When I got back to the office, my mood was really dready. Ganito na ang epekto niya saakin ngayon palang. Paano na kapag tumagal pa lalo? I kept breathing heavily on my desk.
"Atey, bakit saad?" Nakasandal si Romeo sa gilid ng desk ko. I was staring at the screen absentmindedly. "Hoy! Warla kayo ni Mr. CEO noh? Sabihin mo na, baka may maitulong ako. Kahit deserved ko ng kwento."
I didn't answer. Panay parin ang hinga ko ng malalim. Oh, Zach. What have you done to me?
Niyakap niya ako. "Hindi na ako magiging pushy pa. Whatever it is, malalagpasan mo iyan gaya noong college pa tayo!" His eyes twinkled when I looked at him.
"Gaya noong college pa tayo?" ulit ko nang bahagyang nakangiti.
Kung gaano ako kabilis malungkot ganoon din ako kabilis mapatawa. I missed those times na puro saya lang ang iniisip ko. We did bar hopping before after exams or before sembreak. Kahit na hindi alam ng magulang ko iyon.
"Ito na nga ang chika... Tomorrow night grand opening ng bar nang isang friend ko. Pwede tayo pumunta at magsaya for awhile para makalimutan mo ang mga problema mo! Just like the old times!" Ngiting ngiting sabi niya.
Tomorrow night? Papayag naman siguro si Zach dahil aalis din naman siya. Para fair saamin dalawa. Kung hindiman siya pumayag, tatakas ako.
"Game ako dyan, Juliet," I said smiling widely.
"Shh. Umaga ngayon kaya Romeo ako. Okay?"
"Kaya mahal kita, Juliet eh." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Alam ko Irisian."
"Anong mayroon? Anong chika? Sali ako!" Singiti ni Rose na kakadating lang habang may hawak na iba't ibang folder.
We both smiled at her dahil isasama namin siya sa pangarap namin dalawa. Lunch came, I didn't eat. I was busy typing when someone called my last name.
"Ms. Villafuente?"
Napalingon kami ng mga ka-opisina ko sa lalaking nakasuot ng sumbrero. He was holding a box of food.
"It's me? Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ko at napatayo.
"Delivery po." Ngiting sabi niya at inilapag sa desk ko ang iba't ibang uri ng pagkain.
There were desserts, chickens, rice, porks and all. Akala mo bibitayin na ako bukas.
"Hindi naman ako nag-orde," sabi ko sakanya.
"May um-order saamin, ma'am. Sabi dito raw po i-deliver. Huwag kang mag-alala, bayad na po lahat iyan," he said smiling.
Bandang huli, wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ang pagkain. Masama rin naman ang humindi sa grasya.
"Wow? May festival ba ngayon?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Rose pagdating at nakita ang bultuhan pagkain.
"Kanino galing?" Romeo eyed me suspiciously
May ideya na ako kung sino pero hindi ko maisip na gagawin niya dahil magkaaway kami ngayon. Right then, I saw a sticky note on the side of my drinks.
Kinuha ko iyon at binasa.
Eat, Ms. Villafuente.
I'm watching.
Z
Napangiti ako ng bahadya at tumingin sa CCTV na nasa harap ko. My sweet Zachary still cared for me even when he was mad. I mouthed 'thankyou' to the camera and ate happily.
Kahit na binilan niya ako ng pagkain, hindi parin siya nagpaparamdama saakin. When I got home, he wasn't there even I waited for him. Sa couch na ako nagpalipas ng gabi habang nanonood.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boss (Completed)
General FictionIris Villafuente made a contract marriage after their company has been bought by her sexy, bipolar and dominating boss Zachary Levi Esqueza. During the arrangement she discovers that her boss is more than just a moody, irritating and bossy man. He h...
