Different Side

242 12 2
                                    

Mingyu: Pareho kayo ni Seungcheol hyung ng sinabi kanina.

Vernon: Bakit pareho kayong BeastMode?

Minghao: Eh kasi nahuli ko silang naghahalika-Aray! Tama na nga! Ayoko na! Lalabas na ako!

Lumabas si Minghao ng kwarto  para mag cool-off habang naiwan silang lahat na nakatingin kay Woozi.

Woozi: Lumabas na nga kayo!

Jeonghan: Kung yan ang gusto mo. Sige magpahinga ka na muna.

Sinenyasan na ni Jeonghan ang iba na lumabas at pinauna niya ang mga ito. Nakita nila si Minghao na palakad-lakad sa harap ng pinto ng kwarto ni Woozi na parang hindi mapakali. Nilapitan ito ni Jeonghan at hinawakan sa balikat para mapahinto sa paglakad.

Jeonghan: Minghao ayos ka lang?

Minghao: Hindi ako ayos. Ayoko magalit.. argh! Pero nakakainis na si Woozi!

Jeonghan: K-kumalma ka mung Minghao. Sabihin mo sakin kung ano ginawa ni Woozi.

Minghao: Binatuhan niya ako ng cellphone. Dalawang beses. Hindi ko nga alam kung kaninong phone yun eh.

Napakapa naman sa bulsa sila Dino, Vernon, Mingyu, Jun at Jeonghan para tignan kung okay lang yung phone nila. Napabuntong hininga nalang sila ng sabay-sabay nang makapa ang phone nila.

Jeonghan: Ano pa ginawa niya?

Minghao: Tapos..tapos nakita ko silang dalawa ni Seungcheol hyung..

Jeonghan: Tapos? Ano nangyari?

Minghao: Tapos..

Mingyu: SABIHIN MO NA KASI! PABITIN PA EH!

Minghao: HINDI KO PWEDE SABIHIN! CENSORED KASI YUN!

Jeonghan: Minghao.. anong ibig mong sabihin?

Minghao: Haays.. Ayoko pag usapan. 

Dino: Hyung ano nga yung censored na sinasabi mo?

Minghao: Bawal sayo Dino masyado ka pa.

Dino: Masyado pa akong???

Minghao: Under age.

Dino: Lagi naman kayong ganyan sakin eh.

Minghao: Maiwan ko muna kayo. Maghahanap lang ako ng cute.

Nauna na sa paglalakad si Minghao at kumaway pa ito sa kanila kahit nakatalikod.

Vernon: Ang misteryoso ngayon ni Minghao. Anong meron dun?

Mingyu: Mahilig pala yun sa chikababes.

Jeonghan: May ganung side pala si Minghao.

Dino: Jun hyung ayos ka lang? Ang tahimik mo ata.

Jun: Ha?

Dino: Sabi ko ang tahimik mo.

Jun: Ah.. wala to.

Mingyu: Imaginine niyo si Minghao.. napapaligiran ng mga chikababes.

Nagsimula silang mag visualize sa sinasabi ni Mingyu.

Naglalakad si Minghao sa hallway ng may nakita siyang magandang nurse tapos napahinto siya..

Minghao: Hi miss *wink

Nurse: H-hi..

Minghao: Can I get your number?

Nurse: Sure.

Nagpalitan sila ng number. Kukunin sana ng nurse ang phone pero itinaas ito ni Minghao para hindi niya ito maabot. Dahil mas matangkad si Minghao ay naka tip toes yung nurse sa kanya habang nakataas ang kaliwang kamay para maabot ang phone. Konting galaw lang nila ay maghahalikan na sila sa sobrang lapit. Dahan dahang inilapit ni Minghao ang mukha sa nurse. Tapos naglapa- HOY JUN! SAAN KA PUPUNTA? HINDI PA AKO TAPOS SA PAG NANARRATE NG STORY!

Dino: Pabayaan mo na siya hyung. Tapusin na natin yung story daliii~~

Mingyu: Huwag na masyado ka pa.

Dino: Under age?

Mingyu: Bata. Masyado ka pang bata Dino.

Nahinto ang pagnanarrate ni Mingyu dahil biglang tumakbo si Jun papunta sa direksyon kung saan pumunta si Minghao. 

Jun: (Teka bakit ko sinusundan si Minghao? Ano ba nangyayari sakin?)

-Woow~~ ang cute~~

Jun: Boses yun ni Minghao ah. Wag niyong sabihing naghanap talaga siya ng nurse.

Sinundan ni Jun ang boses na yun at napadpad siya sa nursery ng ospital. Nakita niya si Minghao nakatingin sa may bintana kung nasaan ang mga bagong silang na sanggol.

Jun: Ito pala ang ibig niyang sabihin sa "maghahanap lang ako ng cute" 

Ginaya pa niya ang boses ni Minghao pagkasabi niya nun. Nakita niya si Minghao na nanggigil sa mga sanggol dahil kinukurot na nito ang bintana.

Minghao: Ang cuuuute~ gusto ko mag uwi ng isaaa~

Jun: Ang cute mo talaga Minghao.

Sabi ni Jun pagkalapit niya kay Minghao sabay patong ng kamay sa ulo nito. Napalingon sa kanya si Minghao.

Minghao: Ano ginagawa mo dito? Bakit mo ako siundan?

Jun: Wala lang. Bakit ka pala pumunta dito?

Minghao: Ah.. ito kasi stress releaver ko. Titingin lang ako sa cute na bagay para mabawasan galit ko.

Jun: Kaya pala.. akala ko iba gagawin mo.

Minghao: Ano ibig mong sabihin? Maghahanap ako ng cute na nurse tapos kukunin ko number niya?

Jun: Parang ganun na nga.

Minghao: Meron ngang cute na nurse dito kinuha ko yung number kanina xD

Jun: Di nga? Wala sa itsura mo na kumuha ng number kasi cute ka.

Minghao: C-cute a-ako?

Jun: Oo cute k-

Napahinto sa sinasabi si Jun dahil ngayon lang niya narealize kung ano sinabi niya. Namula si Minghao kaya tumingin nalang siya ulit sa bintana. 

Jun: (Bakit ko sinabi yun? BAKIT?! Ang awkward tuloy.)





Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon