Chaos 11 - The truth behind his nicknames

24 0 0
                                    

INGRID's POV

Aaminin ko. Hindi ako makaget over sa babe nayan. Kase sign sign eklaberg lang naman yun eh hindi yon totoo. Pero yung puso ko Asadong Hopia na naman. Badtrip!

"Tamayo" tumabi saken si Mia. Ngayon na pala yung ikatlong araw. Natawag din kaya syang babe ng crush nya?

"Ramos? Kamusta?"

"Tapos na pala yung 3 days natin..." ang nakangiti nyang sabi.

"Oo nga no. Ehem ehem... Tinawag ka bang Babe ni Romero?" ang nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hindi eh." ngumiti din sya saken. "Okay na din yon. Nawala na din naman yung crush ko sa kanya eh." buti pa sya... Ha? Ansabe mo Ingrid? Paki Erase nga aba dali dali!!

"Buti kapa." bwst! Sinabi ko ba yon? Bayerrrnnnn!!

"Bakit Ingrid?" ang nagtataka nyang tanong.

"Ah... Eh..." wala akong masagot badtrip.

"Sinabihan ka ba ng babe ng crush mo?" ang kaswal nyang tanong. Napakagat naman ako sa labi ko. Ayokong magsinungaling eh. Tinignan ko lang sya at hindi sumagot. "Si Torres ba ang crush mo?" ang dagdag pa nya. Jusme!! Huling huli na ko aba.

"Ah. Kase ano kase Ah ano... " ano ba ingrid kase ka ng ano ng ah ng kase ng ano.

"Crush mo si Torres at tinawag ka nyang babe?" ay oo nga pala narinig yon ni Ramos. Wala na huli na ang lola nyo.

"Hi-hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko Ramos." ang sagot ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"Ayoko kaseng mahulog sa kanya." ang sagot ko.

"Bakit ka natatakot Tamayo?"

"Kase baka hindi naman ako ang gusto nya. Ayokong masaktan."

"Pano kung gusto ka din nya?" Tss. Wag mo kong bigyan ng pag asa Mia.

"E-ewan ko"

"Hayss. Sa bagay bata pa naman tayo. Hayaan mo babantayan ko si Torres. Alam ko namang madaming babae ang umaaligid don eh." aba napansin din pala nya yon.

"Hindi na kailangan Ramos." ang sabi ko.

"Sige. Ikaw bahala.... Teka Tamayo. Gusto mo tawagan nalang natin Babe?" ang masigla nyang sabi.

"Babe?" ang tanong ko.

"Oo kase dito tayo naging close eh :)" ang nakangiti nyang sabi. Ngumiti na din ako sa kanya.

"Sige. Game ako dyan... Babe!" ang tawag ko sa kanya.

"Nga pala Babe, hindi na tuloy yung laro namen sa sabado. Next week na lang daw. Nuod ka ha?" ang yaya nya saken.

"Sige babe :)" ang nakangiti kong sagot. "Teka... Babe, pwede bang satin satin lang yung may crush ako kay Matt. Ikaw pa lang kase nakaka-alam eh." ang sabi ko sa kanya.

"Oo naman babe! Secret lang natin yun."

-
Araw nang sabado. Napagdesisyunan nina Eve na mag praktis ng sayaw sa bahay ni Ingrid.

"Tao po!! Ingrid!! Yuhuuu!!" -Eve

"Ang ingay mo naman" ang saway ni Krisha.

"Para nga marinig tayo eh! Huy Torres ikaw nga ang tumawag kay Ingrid!" -Eve

"Ayiiieee!!!"-Krisha
Maya maya ay lumabas na si Ingrid.

"Nandito na pala kayo" -Ingrid

"Papasukin mo na kame ang init kaya!" ang inis na sabe ni Eve.

Binuksan na ni Ingrid ang gate at nagpraktis na sila. Magkapartner si Xian at Eve, Si Krisha naman ay partner si Romero.
Nagsayaw na sila. Nakabantay naman sa kanila ang kapatid ni Ingrid na si Elle.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon