Chapter 35

710K 6.7K 249
                                        

"Oh my God! What are you guys doing?!"

Nakahinga ako ng maluwag dahil boses ni Anya ang narinig ko.

"Would you guys just please get a room?!" Sigaw na naman nito.

"A-ah e-eh Anya uhmm Zach is just try—" Ngayon pulang pula na ang muka ko.

"Bakit hindi ka makatingin?" Untag nito.

Dahan dahan akong tumingin kay Anya at nagbago ang ekspresyon ng muka ko ng Makita ko kung sino ang kasama niya.

"Bakit magkasama padin kayo? Anong oras na ha?" Nagtatakang tanong ko.

Ngayon mata naman ni Anya ang nagpapanic hindi alam ang isasagot.

"Sinamahan lang ako ni Mark" She bit her lip.

"Sinamahan? Ng ganitong oras?"

"Y-yes m-may binili lang kami" Siniko nito si Mark sa tabi niya "Diba babe?" Sabay nilakihan ng mata.

"O-o may binili lang" Nauutal din na sagot ni Mark.

Napataas ang kilay ko "Almost 2 am na ha?"

Natahimik silang dalawa wala nang nasagot. Tumayo naman si Zach sa tabi ko at hinila ang kamay ko.

"Time to sleep" He said. Teka iniiwas niya ba yung topic? Anong meron?

"Okay. Just give me one minute" Nilingon ko muna sila Anya.

"You" Turo k okay Mark "Maaari ka nang umuwi at mukang nabili niyo na naman yung kailangan niyong bilin. Right?"

"O-oho. S-sige una na ko"

Hinalikan muna nito si Anya at dali daling lumabas. Parang may tinatago talaga sila na hindi ko alam? Hmm, Malaki na naman si Anya alam niya na ang tama't mali hindi naman siguro siya gagawa ng ikakadisappoint nila Mum.

Hinawakan na ni Zach ang bewang ko para umakyat nang magsalita ulit si Anya.

"Ate"

Ano daw?

Napatingin ako kay Zach. His lips twist "I'll go first to your room. I'll wait for you. Be nice" Then he kissed my forehead at umakyat na.

Hinarap ko na si Anya "Paki ulit yung sinabi mo Anya nabibingi ata ako eh"

She sighed heavily and roll her eyes "Ate"

Wow.

"May lagnat ka?" Manghang tanong ko sabay lapat ng kamay ko sa noo niya "Wala naman ha?"

Tinabig naman ito ni Anya "Geez. P-please do not tell Mom and Dad na magkasama kami ng ganitong oras?"

Kaya pala may 'Ate' ate siyang tinatawag dahil may kailangan. Now I know.

"Why?" I ask.

"Alam mo naman kung anong magiging reaksyon nila pag nalaman nilang tumakas ako ng ganitong oras diba?"

Gusto ko sana sabihin na Been there. Done that sis pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Aasarin ko na lang si Anya.

"Paano kung sabihin ko sa kanila?"

"Uggh!" Nag isip ito saglit "Sasabihin ko kela Mom ang nakita ko sa inyo ng asawa mo kanina! Ha!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko na may nakita din pala siya samin.

"Kala mo huh" Nagcrossed arms pa si Anya. Nako, Bumalik nanaman pagiging Bratinella niya "Ano kayang sasabihin nila Mom pag nalaman nila n—"

"Shh!" Tinakip ko yung kamay ko sa bibig niya "Okay. Okay. I won't tell them just shut your mouth. Kay?"

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon