New Friend

320 15 12
                                    

Nakalabas na sila sa company building at naisipan ni Jun na mauna na sa pag uwi. Habang naglalakad kasabay ni Jeonghan ay nakatanggap naman ng text si Minghao tungkol sa nangyari kay Seungcheol.

Minghao: Jeonghan hyung! Si Seungcheol hyung daw nasa ospital.

Napahinto naman sa paglalakad si Jeonghan.

Jeonghan: Ano?! Tara puntahan na natin.

Sumakay sila sa jeep para makarating sa ospital. Napansin nila ang isang pasahero na walang saplot sa paa na nakasuot ng sando at shorts, nakatingin ito sa harap kung saan dadaan ang jeep. Naramdaman nitong pinagmamasdan siya ng mga nakatapat sa kanya kaya lumingon siya bigla dito na ikinagulat naman nila Jeonghan at Minghao. Nginitian naman niya ang dalawang katapat.

Minghao: Hyung bakit ganun ang ngiti niya? Pa-rectangle.

Bulong ni Minghao sa katabi.

Jeonghan: Hindi ko din alam pabayaan mo siya.

Bulong nito pabalik. Huminto ang jeep sa tapat ng ospital kung nasaan nakaconfine si Seungcheol. Bababa na dapat ang dalawa ng unahan sila ng lalaking walang saplot sa paa, tumakbo ito papunta sa ospital at sinundan naman siya ng dalawa dahil duon din nila gustong pumunta.

Nang malapit na sa entrance ang lalaking walang saplot sa paa, binagalan nito ang pagtakbo na kala mo'y nag slow-motion. Naabutan ito ni Minghao malapit sa entrance at dahil natuwa siya sa lalaki ay ginaya niya rin ito.

Lalaki: Akoo angg ma-naaanaaaloooo...

Minghao: Hindiii ikaaaw, akoooo...

Sabi nila at pinalaliman ang boses. Nakapasok na si Jeonghan sa loob at iniwan si Minghao.

Minghao: Teka lang hyung! Huwag mo ko iwan!

Binilisan nalang ni Minghao ang paglalakad para maabutan si Jeonghan. Nilingon ni Minghao ang lalaki kanina at nakita niya itong naka poker face habang nakatayo sa may entrance. Nakapasok na siya pero tinitignan muna nito ang paligid na parang may hinahanap. Naglakad na ito na parang wala siyang ginawa kanina at hindi na ito nahagip ng tingin ni Minghao.

Minghao: Pasyente kaya yun dito? Parang galing mental xD

Bulong ni Minghao sa sarili. Tinanong na ni Jeonghan kung ano ang room number ni Seungcheol kaya dumiretso na siya dun, sinundan nalang siya ni Minghao.

Nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto ni Seungcheol kaya kumatok na si Jeonghan.

*knock knock knock

Bumukas ang pinto at nakita nila si Seungkwan.

Seungkwan: Kumusta? Tuloy ka, halika na pare wag ka ng mahiyang pumasok.

Pumasok na sila Jeonghan at Minghao sa kwarto at nakita nila ang ibang nasa loob.

Hoshi: Pasensiya ka na sa kwarto ni Seungcheol medyo madumi at nakakasulasok.

DK: Balak niya sanang maglinis kaso may sakit siya hindi niya kaya.

Seungkwan: May alak ka ba- Aray! Kanino galing 'tong bote?! Ang sakit sa ulo ah! (Sabay hilot sa likod ng ulo)

Hinawakan na siya nila Hoshi at DK para pigilan sumugod.

Dino: Haha! Kriminal pa more XD

Seungcheol: Ay! Sorry nag airplane mode kasi yung bote ko.

May kumatok ulit sa pintuan kaya napatingin dito ang lahat. Pumasok si Doc Jin at binati naman siya ng mga nasa loob.

Doc Jin: Kumusta naman ang pakiramdam mo Seungcheol?

Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon