Token

141 10 6
                                    

#July

#IHEARTJULY

#AKINLANGSIJULY


Yamete: Ang ganda ni July #IHEARTJULY

King_01: Guys! Wag niyo nga angkinin ang girlfriend ko! #AKINLANGSIJULY

boi_pren_ni_july: Uwi ka na babe <3 #July

augusto: HAHAHAHA LAPTRIP SI JULY DI KO KINAYA YUNG "LIGAS BAKLITAS" HAHAHAHAHA #IHEARTJULY

hulya07: @augusto halata namang bakla yung mga players di lang umaamin hahahahaha #July



Seungkwan: Laptrip sa twitter mga pre hahahaha!

Pinakita nito ang phone sa mga kaibigan.

Dino: Peymus na si hyung kaso bilang babae hahahahahaha!

Kaka-air lang kasi ng teleserye ni Lyza Soberano at naging positive naman ang reaksyon ng madla, lalo na kay Jul-Jun pala.

Hoshi: Sasabihin ba natin sa kanila na lalaki talaga si July?

Minghao: Wag boi madami mahaheart broken.

Seungcheol: Oy Jun! Saan ka pupunta?

Napatigil naman sa paglalakad ang balot na balot na katawan ni Jun.

Jun: Hindi na ako lalabas sa kwarto ko. Ayoko na mabuhay.

Nanlulumong saad nito saka nagpatuloy sa paglalakad habang bitbit ang kanyang food supply na good for one year.

DK: Yes, hello?

Napunta naman ang atensyon ng lahat kay DK na may kausap sa telepono.

DK: Yes, ako nga po yung manager ni Ms.July.

Agad na nabitawan ni Jun ang hawak at daliang tumakbo para kunin ang phone. Ngunit hinarangan siya nila Seungkwan at Dino.

DK: ..Offer po para sa advertising? Hm... ano po bang product yan?

Pinagsisihan naman ng dalawa na humarang kay Jun dahil nakalimutan nilang marunong itong mag taekwondo. 

Seungkwan: Ah.. yung abs ko..

DK: ..Napkin po?

Makukuha na sana ni Jun ang phone ngunit si Minghao na ang kaharap niya na marunong din mag taekwondo kaya nadaganan siya nito sa likod.

Jun: Minghao! Bitawan mo ko!

Minghao: A-yo-ko.

Pinipigilan naman nila DK at Seungcheol na matawa.

DK: Pfft.. s-sige po kakausapin ko po siya.

Matapos mag end call ay tuluyan na silang nagtawanan.

Jun: Ano ba kasi Minghao! Umalis ka na nga sa likod ko!

Minghao: Pilitin mo ko..

Saglit na huminto sa pagpiglas si Jun.

Jun: Argh! Akala kasi nakakatuwa!

Napahinto naman sa pagtawa ang lahat habang unti unti ng binitawan ni Minghao ang mga kamay ni Jun.

DK: Uy Jun joke lan-

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil dumiretso na sa kwarto habang nakatungo.

Woozi: Ano na naman bang ginawa niyo? 

Inis na tanong ng kararating.

Carra: Paktay kayo. Ba't umiyak yung isa?

Sabay sabay naman sila nagturuan.

Seungkwan: Si DK ang may kasalanan! Nagpanggap siyang manager ni July!

DK: Anong ako?! Bakit niyo pinigilan kanina si Jun?!

Dino: Si Seungcheol hyung ang may sala! Di niyapinigilan si DK!

Seungcheol: Oy! Bakit ako?! Wala na nga akong ginawa! Si Minghao yun! Dinaganan niya si Ju-

Carra: MAGSITIGIL NGA KAYO! ANG IINGAY NIYO! SABAY SABAY PA KAYONG NAGBIBINTANGAN WALA TULOY AKONG MAINTINDIHAN!

Napahinto ang lahat dahil kay Carra habang walang nakapansin na pinuntahan agad ni Minghao si Jun.

Sinubukang buksan nito ang pintuan sa kwarto ni Jun ngunit naka lock na ito.

*Knock knock knock

Minghao: Jun.. buksan mo naman yung pinto oh..

Walang sumagot.

Minghao: Jun.. sorry na.. uy..

Wala pa ring sumagot.

Minghao: 'Di ako aalis dito hanggat 'di mo binubuksan ang pinto.

May narinig siyang kaluskos sa loob pero hindi bumukas ang pinto.

Minghao: Jun.. 'wag ka na magalit. Please.

Lalo lang bumigat ang pakiramdam ni Minghao nang marinig ang paghikbi ni Jun sa loob.

Umupo nalang ito sa sahig at sumandal sa pinto dahil alam niyang wala ng balak buksan ito ni Jun.



Jun: Minghao, bakit ganun?

Dama din ni Minghao ang presensya ng kaibigan malapit sa pinto. Pareho na silang nakaupo ngunit magkatalikod.

Jun: Ikaw ang pinakamalapit sakin. Ikaw lang ang nakakaalam sa kwento ko pero... bakit ka nakisali sa pang-aasar kanina?

Lalong natahimik si Minghao.

Jun: Alam mo naman na simula bata palang na pinagbibihis ako palagi ni mama ng mga damit pambabae. Gusto niya talaga ng anak na babae pero ako lang ang nakuha niya.. kaya binawi niya yun sa mga damit ko..

Naalala ni Minghao ang unang pagkikita nila ni Jun noong mga bata pa sila. Nakadamit na pambabae si Jun na naglalakad papunta sa arcade. Mag-isa lang siya nun at halatang asiwa sa suot na damit.

Jun: Napagkakamalan ako palagi na babae. Pero noong una mo akong nakita nabilib agad ako sayo dahil alam mo agad na lalaki ako kahit na nakapambabae ako noon.

Napangiti naman si Minghao sa naalala.

Jun: Ang saya ko nga noon nung pinahiram mo ako ng damit mo. Kasi yun yung unang beses na nakasuot ako ng panlalaki na damit. Sabi mo kasi okay lang kahit ikaw muna magsuot ng pambabae.

Minghao: (Masaya kaya magpalda. I felt so free that time.. pero hindi ako bakla.)

Jun: Napagallitan pa nga tayo ng mama ko kasi pinahiram mo ako ng damit mo..

Tinitigan ni Jun ang hawak na token habang nagkukwento.

Jun: Nahiya nga ako sayo nun pero sabi mo ayos lang kasi magkaibigan na tayo.. ikaw ang una kong naging kaibigan. Binigay mo pa sakin yung huli mong token para hindi na ako malungkot dahil napagalitan ako ni mama.

Narinig ni Minghao ang tunog ng barya sa sahig kaya napalingon siya sa gawi nito. Pinulot niya ang token na tinulak ni Jun palabas sa may ilalim ng pinto. Tumigil ang mundo ni Minghao sa sunod na narinig.


Jun: Sinayang mo ang pagkakaibigan natin.







Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon