Chapter 30

730K 6.5K 203
                                        

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sakanya.

He wore his mask again. "Chilling like an ice cream, chilling."

Umirap ako sa sagot niya. Tiningnan ko ulit ang basa kong suot. "Kapag tayo talaga nagkikita sineswerte ako," sarkastikong sabi ko.

I could feel he was smirking under his mask. "Syempre, God sent ata ako. Long time no see ah." He then stared at my dress. "Kung hindi lang nabasa dahil sa clumsiness mo, you look good tonight. Ang laki na ng pinagbago natin ah?" he said na para bang close kami.

"You too," balik ko sakanya at bigla ko naalala iyong magazine na nagpahamak saakin. "Salamat din pala last time sa pagpapahiram ng porn mo."

Tumawa ito kahit ang lakas ng music, rinig ko parin. "Sabi ko naman saiyo, huwag iyon. Ikaw lang ang mapilit."

"Kahit na!" I argued. "Sino ba naman matinong lalaki nag magdadala non sa initan?"

"Edi ako," he answered obviously. "Bakit kaba nandito? Mukhang may date ka ah." Tumingin-tingin ito sa paligid. "Sino? Tingin nga kung mas gwapo saakin. Hindi mo nga ako binigyan ng chance, kaya patingin nalang ng bebe mo."

"I stop it," suway ko sakanya.

"Bakit ka kinakabahan? Damot. Gusto ko lang naman makita."

"Wala kana roon. Huwag ka ngang chismoso," pangbabara ko.

"Maritest ako eh."

Napakunot ako ng noo. "Anong Marites?"

"Mare, anong latest." He then shrugged.

Napaka-corny talaga nitong lalaki na ito. Nagulat ako nang lapitan kami ng dalawang bodyguards ni Zach. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano bang dapat i-explain kahit wala naman akong ginagawang kasalanan.

"Ma'am, may problema po ba?" tanong ng isa saakin habang tinitingnan si Mr. Foreign Guy.

"Natapon ang drinks ko sa damit niya, kuya," sagot ni Mr. Foreign Guy. "Tanong mo naman sa boss mo baka may extra dyan o kahit pamunas lang."

Nanlaki pareho ang mata ng dalawa. Akala ata niya, bouncer itong bodyguards ni Zach!

"Hindi na need," sabi ko at pumagitan. "Kaya ko na ito. Salamat sa sorry mo, kuya," sabi ko kay Mr. Foreign Guy.

"Kuya? Awit."

Naglakad na akong palayo sakanya at hindi na lumingon ulit. Why did I feel this way? I was nervous. Alam kong kasi kung gaano kaseloso si Zach. Baka ano pa ang isipin niya kapag nakita niyang nag-uusap kami ng lalaking iiyon.

Nang makarating na ulit sa table namin. Matiwasay na pareho ang mukha ng magkapatid na Esqueza. Ashley was smiling on her phone while typing and Zach was watching her while shaking his head.

He turned to me when I sat beside him. "You look pale. What's wrong? Did someone bother you?"

"Ah, wala naman. Ang init lang sa dance floor. Hinahanap ko kasi si Romeo, hindi ko makita. Mukhang may nabiktima na ngayong gabi," pagsisinungaling ko.

"Are you sure?" he asked again.

I looked at him nervously. "Of course. Saka pagod nadin kasi ako."

Itinaas niya ang kamay ko. "You want to go home?"

"No! Wala munang uuwi," sabat ni Ashley habang nakatingin padin sa phone.

We ignored her since she was busy. "It still hurt?"

"it's not," sabi ko. Hindi ko na nga maalala na may pasa ako sa katawan eh. Mas naba-bother ako na baka malaman niya na nakipag-usap ako sa ibang lalaki. Why did I feel guilty about it?

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon