humor to tragic

310 11 1
                                    

Secretary: Sir, pwede na po kayong pumasok sa loob.

Jeonghan: Salamat.

Tumayo na si Jeonghan sa kinauupuan nito at lumakad na papunta sa office ng pinsan niya. Binuksan na niya ang pintuan at nakita ang isang lalaki na nakatalikod sa kanya habang nakaupo sa swivel chair.

Sinarado na ni Jeonghan ang pintuan at naglakad papalapit sa lamesa nito. Dahandahang humarap ang nakaupo at nginitian siya nito.

Jeonghan: Ano kailangan mo sa akin Ren?

Ren: Gusto ko lang naman malaman kung naayon ba ang mga pangyayari sa ating plano?

Jeonghan: Kung gusto mong malaman kung nasisante ako, oo, wala na akong trabaho dun. Pero wala din akong nakuhang impormasyon sa tagal ko dun sa pagtatrabaho.

Ren: Huwag ka mag alala, may papalit na sayo dun. But, for the meantime, you can work here as a secretary.

Jeonghan: Pag iisipan ko. Yun lang ba?

*knock knock knock

May kumatok sa pintuan at pumasok ang secretary ni Ren.

Secretary: Sir, may gusto pong kumausap sa inyo. Mga high school students po, ang sabi may tatanungin lang daw. Kilala daw nila yung pinsan niyo na si Jeonghan.

Nag katinginan sila Jeonghan at Ren dahil sa narinig. Binaling ulit ni Ren ang tingin sa secretary.

Ren: Huwag mo muna silang papasukin.

Secretary: Okay, sir.

Pagkalabas ng secretary ay sinamaan ng tingin ni Ren si Jeonghan. Napalunok si Jeonghan sa takot.

Jeonghan: Ah..ha ha... sige alis na ak-

Tatalikod na sana si Jeonghan para umalis ng pigilan siya ni Ren.

Ren: Ano ang sinabi mo sakanila?

Napahinto si Jeonghan sa paglalakad at dahandahang lumingon kay Ren.

Jeonghan: Ah..ako na ang bahala kumusap sa kanila.

Tumalikod ulit si Jeonghan upang umalis.

Ren: Huwag mo ngang takbuhan ang problema.

Jeonghan: Ah hindi, lalakarin ko na lang.

Napahilot nalang si Ren sa noo at pinigilan ang pagtawa habang pinabayaang lumabas si Jeonghan.

Ren: Naku Jeonghan, ano ang gagawin ko sa'yo? Haaays...

Pagkalabas ni Jeonghan ay hinarap niya ang dalawang estudyante. Hindi niya inaasahan ang mga nakitang estudyante.

Jeonghan: Anong ginagawa niyo dito?!

Jun: Sir, sinamahan ko lang siya.

Jeonghan: At bakit ka naman naka bihis babae?!

Minghao: Hindi ko alam kay Jun, gusto ko lang malibre sa pagkain.

Napalingon si Jeonghan kay Jun tinaasan ito ng kilay.

Jun: Ayoko lang ng may lumalapit sakin na mga babae, kaya pinagbihis ko siya ng ganyan para hindi na sila lumapit sakin.

Minghao: Sus, utot mo. May gusto ka sakin no? (Sabay sundot sa braso ni Jun) Grabe pati lalaki nagkakagusto sakin, ganun ba ako kagwapo?

Jun: Hindi ka gwapo, cute ang tawag sayo. Ako kasi ang definition ng gwapo. Kapag wala ako, wala silang basehan ng kagwapuhan.

Minghao: Wow! Ang kapal! Naka bookbind!

Jun: Per-

Jeonghan: Tumigil nga kayo!

Napahinto ang dalawa sa pagbabangayan. Tinignan ni Jeonghan si Minghao mula ulo hanggang paa.

Jeonghan: Ikaw, nakabistida ka nga at mukhang babae pero ang suot mong sapatos black shoes? Dapat nagpalit ka din niyan para magmukha ka talagang babae.

Minghao: Oo nga no? Bakit ngayon ko lang napansin na naka black shoes parin ako? Kaya pala parang pinagtatawanan ako ng mga tao.

Biglang lumapit ang secretary ni Ren kay Jeonghan at may sinabi ito.

Secretary: Sir pinapabalik po kayo ni Sir Ren sa office kasama ang dalawang estudyante.

Jeonghan: Okay, papunta na kami.

Tinignan niya ang dalawa.

Jeonghan: Tara na.

Naunang maglakad si Jeonghan at nag isip na ng mga ipapaliwanag kay Ren. Sinundan naman siya nila Minghao at Jun sa paglalakad. Nang makapasok ay agad silang pinaupo ni Ren.

Ren: Sabihin niyo ang lahat ng nalalaman ninyo.

Utos ni Ren kila Minghao at Jun.

Jun: Teka, oral examination ba 'to?! Hindi ako handa. Ikaw mauna Minghao.

Minghao: Hala! Ayoko, ikaw mauna.

Jun: Um..ah.. pinag-aralan po namin yung earth science nung firs- bakit kayo tumatawa?

Ren: Hindi yun ang ibig kong sabihin. Pfft...

Jeonghan: Minghao, may sinabi ka ba kay Jun?

Minghao: Wala naman p-

Jun: Yan ba yung tungkol sa pagnanakaw na nagaganap sa school? Nakwento sakin lahat ni Minghao kanina ang daldal kasi eh.

Sinamaan ni Jeonghan ng tingin si Minghao.

Minghao: Ah..haha..nadulas ako hehe (sabay peace sign kay Jeonghan)

Ren: Well then...

Napalingon sila kay Ren.

Ren: I guess I have to include you guys in our plan.

Nagtinginan sila Minghao at Jun sa narinig. Di sila sigurado sa gagawin pero sumang ayon na rin sila.

*meanwhile...
Sa apartment nila Vernon...

DK: Ayos! Nandito na yung pagkain!

Kumuha na sila ng kanya kanyang pagkain.

Hoshi: Guys kung kailangan niyo ng tissue tawagin niyo lang ako.
Sa pagdating kasi ni Sofia ay lagi na siyang may dalang tissue para laging handa. Tulad lang nung nag english si Joshua, binigyan niya agad ng tissue ang mga kasama.

Wonwoo: Paabot nga ng cola, salamat in advance.

Inabutan siya ni DK ng cola.

Joshua: Paabot nga ng pizza, thanks.

Inabutan siya ng pizza ni DK.

Seungkwan: Pahingi nga ng chicken! Salamat.

DK: Lagi nalang ba ako ang mag aabot?! Nasa tapat mo lang naman ang chicken!

Seungkwan: Oo nga no? Haha sorry na DK. (Sabay peace sign dito)

Dino: Hyungs! Dadalhan ko lang ng pagkain sa taas si Seungcheol hyung.

Joshua: Yeah, sure.

Hoshi: Paki sabi kay hyung, mahal siya nun xD

Kumuha na ng pagkain si Dino para dalhin sa taas. Nang makakuha na ng pagkain ay umakyat na siya.

Mingyu: Omo! Sayang!

Nahulog ang pizza ni Mingyu at pinulot ito sabay subo ng buo.

Wonwoo: Yuck! Kadiri.

Vernon: You're so disgusting.

Seungkwan: Eeeeew....

Komento nila sa ginawa ni Mingyu.

Mingyu: Bakit?! Wala pa namang five minu-

Dino: AAAAAAH!!! SEUNGCHEOL HYUNG! TULUNGAN NIYO KO!!! HYUNGS SI SEUNGCHEOL HYUNG!! SEUNGCHEOL HYUNG! HUHU...

Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon