Chaos 2 - Torres

26 0 0
                                    

Natapos ang oras ng klase na walang dumadating ni isang teacher para magturo sa kanila. Masaya naman ang mga estudyante dahil nagkaroon sila ng pagkakataon para makapagkwentuhan. Samantala, hindi maalis ang tingin ni Ingrid sa lalaking kanina pa nya tinitignan. Makwela ang lalaki at Bibo din. Halos lahat ay ka close nito. Pero madalas, babae ang kausap nito, tinatawag nya ang mga itong 'ATE'

INGRID's POV

"Uy Ingrid! Bakit mo tinitignan si Matthew?" ang puna ni Eve.

"Matthew?" yun pala ang pangalan nya.

"Oo. Pero sanay kameng tawagin syang Torres!"

"Huh? Bakit Torres?"

"Apelido nya yun. Saglit tawagin ko ah. Torres!!" gusto ko sana nyang pigilan kaso huli na. Pumunta na samen si Torres.

"Bakit Eve?" ang nakangiti nitong bati.

"Siya nga pala si Ingrid." tinignan nya ko. Tinignan ko din sya sa mata. Pero iniwas nya agad ang tingin nya.

"Hi Ingrid :)" ang nakangiti nyang bati

"Hi... To.. Torres?"

"Matthew. Troy Matthew Torres" ang pakilala nya.

"Sows! Torres nalang!" ang sabat ni Eve.

"Ikaw bahala kung anong gusto mong itawag saken Ingrid" ang nakangiti nyang sabe bago umalis.

"Kilala mo na ba dati si Torres? Ako kase nung 1styr palang. Alam mo may pagka weird yan. Masayahin nga sya pero lage daw syang nakikita sa may room ng Grade 2 o di kaya sa chapel. Nag iisa lang. "

"Room nang grade 2?"

"Oo. Yung dating stage." ang paliwanag ni Eve.

"Madami naman syang kaibigan ah? Bakit sya nag iisa?"

"Kaibigan? Puro babae nga madalas eh. Yang 3. Si Aya, Ina at Lyn. Mga ate atihan nya yan. Pero hindi naman sya lageng sinasama. May nakaraan nga sila ni Aya eh."

"Ha? We?"

"Oo nga. Kaso si Aya nataken na ni Emman."

"O sino naman si Emman?'

"Siya talaga ang kaibigan ni Torres! Bestfriend sila nung 1styr. Alam ko nga pati nung elementary eh. Kaso bago magtapos ang 1styr nabalitaan na lang namin na si Emman na at Aya. E may balibalita din nun na nililigawan ni Torres si Aya. Kaya yun bigla nalang hindi nag uusap si Emman at Torres at lumipat na din si Emman sa section B."

"Bakit daw?" ang tanong ko.

"Nag break din kase sila ni Aya nung 2nd yr eh."

"Ha? Kala ko ba nataken na sya ni Emman?"

"Oo nga nataken! Hindi Taken!" ang paglilinaw ni Eve.

"Okay. Easy lang" ang natatawa kong sabe kay Eve.

"Uwi na nga tayo, baka machismis ko pa sayo ang buhay ng ibang mga classmate natin." ang yaya ni Eve. Tumatawa naman akong sumunod sa kanya. Bago kame tuluyang umalis, tumingin ako kay Torres at nagulat ako dahil nakatingin na sya saken. Agad kong iniwas ang tingin ko at umalis na ng room.

-
Kinabukasan.

"Ingrid!! Open na daw ang CAT para sa mga CO! Tara sali na tayo!" - Eve

"Hm. San tayo magpapalista?" - Ingrid

"Dun kay Ate a este Mam Antazo." -Eve

Pinuntahan na nila si Mam Antazo. Isa lang din itong estudyante.

"Rose?" -Ingrid

"Hoy Ingrid!!!" ang sabi ni Rose sabay yakap sa kanya.

"Ikaw? Si mam Antazo?"-Ingrid

"Oo!" -Rose

"Wow ah. Officer ka pala?" -Ingrid

"Yah. G1 major." -Rose

"G ano?" -Ingrid

"Basta malalaman mo din yun! Kung! Sasali ka!" -Eve

"So alam mo yun Eve?" -Ingrid

"Oo naman. Gusto ko nga maging G3 eh." -Eve

"Ayieee! Crush mo nga pala si Jedai!" ang sabi ni Rose. Nag blush si Eve.

"Sino si Jedai?" -Ingrid

"Crush ko. Sya dahilan kung bakit ako sasali." ang bulong ni Eve kay Ingrid.

"So... Sasali kaba Ingra?"-Rose

"Hoy wag mo nga ko tawaging Ingra!" -Ingrid

"Sorry hehe. Sali ka na kase!" -Rose

"Oo nga Ingrid!"- Eve

"Sige na nga."-Ingrid

"Yehey! Mam penge pong 2 form!" -Eve

"Ano kaba! Rose na lang pag tayo tayo lang. Para naman akong Teacher mam ka ng mam!" - Rose

"Sorry po. :)" -Eve

"Owkiee lang. Sige pasa nyo na lang yan ha. Madami pa kong gagawin eh." ang paalam ni Rose bago tuluyang umalis.

"Kaano ano mo si Mam Antazo?" -Eve

"Pinsan ko sya"-Ingrid

"Ow? E bakit Tamayo apelido mo?"-Eve

"Yung mga lolo at lola namen ang magkapatid eh."- Ingrid

"Ah. May hawig naman kayo eh."-Eve

"Seryoso ka? Ang ganda kaya ni Rose" -Ingrid

"Aba bakit maganda ka din naman ah!"-Eve

"Teka.. Kung nandito si Rose! Ibig sabihin nandito si....." -Ingrid

"Ingraaa Negraaa!!!" ang sigaw ng babae sa di kalayuan.

"Bela Baboyyyy!!!" ang sigaw ni Ingrid bago yakapin si Bela.

"Eve. Si Bela nga pala. Best friend ko. Kapatid sya ni Rose." - Ingrid

"Hello Bela"-Eve

"Hi" ang tipid na bati ni Bela "Pinagpapalit mo na naman ako" ang bulong nya kay Ingrid.

"Hay nako umatake na naman ang pagkaselosa ng baboy kong beast friend!" -Ingrid

"Beast ka dyan?!" -Bela

"Haha baboy ka na beast!" -Ingrid

"Funny neggy! Haha. Nga pala, nakita mo ba si Rosa Pusa?!" -Bela

"Haha oo nasa room na nila si Rose."-Ingrid

"Sige una nako. Inangkin na naman ni Pusa yung baon ko eh. Bye Ingra!" ang paalam ni Bela bago umalis.

"Grabe pala mga pinsan mo no?" -Eve

"Oo nga eh. Tara na upo na tayo. Baka kung sino pa makita ko." -Ingrid

After The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon