya kagabi nasabunutan ko na talaga yun.

"Tamayo!" natigil ako sa pag iisip ko ng lumapit saken si Mia. Niyakap nya ko.

"Ramos? Okay ka lang ba?" ang tanong ko sa kanya.

"Hindi..." agad nyang sagot. Hays mukang alam ko na kung bakit.

"Hindi mo na buddy si Romero no?" agad kong tanong.

"O-Oo. At hindi ko man lang nalaman kung anong meron kame." ang paliwanag nya. CRUSH nya kase si Romero at nagbibigay din ito ng motibo kay Mia. Ang sikreto ni Mia ay ang mapaamin si Romero kung ano ang tunay na nararamdaman nito sa kanya pero hindi na nya to magagawa ngayon kase hindi na sila mag buddy.

"Ayos lang yan Mia." ang pag comfort ko sa kanya. Pero hindi sya umimik. Hay nako pano ba to. "Hmm.. Alam mo ba Mia may crush din ako" ang panimula ko sa kanya. Agad naman syang tumingin saken. "At hindi ko din alam kung anong tingin nya saken..." ang sabi ko. "Ganto nalang. Gawa tayo ng Dare sa Fate." ano ba yan para nakong baliw. "Babe. Tama Babe!" ang sabi ko.

"Babe?" ang nagtataka nyang tanong.

"Oo. Babe. Sa loob ng 3 araw. Pag tinawag tayong Babe ng Crush natin ibig sabihin non crush din nila tayo. Pero pag hindi... Well Wag na nating pangunahan ang tadhana :)" ang nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige! GAME!" ang masigla nyang sabi. "Pero teka. Sino nga pala yung crush mo?" ang nagtatakang tanong ni Mia.

"Mm.. Secret muna sa ngayon.. So tara na baka malate pa tayo eh." ang pag iiba ko ng usapan. Shocks. Anong klaseng kashongahan ba ang nagawa ko.....

*
Ang bilis talaga ng oras pag natulog ka sa klase hehe. Uwian na namen at wala daw kameng formation ngayon, pahinga daw muna. Hayy. Makakatulog ako nang malupet.

"Grid!" ang sigaw ni Matt. Ano ba yan malapit nako sa gate eh. Konting konti na lang makakauwi nako.

"Bakit Matt?" ang matamlay kong sagot.

"Diba magpapraktis tayo?" ang yaya nya. Tokwa! Oo nga pala sabe ko ngayon kame magpapraktis eh. Badtrip di ko nasabihan si Eve. Baka naghihilik na yon sa kanila... Pano ba to.

"A... Kase.. Ano... Wala pa tayong kanta eh tsaka di ko nasabihan si Eve. " ang paliwanag ko.

"Hmm.. Gusto mo sumama na lang tayo kena Krisha? Nagpapraktis na sila eh. Sayang naman yung oras." ang seryosong sabe nya. Napatango nalang ako. Di ako pwedeng maging choosy no.

"Hi Ingrid!!" ang bungad ni Krisha.

"Hi din Krisha" ang bati ko

"Tinuro ko na kay Matt ang Step natin. At instrumental ang tugtog natin! Kaya mag start na kayo! Oki?" tumango naman ako at lumapit kay Matt.

Hinawakan ni Matt ang kamay ko, nilagay nya sa may dibdib nya. Pagkatapos ay nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko at pinaghawak ang isa pa naming kamay. Tumingin sya sa mata ko, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sinunod ang tinuturo nya. Habang nagsasayaw kame ay nakikita ko syang nakatingin saken, iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya...

"Hey Ingrid wala pang sounds! Bakit nagsasayaw na kayo ni Torres?" ang nakapamewang na tanong ni Krisha. Grabe. Di ko napansin na wala pa palang tugtog, para kaseng may naririnig nako eh. Teka.. Ako lang ata kakarinig nun ah. Napatingin ako kay Krisha. Bigla naman syang ngumiti. "Ay! Bagay pala kayo ni Torres! :)" bigla naman akong napabitaw kay Matt. Tinignan ko sya at seryoso lang siyang nakatingin saken.

"Oy... Tinu-tinuturuan lang ako ni Matt ah." ang pag depensa ko.

"Don't worry Ingrid! Okay lang yan part yan ng High school!" ano daw? Hay nako.

"Hay nako Ynares." diniinan ko talaga yung Ynares. Alam ko kaseng eto ang magpapatahimik sa kanya eh.

"I hate you na Ingrid!" natawa naman ako. Nginitian ko na lang sya, alam ko namang arti lang nya yon eh.
"Itutuloy paba natin ang practice? " ang naiinip na tanong ni Matt.

"Ah.. Oo naman" ano bang problema neto? Bat ang seryoso naman. Kung kanina titig na titig sya saken, ngayon naman ay halos di na nya ko tinitignan. "Matt? May problema kaba?" natigilan kame sa pagsasayaw dahil sa tanong nya.

"Wa-Wala ah." ang mabilis nyang sagot at tinuloy na namin ang pagsasayaw. Hindi ako na convince sa sagot nya ah.

"We? Ano nga Matt? Sabihin mo na kaseee..."

"Bakit Tamays ang tawag sayo ni Emman?" ang pagputol nya saken. Natigilan naman ako sa tanong nya. So... Yun pala ang dahilan ng lahat tama ba? Di nya ko pinapansin kase may call sign kame ni Emman? Eh ano namang pake nya samen ni Emman? Teka... Nako Ingrid tigilan mo yang pag asa mo!

"Ah. Call sign namen yon. Kase mag buddy kame." ang sagot ko.

"Ah." Ah? Yun lang sagot nya Ah?

"Pero ngayon, Normal na tawagan namen. Di na kase kame mag buddy eh." ang dagdag ko. Bigla namang nagliwanag ang mukha nya at nginitian ako. Wow ah?! Yung totoo ngayon lang nya ko nginitian ulit ah.

"Okay na ko Grid." ang nakangiti nyang sabe. Hindi ko sya maintindihan. Magtatanong pa sana ko eh, kaso walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hay nako mananahimik nalang ako. "Ikaw Grid? Okay ka lang?" ang tanong nya.

"Oo" ang mabilis kong sagot at hindi na ulit sya nagtanong.

*
Kinabukasan.
P.E namen ngayon na parang free day, pano ba naman.. Wala namang matinong laro o activity eh. Basta basta na lang kame pinababa sa quadrangle. Yung iba naglaro ng basketball, yung iba nagchichikahan lang, may kumakain din, may nag jajakenpoy na may dare, at siyempre di mawawala ang chinese garter!!! Kasale ako syempre, buti nalang katatapos ko lang ngayon.

"Ingrid! Ingrid! Ingrid!!" ang sigaw nila saken. Rimborak na kase kame nasa hips na ang aking susuungin. "Go Buddy!!" ang tili ni Eve. Hay nako pag di koto nagawa ng maayos sasapakin ako nina Eve. Kampihan kase kame eh, at pag na dead ako ngayon kame na ang taya.

"buddy bilisss!!" ang tili ni Eve. Grabe nakakakaba lalo ah. Okayy.. Game Ingrid focus focus.

"Babe!" nagbend na ko at handa ng dumaan sa ilalim ng lubid. "Babe!!" ang tawag ng pamilyar na boses. Teka? Si Matt yun ah? Sino yung tinatawag nya? Napahinto ako sa paglakad nasa gitna nako ng lubid eh. "Babe!!!....... Grid!" Napalingon ako sa kanya, dahilan para matama ako aa lubid. Nahihiya naman syang kumaway saken. Bigla naman syang tinapik ni Emman.

"Ayiiieee! Haha game next round na bumawi ka naman!" ang sabi ni Emman at pinagpatuloy na nila ang paglalaro ng Jakenpoy with pamatay na dare.

"Buddy! Talo taya na tuloy tayo!" ang maktol ni Eve. "Pero okay lang. Tinawag ka namang babe ni Torres eh! Ayiieee" ang pang aasar nya.

"Loka! Alam mo ba yung dare?!" inirapan nalang nya ko at tsaka hinawakan ang kabilang lubid. Kami na ang taya. Si Mia na ang titira at tumingin ito saken. Shoooot! Yung usapan namen ni Mia! yung sign namen....

Tinawag ako ni Matt na Babe.... Ahhhhhhhhhhhh!!!!!! Erase erase! Sign yon eh! Di yon totoo hindiiiii!

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon