Miggy sat on his swivel chair. Why wa she acting so rude? Sabagay, malalaman mo naman ang ugali ng isang tao kapag wala na siyang benepisyo na nakukuha sa buhay mo.
May inabot siya sa akin na papel. "I need this for my first meeting with Mr. Esqueza."
I looked at it, puro snacks na pwedeng bilin sa grocery. Napakunot ang noo ko. "B-bakit ako pa ang kailangan bumili?"
I suddenly felt nervous dahil baka malaman niya ang mayroon saamin ni Zach. Hindi ko alam kung bakit, I just felt uncomfortable.
"You're doing nothing, Marie. Mabuti nang mapakinabangan ka."
Naalala ko nanaman ang pagcha-char namin ni Zach kanina. Nabasa niya ba? Mukha naman hindi dahil magtatanong naman ito agad kung nabasa niya iyon.
"At nakikipag-chat ka lang sa boyfriend mo?"
Shit. Nabasa niya nga. Pero mukhang hindi niya naman nakita iyong pangalan. Mabuti naman.
"It's none of your business." I rolled my eyes.
"None of my business? I'm your department's supervisor. Kayang-kaya kita ipatanggal dito. Or worst, I can easily talk to Mr. Esqueza and let him fire you," pagbabanta nito saakin.
"He doesn't know me," sabi ko. "Ito lang ba papabili mo?" Pagbabago ko ng usapan. "O baka may gusto kapa idagdag?"
He didn't answer. I bit my lip and turned around. Hindi ko na kailangan makipagtalo sakanya. Mas maganda naman talaga na sumunod nalang ako para walang problema.
"Marie," he softly said.
I stopped, holding his office's knob. He would call me by that name when he was being sweet before.
Lumingon ako, trying my best not to show any emotion. "Yes? You need something?"
"I miss you..."
I smiled awkwardly. "We're over, Migs. Alam mong mas maganda na maging magkaibigan nalang tayo."
He entwined his hands which reminded me of Zach. "I won't give up. Alam kong may pag-asa parin tayo."
"Wala na. Stop it and respect my decision."
After I said that, I walked out. Hindi ko na nagawang itanong pa kung bakit siya nandito kahit may sarili naman silang business. Ayoko na pahabain ang usapan namin dalawa. Knowing him, he was the kind of guy who would assumed easily just because you were being friendly.
As I was waiting for the elevator door to open, my feet were hurting already because of Ashley's high heels. Kung kailan naman nakasuot ako ng ganito, saka naman kailangan akong lumakad ng pagkalayo-layo sa labas!
Narinig ko ang pagtunog ng elevator. Bumungad saakin ang apat na namumulang babae. Para silang mga baliw na nagkukurutan tila tinatago ang kilig. Papasok na sana ako sa loob nang mahagip ng mata ko ang lalaking nasa gilid.
He was leaning casually, arms crossed. His eyes were annoyed and staring at me seriously. Nagsimula nanaman kabahan ang puso ko kahit na kagabi lang, I felt we were a little closer to each other.
I bit my lip. Kaya pala kinikilig ang mga babae dito ngayon. Pero bakit gamit niya itong elevator na ito? Pwede naman siya roon sa isa.
"Miss, papasok kaba?" mataray na tanong saakin nung isang babae.
"Sorry," I said apologetically and went it.
Sa pinaka dulong gilid ako tumayo, malayo sakanya. Baka biglang mag-init ang buong katawan ko dahil kapag magkalapit kami at hindi nag-uusap, ramdam na ramdam ko ang presensya niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boss (Completed)
General FictionIris Villafuente made a contract marriage after their company has been bought by her sexy, bipolar and dominating boss Zachary Levi Esqueza. During the arrangement she discovers that her boss is more than just a moody, irritating and bossy man. He h...
