Bad Luck

244 14 0
                                    

Naiwan sila Jeonghan, Joshua at Wonwoo sa tapat ng kwarto ni Woozi. Umupo muna sila sa bakanteng upuan habang naghihintay makarating ang iba nilang kasama.

Wonwoo: Napuntahan mo na ba si Seungcheol hyung?

Jeonghan: Oo pero ayaw niya din mag padistorbo katulad ni Woozi.

Joshua: Ano pala yung sasabihin mo kaya mo pinapatipon ang iba dito?

Jeonghan: Tatanungin ko lang sana kung sino ang gustong magpaiwan dito saospital para bantayan sila Seungcheol at Woozi.

Wonwoo: Pwede bang pass ako diyan? Ayoko matulog dito sa ospital.

Joshua: Papiliin nalang kaya natin sila kung sino gusto nila kasama dito?

Jeonghan: Pwede din.

Joshua: Tanungin ko muna si Woozi.

Tumayo na si Joshua at pumasok sa kwarto ni Woozi. Natanaw naman ni Wonwoo ang dalawang naglalakad na sina Jun at Minghao na may hawak na plastic bag.

Wonwoo: Hyung andyan na sila Jun at Minghao.

Sabi ni Wonwoo kay Jeonghan.

Jeonghan: Saan kayo galing?

Jun: Bumili kami ng inumin niyo.

Binigay ni Minghao ang hawak na plastic bag kay Jeonghan. Kumuha na ng inumin si Wonwoo.

Jeonghan: Salamat.

Lumabas na sa kwarto si Joshua. Inalukan siya ni Minghao ng inumin pagkakita sa kanya nito kaya kumuha na din siya at nagpasalamat.

Wonwoo: Ano sabi niya hyung?

Joshua: Bahala na daw tayo kung sino gusto magpaiwan.

Jun: Ano ba pinag-uusapan niyo?

*Meanwhile..

Hoshi: Nasan na kaya si Seungkwan?

DK: Kanina pa tayo naghahanap kay Seungkwan. Nasan na ba yun?

Hoshi: Teka... si Seungkwan ba yun?

DK: Kasama niya din si Vernon. Pero bakit ang daming tao dun sa may elevator?

Linapitan nila ang kaibigan pero hindi sila nakita nito kasi may kausap silang maintenance.

Seungkwan: Pero sir may narinig talaga kami kanina na boses babae!

Vernon: Siya yung kausap namin kanina habang nastuck kami ng isang oras sa loob.

Maintenance 1: Wala kaming staff na babae sa may maintenance.

Seungkwan: Siya daw yung tumawag sa inyo!

Maintenance 1: Walang tumawag samin. Ngayon nga lang kami nakarating dito kasi kumain pa kami.

Maintenance 2: Tsaka paano kayo makakapag-usap sa babae kung meron man? Eh wala namang telecom yung elevator.

Seungkwan: W-walang t-telecom? Ano yung telecom?

Maintenance 1: Tsk. Baka yung babaeng pasyente na namatay sa loob yung nakausap niyo.

Seungkwan: N-namatay?!

Maintenance 2: May namatay na sa loob ng elevator na  yan sampung taon na ang nakakaraan.

Maintenance 1: Paano mauna na kami.

Umalis na ang dalawang maintenance.

Seungkwan: Multo yung nakausap natin?!

Vernon: I-I don't want to talk about it!

Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon