ReName

303 10 8
                                    

Sinabi na ni Ren kila Minghao at Jun ang plano para mahuli ang nagnanakaw sa pondo ng paaralan. Dumating ulit ang secretary ni Ren sa office.

Secretary: Sir handa na po ang conference room. Nanduon na rin ang ibang mga stock holders.

Ren: Okay, I'll be there.

Lumabas na ang secretary.

Jeonghan: Mukhang importante ang meeting niyo kaya mauuna na kami.

Ren: Hindi naman ganun ka importante yun. Sumama nalang kayo dun sa meeting.

Jun: Pwede ba?

Ren: Yeah, sure. Nasabi ko na rin sa inyo ang plano dapat makilala niyo ang ibang mga stock holders.

Minghao: Talaga?! Gusto ko sumama! Lagi ko kasing napapanood sa mga drama yung mga meeting na yan na pang sosyal kaya gusto ko maexperience yun xD

Ren: Pero magpalit kayo ng damit. Office 'to kailangan naka suit and tie para magmukha kayong presentable.

Pinahiram ni Ren ng susuotin sila Jun at Minghao at hinatid sa kanyang comfort room para sa loob mag bihis. Inabutan din niya si Jeonghan ng susuotin at tinulak papasok sa comfort room kasama sila Jun at Minghao.

Makalipas ang labinlimang minuto ay lumabas na sila suot ang suit and tie. Nauna na sa paglalakad si Ren at sinundan naman siya ng tatlo.

Pagkadating nila sa loob ng conference room ay nakita nila ang apat pa na stock holders ng New East Company. Pinaupo ni Ren sila Jeonghan, Jun at Minghao sa may dulo ng table pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ng isa pang stock holder.

Aron: Ren ano na naman ang ginawa mo? Bakit ka may kasama?

Ren: Sinabi ko na sakinila ang plano sa paghuli sa culprit. Matutulungan nila tayo.

MinHyun: Ano pa nga ba ang magagawa natin? Ano mga pangalan niyo?

Napatayo naman si Jun at nagsimulang mag pakilala.

Jun: Ako po pala si Wen JunHui, 19 years old taga Binondo Manila.

Minghao: Ako naman po si Xu Minghao, 18 years old taga Binondo Manila din.

Aron: Pwede na kayo umupo. O andyan kapala Jeonghan! Mas nagmukha kang bata.

Jeonghan: Siraulo.

JR: Tama na yan at simulan natin ang meeting.

Jeonghan: Ano ba ang pag uusapan ninyo?

BaekHo: Pag uusapan namin kung papalitan ba ang company name o hindi.

Jeonghan: Ano naman ang ipapalit niyo sa New East?

Aron: New West :)

JR: Okay simulan natin ang meeting. Sino ang boto sa pangalang New East?

Nag taas ng kamay sila Ren at MinHyun.

JR: Sino naman sa New West?

Nag taas naman ng kamay sila BaekHo at Aron.

JR: Bakit sa tingin niyo kailangan palitan ang pangalan ng company?

Nag simulang magpaliwanag sila Aron at BaekHo.

Aron: Kasi mas maganda ito pakinggan :)

BaekHo: Para mapansin tayo ng mas maraming tao.

Aron: Ang bisaya naman kasi pakinggan ng New East at kapag New West ang pinagdikit mo magiging Newest.

JR: Bakit naman New East pa rin ang tawag?

Nag simula naman magpaliwanag sila Ren at MinHyun.

MinHyun: Kailangan New East parin dahil ako ang nag isip ng pangalan na yan.

Ren: At nasa East tayo hindi tayo taga West.

Matapos ang maikling paliwanag nina Ren at MinHyun ay binaling ni JR ang tingin kila Jun at Minghao.

JR: Kayo, ano sa tingin niyo?

Minghao: Mas maganda kapag New East parin.

Jun: May punto din si Sir Ren kasi nasa East tayo.

JR: Well it's decided then, the name New East will still be the company name. The meeting is over you can now go back to your offices.

Tumayo na sila sa kanilang mga upuan at nagsilabasan na sila sa conference room.

Jun: Teka yun lang yun?

Jeonghan: Ganyan talaga sila mag meeting, lahat ng maliliit na bagay ay pag mimeetingan nila para walang away.

Minghao: Kahit ba kung papalitan nila ang kulay ng logo nila pag mimeetingan din nila?

Jeonghan: Ang naalala ko kahit kakainin nila sa lunch mag mimeeting sila sa conference room. Nasanay na siguro sila dun sa gawaing yun.

Nauna na mag lakad si Jeonghan habang nag tinginan muna sila Jun at Minghao sabay kibit-balikat dahil sa nalamang impormasyon.



Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon