Chaos 13 - The most memorable day

20 0 0
                                    

Date: December 17, 2012

INGRID's POV

Pagpasok ko ng school ay puro usapang tour ang narinig ko. Binigyan ako ni Eve ng key chain na Ferris wheel galing sa MOA. Infernes ang cute ha. Napatingin naman ako kay Matt sa may pintuan, kausap nya si Mia at mukang seryosong usapan ang meron sila. Maya maya ay dumating na ang teacher namen at umupo na din si Matt. Nakatingin sya saken kaya di na naman ako makali.

"Wuy Buds. Kakausapin ka daw ni Ramos mamaya." -Eve

"Bakit daw?" ang tanong ko kay Eve.

"Aba malay ko. Basta wag daw muna tayo bababa after ng klase natin." -Eve

Pagkatapos ng ilang oras ay nag uwian na din kame. Pero siyempre hindi naman kame makakauwi agad kase may formation pa kame at kakausapin daw ako ni Mia.

"Nasan na kaya si Mia" ang tanong ko kay Eve

"Ayan na sya!" ang sigaw ni Eve.

"Babe? Tungkol san ba ang pag uusapan natin?" ang simula ko

"Hmm. Upo ka muna dito." bigla nya kong inupo sa upuan sa tapat ng Whiteboard. At pumunta sya kay Matt. Shems. Bigla kong kinabahan ng bongga ah, pinaupo nya si Matt sa tapat ko at si Mia naman ay umupo sa may gitna namen. Ano bang meron? Shomay Siopao naman oh. Napatingin ako kay Eve at nakita ko ang mapuputi nyang ngipin halos mapunit na ang labi nya sa lapad ng ngiti nya eh.

"A-Anong ibig sabihin nito?" ang tanong ko kay Mia.

"Magkaalaman na nga tayo." ang sabi ni Mia. "Para hindi na kayo maguluhan at para matahimik na din ang utak nyo. Ikaw Torres may gusto ka ba lay Ingrid?" ang deretsahang tanong ni Mia. Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko, namumula na nga ata eh.

"Oo. Gusto ko sya" ang mabilis na sagot ni Matt habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ikaw Ingrid? May gusto ka ba kay Torres?" Harrrruuuu wala akong takas dito.

"Oo." ang mahina kong sagot.

"Sige nga Ingrid itanong mo kay Torres kung gusto ka ba nya talaga" serryooossoo aba etong babaeng to..

"Ano?" ang mahina kong bulong sa kanya.

"Sige na sabihin mo na" ang sabi ni Mia.

"Matt... May gu-gusto kaba saken" hindi ako makatingin sa kanya grabe tong aminan na itooo di ko na keri!

"Oo Grid gusto kita. Eh ikaw gusto mo ba talaga ko? :)" ang nakangiti nyang tanong. Yung totoo wala lang to sa kanya. Pinaghandaan nya ba to. Di ba sya natatakot sa pwedeng mangyare? Ano na nga bang mangyayare?

"O-Oo... Gusto din kita" ang sagot ko. Eto na ata ang sinasabi ni Mia. Dapat hindi ko itago ang nararamdaman ko. Gumaan ang puso ko kase alam na nya ang totoo.

"Oyy!! Nag cocommand na si mam!" ang pagsira ni Eve sa nakakakilig nameng moment.
Agad akong tumayo at tumakbo pababa kasunod ko si Eve at Mia. Nag form na kame.
Habang nasa formation ay pinaulit ulit ng utak ko ang nangyareng aminan kanina. Shemay kinikilig ang mga bones ko... Maya maya ay tiniwalag na kame o pinauwi na. Agad kong pinuntahan si Mia.

"Babe" ang tawag ko sa kanya. Agad nya kong nginitian.

"Hi babe. Ano magaan na ba to?" sabay turo nya sa may puso ko.

"Oo super! Babe thank you ha" hay kung hindi dahil sayo babe hindi ko masasabi ang tunay kong nararamdaman.

"Wala yon! Basta i-update moko kung may progress na sa loveteam nyo ah." Natigilan naman ako sa sinabi nya.Kase sa ngayon hanggang pag amin lang ang kaya kong ibigay kay Matt at wala ng iba.

-
Dumaan ang 2 araw ng examination nila. Hindi masyadong nagpansinan si Ingrid at Matthew dahil na din sa ilangan.

INGRID's POV
Christmas party namen ngayon :) Im so excited! Kaso hapon pa ang party namen ang aga ko nga nagising eh si Elle kase maaga ang Christmas party binulabog pa ko. Wala naman si Mama namalengke kaya mag isa ko ngayon sa sala at nanunuod. Detective Conan ang palabas ayako neto malipat nga sa etc. Yern 2 broke girls palabas. Favorite ko to ah... Habang nanunuod ako ay napansin ko ang cellphone ko '4 new messages' Di na bago saken yan kase puro gm lang yan for sure. Hay manunuod nalang ako. Nag commercial na ng napagdesisunan kong basahin ang mga tex saken at parang may tumatakbong kabayo sa puso ko dahil sa mga nababasa kong tex.

From: 0935*******
"Hi Grid. Si Matt to. Ano nga pala ang favorite mong color?"

Tokwat baboy with soy sauce!! Totoo ba to???? Teka 2 pala tex nya.

From: 0935******
"Uy Grid?"

Hala san nya nakuha number ko? Chineck ko yung 2 pang message at galing ito pareho kay Mia. Yung una ay gm pero yung pangalawa ay pm na.

From: COCC Ramos
"Babe. Hiningi ni Torres number mo. Binigay ko ah."

Kay Mia pala galing!!! Nako nako anong sasabihin ko...

Ako:
Ah... San mo nakuha number ko?

SENT! Kunwari di ko alam.

Siya(MATT):
"Kay Mia, Grid :) Bakit antagal mo magreply?"

Ako:
Ah kase nanunuod ako ng tv.

Siya:
Anong pinapanuod mo Grid?

Ako:
Ah 2 broke girls.

Siya:
Hindi ko alam yun hehe. Grid ano nga pala favorite color mo?

Ako:
Yellow. Bakit?

Siya:
Regaluhan sana kita

Ako:
Wag na.

Siya:
Hm. Nasa Sta. Lucia ako eh Grid binilan ko ng teddy bear si Ate Ina. Sya kase nabunot ko.

Ako:
Ah. Uwi kana malapit na tayong mag Christmas party.

Siya:
Sige Grid :)

Ako:
Ingat! GOD BLESS!

Siya:
Salamat Grid :)

Nahampas ko naman bigla ang noo ko! Hindi nga pala ko unli badtrip!!! Di na ko nagreply sa kanya at naligo na. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagpaload uli ako. Inanli ko na agad baka makalimutan ko na naman eh. Nagkatex kame uli. Sinigurado ko kung gusto ba nya talaga ko at oo daw GUSTO NYA ko. Sabi ko sa kanya di pa ko pwedeng ligawan kase fourteen palang ako at sa eighteen ko pa balak mag boyfriend. Inaantay ko ang sagot nya ng biglang sumingit ang panget kong tito. Kapatid syang bunso ni mommy at close kame SUPER Parang kuya ko na nga yan eh. Sya si tito Jackson Tito J for short. Kakauwi lang nya galing work at Hiniram nya ang phone ko para makitex.

"Lelegawan sana kita eh?! Oy Grid sino tong nagtex sayo?!!!" ang sigaw ng tsismoso kong tito! Shongaks ko talaga! Nakalimutan kong katex ko si Matt. Sabe nya kase sayang daw at 14 pa lang ako tas ang reply ko ay bakit tapos ayan na ang reply nya.

"Ha? Sinong maysabi?" ang patay malisya kong tanong.

"Number lang eh." Woo nakahinga ang lola nyo. Di ko pa kase nasesave number nya at Buti nalang nabura ko na ang iba nyang tex at yung sent items ko kaya parang xsent lang si Matt.

"Wala naman palang number eh tsaka wala ding pangalan ko sa tex kaya xsent lang yan!" Ang palusot ko.

"Siguruhin mo lang Ingrid Keyla Coronado Tamayo Ha!!!!" hay nako daig pa talaga ang kuya aba.

"Opo..."ang sabi ko sabay bawi ng cellphone ko. Hay Nako Matt. Wala naman akong ginagawang masama, wala naman tayong ginagawang masama pero bakit ako kinakabahan ng ganito...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon