Finals

117 10 3
                                    

DK: Ang ganda ng nagawa kong pattern XD

Bulong nito sa sarili habang nakatingin sa answer sheet. Final day na ng exams ngayon kaya nakaayos ang mga upuan nila ng one sit apart.

Seungkwan: Sabi na nga ba wala ako mapapala kay DK -_-

Pasimple naman itong lumingon sa likod niya upang kausapin si Hoshi.

Hoshi: Proctor.

Bulong nito bago sabay yuko sa test paper. Nang nalagpasan na sila ay lumingon ulit si Seungkwan sa gawi ni Hoshi.

Seungkwan: 24

Hoshi: B.

Seungkwan: Sigurado ka?

Hoshi: Gag0 kokopya ka na nga lang nagtanong ka pa kung sigurado -_-

Sa kabilang side ng room...

Habang umiinom ay pasimpleng sinilip ni Dino ang ginawang kodigo sa loob ng bote.

Sa likod naman ni Dino nakaupo si Minghao. May nilagay naman itong mga band aid sa kamay at binti kung saan may sinulat na siyang kodigo.

Katabi naman nito si Jun na nakapangalumbaba habang nagshashade ng sagot. Malapit na kasi ito matapos dahil choices lang ang binabasa at hindi na yung tanong.

Vernon: Ayos Jun hahaha.

Mahinang kumento naman ng katabi nito. Dahil sa tawa ni Vernon ay napalingon ang proctor sa gawi niya.

Proctor: Tapos ka na?

Mataray na tanong nito.

DK: Sir! Pwede na magpasa?

Tanong nito habang nakataas ang kamay. Tumango nalang ang proctor bilang sagot.

Proctor: Ilagay nalang sa may desk ang test paper at answer sheet pagkatapos.

DK: Okay po 😊

Nilagay na nito sa desk ang mga papel bago kuhain ang bag saka lumabas. Tumayo na din si Jun at nagpasa na ng papel.

Habang hindi nakatingin ang proctor ay nagpalitan ng answer sheet sila Wonwoo at Mingyu. Sabay naman napangiti ang dalawa dahil sa ginawa at inumpisahan na ang pagsasagot.

Napalingon na naman ang proctor kay Vernon.

Vernon: Nanghiram lang po ng pambura. (sabay taas ng hawak nito)

Hindi nalang din ito pinansin ng proctor at umupo na sa may desk.

Tinanggal naman ni Vernon ang nakabalot sa pambura para makita ang mga kodigo. Nilingon niya si Seungkwan.

Vernon: Thanks 😉

Seungkwan: Welcome 😉

Kanina pa napapansin ni Joshua na hirap sa pagsagot ang katabing si Seungcheol.

Joshua: Kumopya ka na nga lang -_-

Pabulong nitong sigaw ngunit matinding pag iling lang ang natanggap nito kay Seungcheol.

Seungcheol: Hindi. Kaya ko to. Nagreview ako kasama si Woozi kailangan ko to mapasa para sagutin na niya ako.

Proctor: You have ten minutes left.

Seungcheol: ??!!

Dino: Kanina pa natutulog si Woozi hyung..

Joshua: Hindi yan natutulog. Nagdadasal yan para kay Seungcheol -_-

Meanwhile...

Woozi: Sana hindi mapasa ni Seungcheol.





Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon