Locked out

472 17 5
                                    

Pagkadating nila seungkwan,dk,hoshi,jun,dino at woozi sa subdivision...

Dino: Hyung, okay pa ba kayo?

Jun: Sinakyan natin maliit na jeep,siksikan pa, 1/4nalang ng puwet ko ang nakaupo nung sumakay yung dalaw-hindi apat sila APAT tapos yung katabi ko lagi pa akong binabatukan dahil hindi ako makaget over dun sa sinabi nung barker, inabutan pa tayo ng traffic, sa tingin mo okay lang ako?!?!?!!

Dino: Easy lang hyung mahina kalaban.

Jun: 2 hours Dino, 2 hours! 

Seungkwan: Tama na guys, uwi na tayo gutom nako.

Hoshi: Ako din. Gusto ko ng fishball, kwek-kwek or barbecue. Sana may madaanan tayo na nagtitinda.

DK: Wala na ata tayong pagkain sa bahay. Kailangan na nating mamili bukas.

Seungkwan: Teka, nasaan si Woozi hyung?

Dino: Oo nga no? Saan na si hyu-

Hoshi: OMYGOSH FISHBALL,KWEK-KWEK AT BARBECUE!

May nakita si Hoshi na nagtitinda ng street foods. Kaya nilapitan ito agad ni Hoshi at sinundan na siya nung iba.

Hoshi: Dreams do come true~

Dino: (natupad yung wish ni Hoshi hyung!) Sana madaanan natin si Michael Jackso-aray! Bakit niyo ko bunatukan?!

Jun: Tumigil ka nga.

DK: Matagal na siyang wala, tanggapin mo nalang na hindi na siya babalik at kailan ma'y di na babalik.

Seungkwan: Lakas makahugot.

Hindi na pinansin ni Hoshi ang iba dahil sa sobrang gutom.

Hoshi: Manong pabili nga po ng sampung pisong fishball, limang kwek-kwek, apat na barbecue, at limang isaw.

Manong: 98 pesos lahat.

Hoshi: T-teka 9-98? (sabay tingin sa wallet niya,may lumipad pang insekto mula dun) ah-haha, pre pautang.

DK: Ang lakas mo maka order wala ka palang pera -_-

Seunkwan: Ako na nga lang ang magbabayad,kung hindi lang ako gutom -_-

DK: Dapat kasi sinigurado mo mayroon kang maibibigay dahil kung wala may mga tao kang masasaktan.

Tinabi muna ni manong ang kanyang mobile tindahan (oo, degulong yung tindahan ni manong with matching ihawan kaya kung saan-saan siya nakakarating) sinimulan na niya magluto.

Dino: Ang bango nakakagutom~

Jun: Manong,ngayon ka lang ba nagtinda?

Manong: Hindi, dati na ako natitinda.

Seungkwan: Bakit hindi ka namin nakikita?

Manong: Lagi kasi akong nag iikot dito, hindi ako nagtatagal sa iisang puwesto. Para makakuha ng bagong costumer.

Hoshi: Maganda ang business strategy ni manong xD

DK: Minsan kasi kailangan nating ilibot ang mata para makita mo na maraming nagmamahal sa'yo.

Seungkwan: Tama na DK kanina ka pa humuhugot -_-

Jun: Teka asan ba  si Woozi?

DK: Pabayaan niyo muna siya, kung kailangan niya tayo lalapitan niya tayo. Hindi yung pipilitin natin siyang kausapin tayo. 

Dino: Tama!

Hoshi: Ayos luto na! 

Seungkwan: Ito po bayad manong, salamat.

Manong: hanggang sa susunod!

Nagsimula silang maglakad papunta sa apartment nila.

Seungkwan: Hoshi wag mo ngang ubusin at hindi ikaw ang nagbayad.

Hoshi: Sorry na,gutom na talaga ako.

Jun: Bakit naka-lock yung pinto?

Dino: Nandito na kaya si Woozi hyung?

*Knock knock knock

Jun: Woozi nandyan ka na ba? Buksan mo yung pinto!

Walang sumagot.

*Knock knock knock

Hoshi: Woozi may dala kaming pagkain!

Walang sumagot.

Seungkwan: Subukan natin yung pinto sa likod.

Pumunta sila sa likod-bakuran.

Jun: Naka-lock din?

Dino: Hyung! Tignan niyo 'to!

Tumingin sila malapit sa puno.

Hoshi: Nagalit si Woozi.

Kinuha ni Seungkwan ang note na nakalagay sa mga sleeping bag.

SIGE ASARIN NIYO PA AKO HINDI KO TALAGA KAYO PAPAPASUKIN SA APARTMENT KO! NAKIKITIRA LANG KAYO TANDAAN NIYO YAN! DIYAN KAYO SA LABAS MATULOG!!!

DK: If I got locked away and we lost it all today tell me honestly would you still love me the same?

Seungkwan: If I showed you my flaws if Icouldn't be strong

Hoshi: Tell me honestly  would you still love me the same...

Alam nilang wala na silang magagawa para baguhin ang desisyon ni Woozi kaya inayos na nila ang mga sleeping bags at doon sa labas natulog.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

part 5 completed enjoy the next chapter/scenarios :)

Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon