Stuck with you

293 14 7
                                    

Nasa loob ng chapel si Joshua para ipagdasal ang kalusugan ng dalawang kaibigan. Kahit karibal niya si Seungcheol kay Jeonghan ay tinuturing parin niya itong kaibigan. Ganun siya kabait. Pag katapos niya magdasal ay pinuntahan niya ang kwarto ni Woozi para kumustahin ito. 

Habang naglalakad sa hallway ay nakita niya si Wonwoo na may kasamang babae at papunta sila sa direksyon niya. Nagkatitigan sila Wonwoo at Joshua pansamantala bago tuluyang naglakad si Wonwoo at ang babae. Nanatiling nakatayo lang si Joshua at iniisip kung kakausapin si Wonwoo pero sa tagal ng pag iisip niya ay nalagpasan na siya ng dalawa. 

Nilingon niya kung saan pupunta ang dalawa at nakita niyang pumasok sila sa isang kwarto. Ilang segundo pa ay lumabas na din si Wonwoo at nilapitan si Joshua para magpaliwanag.

Wonwoo: Galing akong rooftop, nakita ko siya na umiiyak. Tatalon nga sana sa building eh kaya ayun.. pinigilan ko tapos kinausap ko. Sinamahan ko bumalik sa kwarto niya. Yun lang. Wag mong sabihin kay Mingyu!

Joshua: Why are you so defensive? I'm not going to say anything to Mingyu.

Wonwoo: Ah..g-ganun ba? Saan ka pupunta?

Joshua: Kay Woozi. Sama ka?

Wonwoo: Okay.

Sasakay sana sila ng elevator papunta sa 3rd floor pero  may sign na nakasulat dito kaya nag hagdan nalang sila. 

*Meanwhile... sa loob ng elevator...

Seungkwan: Bakit ngayon pa?! Ang init dito sa loob T^T

Vernon: Ang ingay mo! Bakit nastuck pa tayong dalawa dito?!

Seungkwan: Wala bang signal yung phone mo? Wala sakin eh.

Vernon: Wala din. Ayoko ng pinaghihintay. Sana maayos na nila agad.

Seungkwan: Ang alam ko may camera sa loob ng elevator.. teka lang. 

Hinanap ni Seungkwan ang camera at kumaway dito.

Seungkwan: Hellooooo!!! May tao ba dyan?! Tulongan niyo po kami! Nastuck kami sa elevator! Helloooo?!! 

After 15 minutes na pagpapapansin sa camera ay sumuko na si Seungkwan at umupo nalang katapat si Vernon. 

Vernon: Ano? Napagod ka na? Haha.

Seungkwan: (inirapan si Vernon) Saan ka pala papunta?

Vernon: Sabi ni Jeonghan hyung hanapin ko daw kayong tatlo kaya papunta sana ako sa canteen. Ikaw, saan ka galing?

Seungkwan: Pagdating namin sa canteen kanina wala kaming maupuan kaya nakishare kami dun sa babaeng mukhang masungit. Tapos dumating yung isa niyang kasama para kumain kaya sabay kaming apat na kumain kasi hindi naman kumakain si Nayoung, yung babaeng mukhang masungit. Si Mina yung kaibigan niya na kasabay naming kumain, pareho pala kaming taga Palawan. Kaya ayun.. nag palitan kami ng numbe-

Vernon: Ang tanong ko kung saan ka galing.* Hindi kung sino nilandi mo..

Seungkwan: Ano sabi mo?

Vernon: Ang tanong ko kung saan ka galing. Ang haba ng kwento mo.

Seungkwan: Hindi mo kasi magegets kung saan ako galing kaya magtiis ka sa medyo mahaba kong kwento. So.. ayun pagkatapos namin magpalitan ng number hinanap na namin yung nawawala nilang kaibigan. Nung kumakain kasi kami biglang dumating yung isa nilang kaibigan na si Pinky at sinabing tumakas si Sejeong sa kwarto niya. Kaya tumulong kami sa paghahanap sa kaibigan nila.

Vernon: (ang dami mo palang nilandi)

Seungkwan: Naisipan namin maghiwahiwalay kaya papunta dapat ako ngayon sa rooftop.

Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon