Chapter 34

713K 6.6K 604
                                        

Ang laki ng buwan ngayon at ilan minuto na lang pasko na. Dahil bukas pa ang tradisyon ng pamilya ko sa bigayan ng regalo natulog na sila ng maaga bawal kasi mapuyat si Dad. Si Zach naman panay ang ikot sa kwarto ko tila iniinspeksyon ang bawat makikita.

"Wala ka bang picture nung bata ka? " Tanong nito habang hawak ang photo album ko noon highschool.

"Wala, Sabi kase ni Dad nasunog siya lahat doon sa pinaka una namin bahay"

Kumunot naman ang noo night Zach "Nasunog?"

"Oo baby pa ko nun kaya hindi ko din maalala. Pero sa pagkakasabi niya sinadya daw talaga sunugin yun para mapaalis kami hindi naman daw kasi kami ganun kayaman dati at kailangan ata na patayuan ng isang building yung lupa kung nasaan ang bahay namin"

Nung naghighschool na ko sabi ni Dad dun lang nag boom ang family business namin.

Nagalala naman ang muka ni Zach "Sino daw ang may gawa Iris? Saan nakatira? Anong pangalan? At anong trabaho na nila ngayon?"

"Don't tell me gagantihan mo sila?" Natatawang tanong ko.

Lumapit na ko sa kanya this time. Hinawakan naman niya ko sa bewang. Ngumiti ito ng bahagya.

"No Iris, pagbabayarin ko lang sila. Paano kung may nasaktan sa inyo sa ginawa nila o paano kung may nangyaring hindi maganda sayo ng mga panahon na yun maibabalik ka ba nila? Makakapangasawa ba ko ng isang Mrs. Esqueza?"

Namula ako bigla sa sinabi niya. Oh my sweet protective Zachary.

"Shh" Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya "Wala naman masamang nangyari kaya hayaan na natin"

Niyakap naman ako ni Zach at hinalikan ang buhok ko.

"Buti na lang. Dahil kung sakaling mahanap ko sila ngayon. Pasensyah---"

"Mr. Esqueza!"

Ngumiti si Zach his teaseful smile.

"What?"

"Stop that"

Hinawakan ni Zach ang muka ko dahilan upang mapatingin ako sa magagandang niyang mata.

"Stop for being concern? Being protective? Being possessive when it comes to you Iris?"

I blushed for the second time. I was speechless kaya niyakap ko na lang siya. Paano ko ba masusuklian ang lahat ng ginagawa niya sakin? Would he still do this after 9 months?

"Zach?"

"Hmm?" Sagot nito.

Pero bago pa ko makasagot narinig ko ang pagtunog ng relo ibig sabihin lang na Pasko na.

"I love you.."

Nanigas naman si Zach habang nakayakap sakin. Hindi ko din alam kung bakit yan ang sinabi ko. Oh God Iris anong nasabi mo?! Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinihiling na sana wag niya ko itulak palayo. Wag niya ko iwanan ngayon tulad ng mga X slaves niya.

Pero hindi sumagot si Zach medyo lumuwag lang ang pagkakayap niya sakin. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi ko sinabi ang salitang yan para maghintay ng sagot" Bulong ko sa kanya. At hinila ang buhok nito upang mapatingin sakin.. Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya pero nangingibabaw ang kaguluhan nito.

"You told be to be honest right to earn your trust, right?"

Tila may hinanakit akong nakikita sa muka niya "No Iris" Ipinikit na ni Zach ang mata niya.

"Don't" He said, Almost whispers.

I sighed "Don't worry Zach I don't mean to rush you or something. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko"

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon