Crossed the Line

127 10 4
                                    

Minghao: Buksan mo ang pinto.

Madiin na utos ni Minghao.

Minghao: Junhui, papasukin mo ako!

Pilit na pinipihit nito ang pinto para makapasok.

Minghao: Jun, please.. kausapin mo ako ng harapan.. a-ayoko ng ganito.

Tinakpan ni Jun ang tenga gamit ang unan habang nakahiga sa kama dahil ayaw niyang marinig ang pag-iyak ni Minghao.

Minghao: Please..

Wala ng narinig na ingay sa mula sa labas si Jun kaya napabangon ito.

Jun: (Nahimatay kaya yun? Mahigit dalawang oras na siyang umiiyak sa labas..)


~Sa labas ng kwarto..

Napalingon si Minghao sa hinagis na susi ni Carra.

Carra: Susi 'yan sa kwarto. Mag-usap kayo.

Hindi na siya nakapagpasalamat dahil umalis din agad si Carra.

Minghao: (Bubuksan ko ba?)

Sabi nito sa isip habang nakatingin sa hawak na susi.

.

.

.

Naluluhang mga mata ang bumungad kay Jun pagkabukas niya ng pinto.

Jun: Andyan ka pa pala..

Ngumiti naman ang kausap.

Minghao: Buti naman binuksan mo :D

Jun: (Bakit ka nakangiti?! Nakakainis ang ngiti mong 'yan.)

Minghao: Pwede na ba ako pumasok?

Walang naisagot si Jun kaya pumasok nalang din si Minghao. Kahit madilim sa paligid ay kita parin nila ang isa't isa.

Minghao: Tinago mo pala 'to?

Pinakita nito ang hawak na token.

Minghao: Akala ko ginamit mo na ito dati.

Wala parin sinasagot si Jun kaya patuloy lang na nagsalita si Minghao.

Minghao: Pero.. pre.. ayaw mo na ba talaga akong maging kaibigan? Kasi..  ayaw na din kita maging kaibigan.

Jun: (Seryoso ka pre?)

Dahil sa dilim ng paligid ay hindi napansin ni Minghao ang nainis na ekspresyon ni Jun.

Minghao: Ayaw na din kita maging kaibigan lang.

Kita nito ang sinseridad sa mga mata ni Minghao habang binibitawan ang bawat salita.

Minghao: Sa totoo lang.. minahal kita bilang kaibigan.

Jun: (Ano ba talaga, Minghao?)

Minghao: Pero 'di ko na namalayan na nakalagpas na pala ako sa linyang yun. Matagal na.

Jun: ...

Minghao: Kaya dinadaan ko nalang sa pang-aasar kahit pambata lang na style yun.. Sumobra ata kanina hehe. Sorryyy.

Dumiretso nalang sa kama si Jun at humiga dahil hindi niya alam kung paano sagutin si Minghao.

Minghao: Uy.. tutulugan mo lang ako? Alam mo ba na kanina pa ako nakikipag-away sa sarili ko diyan sa labas kung sasabihin ko na ba sa iyo o hindi?!

Sinundan niya si Jun at lumuhod nalang malapit sa side nito ngunit tinalikuran lang siya ni Jun.

Minghao: Pero ang gaan sa pakiramdam na nasabi ko na din. Kaya Jun, 'wag mo muna akong tulugan kung may galit ka pa sakin. Bati na kasi tayo- teka.. tayo na ba-

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tanging labi nalang ni Jun ang kanyang nasa isip. Hinila kasi nito ang kwelyo niya at hinalikan ng madiin kahit saglit lang.

Jun: Ang daldal talaga.

Maikling sabi nito bago bumalik sa pagkakahiga.

Minghao: t4ng1n4





Say The Name: SEVENTEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon