Chaos 7 - Little girl's secret

19 0 0
                                    

INGRID's POV

Nagising ako dahil sa pagsara ng pintuan ng kwarto namen. Si papa lang pala... Napabangon ako sa pagkabigla. Si papa? Nandito na si papa?! Ang tanong nang isipan ko. Agad akong lumabas ng kwarto para siguruhin ang nakita ko. Imposibleng si Papa yun kase nasa Canada sya ngayon. Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko ang maleta ni papa. Nilapitan ko ito at nakita ko ang isang cellphone sa ibabaw nito. Kinuha ko ito at binuksan. Bigla itong nag vibrate, akaidente kong nasagot ang tawag at narinig ang isang babae sa kabilang linya.

'Mahal? Nasan kana? Nandito nako sa bahay natin." nabato ko ang cellphone dahik sa narinig ko. Hindi iyon boses ni Mama. Chineck ko ang cellphone ni papa, naka save ang number nung tumawag. 'Gary' ang pangalan nito sa cellphone nya. Naluha naman ako at bumalik sa kwarto. Pinikit ko ang mata ko, pero biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si mama na may dalang maleta. Aalis na sya.

"Ma? Hwag!!!!" ang sigaw ko. Pero bigla nyang sinara ng malakas ang pinto.

"Hwaaaaggg!!" ang sigaw ko. Nagising ako na humihingal. Panaginip lang pala, panaginip na nagpaalala saken ng katotohanan.

"Ingra?! Oy okay ka lang ba?" ang tanong saken ni Bela. Hindj ako nakasagot. Binigyan naman ako ni Rose ng tubig.

"Ano bang nangyare sayo?" ang nag aalalang tanong ni Rose. Ininom mo naman ang tubig bago nagsalita.

"Napanaginipan ko si papa." ang pag amin ko.

"Napanaginipan mo na naman yung nalaman mo no?" ang paalala ni Bela.
Tama sya. May iba ngang babae ang tatay ko. Ako lang ang nakaka alam nun. Hindi ito alam nina mama, tinago ko kase ayokong maghiwalay sila. Nalaman ko to nung gabing umuwi si mama sa Ilocos, 1st yr high school ako nun. Kasama nya si papa, nagbakasyon muna sila at napagdesisyunan na ni mama na wag ng bumalik ng Canada. Wala na daw kase yung banta ng leukemia sa dugo ko eh. Mabait si papa at mapagmahal sa amin kaya hindi ko akalain na magagawa nya yon. Isang gabi, narinig ko si papa sa kusina na may kausap sa telepono. Sinabihan nya ito ng mahal at sinabi pa nyang susustentuhan nya ito. Kinumpirma ko ang kutob ko kinabukasan, naiwan ni papa ang phone nya. At nakakita ako ng pangalang 'Gary' sa inbox nya. Eto na pala ang babae nya. Simula noon, nahirapan nakong pagkatiwalaan ang kahit sinong lalake. Dahil hindi ko inaasahan na kayang lokohin ni papa si mama. At hindi ko na din alam kung hanggang kelan ko sasarilinin ang nalaman ko.

"Oy Ingrid magsalita ka naman?"

"Na-napanaginipan ko si papa" ang tangi kong nasabi. Silang 2 lang ang nakaka-alam ng sikreto ko. Naramdaman ko na lang ang yakap ni Bela.

"Ingra imotera!" ang seryoso nyang sabi.

"Hay nako. Nagising tuloy tayo ng wala sa oras." ang sabi ni Rose. Nag sleep over kase ako sa bahay nila, silang 2 lang kase tao sa kanila nasa Saudi ang papa nila at ang mama nila ay nasa Pampanga. Once a month lang ang uwi ng mama nila kase Manager ito doon, ang papa naman nila ay waiter sa Saudi.

"Sorry na!" ang sigaw ko.

"Ikaw na nga ang nanggising ikaw pa ang sumisigaw!!!!" ang ganting sigaw ni Rose. Ganto talaga kame mag usap pag kame kame lang.

"Tumigil na nga kayo!! Manuod na lang tayo!!!" ang pamatay na sigaw nu Bela. Tinignan namen sya at tsaka nagtawanan... Oo alam ko para kameng mga baliw. We're crazy and we know it!

"Anong papanuorin natin?" ang tanong ni Bela

"The Cremation of Bela Antazo" ang seryoso kong sabe, natawa naman si Rose.

"Ha-ha" ang pekeng tawa ni Bela at tumingin ito kay Rose. "The making of Rose Siopao na lang kaya" ako naman ang natawa sa sinabi ni Bela. Tinignan naman ako ng masama ni Rose.

" Ah ganun ah. Alam ko na papanuorin natin... The MattGrid love story! Introducing Ingra Negrita!" nanlaki naman ang mata kk sa sinabi ni Rose.

"Mattgrid?" ang patay malisya kong tanong.

"Sows!! Kunwari hindi alam!!!" ang sigaw ni Bela

"Oyyy Rosang pusa! Ano bang pinagsasasabi mo?!" ang sigaw ko kay Rose.

"Pshhh.. Wag na kaseng ikaila! Ingrababo kana!! MATTGRID na nga kayo eh!!" ang sigaw nya

" Si Eve nagsabi non sayo no?" naku Eve masasabunutan talaga kita.

"Nako Ingra okay lang naman maging ingrababo eh!" ang sabi ni Bela.

"Hindi ako ingrababo okay?" ang pagtatama ko kay Bela.

"Sows pero aminin mo?? Crush mo si Torres no?" ang asar ni Rose. Hindi ako makasagot kase hindi ko din alam ang sagot.

"Ayiiieeee!!" ang asar ni Bela

"Ano kaba ikaw ang crush nun eh!" ang sabi ko kay Bela. Naalala ko kase nung tinanong ni Matt saken si Bela, sabi nya si Xian daw nagpapatanong nako sinong niloko nya.

"Hayy nako ang ganda ko kase. Teka baka gawa gawa mo lang yan para di ka namin asarin ha?" ang sabi ni Bela.

"Oy hindi ah!" ang mabilis kong sabi.

"Sowwss! Basta MattGrid ako" ang sabi ni Rose

"Ako din!! mattgrid mattgrid mattgrid!!" ang dagdag pa ni Bela.

"Tse! Bahala nga kayo!" ang pagsuko ko. Hay nako ang kulit talaga netong mga to.

*
Araw ng martes. Wala masyadong pinapagawa si Mam. Napaisip naman ako sa sinabi nina Rose saken. "INGRABABO" Ayoko nga!! ang sigaw ng utak ko. Ayaw ko talaga ma inlove no pare parehas lang naman mga lalake eh. Si papa nga na mahal na mahal si mama nagloko eh, pano pa kaya yung iba? Lalo na si Matt na madaming nakapaligid na babae. Nako nako.

"Miss?" ang sabi nung babae sa may pinto. Katabi ko kase yung pintuan eh kaya alam kong ako ang tinatawag nya.

"Bakit... miss?" natigilan ako. Si Anna kase yung tumawag saken eh. Yung crush daw ni Matthew. Tinignan naman ako nung babae.

"Keyla?" ang tanong nya. Teka pano nya ko nakilala? Pano nya nalaman ka Keyla din ang pangalan ko? "Keyla?! Ikaw ba yan?!!" tuwang tuwa nyang tanong.

"O-Oo" ang nag aalangan kong sagot

"Ako to si Ana! Si Joana!" ang pagpapakilala nya. Tinignan ko naman syang maigi at bigla ko na lang syang naalala.

"Anna!!!" ang sigaw ko. Naalala ko na sya! Sya yung best friend ko nung grade 2. At ako nga pala ang nagbigay sa kanya ng Anna na palayaw.

"Kamusta ka na? Long time no see?!" ang sabi nya.

"Okay lang ako grabe ang ganda mo naman lalo na yang buhok mo! Parang dati nakapusod lang yan ah?!" ang tanong ko sa kanya

"Haha ano kaba parang naunat lang eh"

"Teka nasan si L.A?" agad kong tanong sa kanya silang 2 kase ni L.A ang best friend ko dati eh.

"Wala na lumipat na sya nung 1styr! Ang daya mo nga e iniwan nyo ko!" ang nagtatampo nyang sabe.

"Sorry na! Ang mahalaga nagkita na tayo. :)" grabe ang saya ko ngayon.

"Ana? Magkakilala kayo ni Grid?" ang tanong ng lalake sa likod ko. At gaya ng inaasahan ko, si matt nga yung nagtanong. Grabe kabisado ko na ata boses nya.

"Oo Torres! Hindi mo ba sya natatandaan?" napatingin naman ako kay Ana. Kilala ako ni Matt dati?
Hindi naman nakasagot si Matthew.
"Sya si Keyla!" ang dagdag pa ni Ana. Napatingin naman saken si Matt.

"Keyla?" ang sabi ni Matt.

"Teka..." ang tangi kong nasabi, naaalala ko na kung sino ba talaga si Matthew.... Sya si... "Matthuyo?!" ang bulalas ko.

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon