"Hi Romeo!"
He eyed me suspiciously. Why wouldn't he? I was smiling from ear to ear nang makapasok ako sa office. Sabay kaming pumasok ni Zach pero sa iba kami dumaan para walang tao ang makakita saamin. It was nice, really... To got to know him like that.
"Ang aga-aga ang saya mo ha! Iba iyomg energy! Nangangamoy nadiligan! Am I right, Rose?" Nakiupo pa ito sa mesa ko.
"Tama! Tuesday palang, ang ganda ng ngiti eh. Make kwento!" Pagsang-ayon ni Rose dito.
Sino ba naman kasi hindi sasaya ang umaga kapag pagbangon mo, mukha ni Zach ang sasalubong saiyo? Yes, puyat ako. Pero nawala ang lahat ng iyon nang idilat niya ang mata niya kaninang umaga habang nakatingin saakin.
Parang nasa alapaap padin ako hanggang ngayon. Meeting his family, the contract, the court and his little home. Plus, I got to meet his other side, too. Hindi lang iyon moody na kinatatakutan namin dito sa office.
"Hoy, bruha! Hindi ka ba sasagot dyan!" Hinila ni Romeo ang buhok ko kasi nakatulala parin ako.
"Iba rin! Wala na sa wisyo ngayon! Daks ba yorn?" Pang-aasar ni Rose.
"Tigilan niyo ako," natatawang sambit ko. "Wala naman akong dapat ikwento."
"Napakadamot mo sa chismis!" Nagmamaktol na saad ni Romeo. "Kailan kapa naging ganyan? Hindi mo na ako kinekwentuhan ng mga sikreto mo at bebeboy!"
Tinulak ko siya paalis ng desk ko. "Saka na ako magke-kwento kapag may label na kami, okay? Sa ngayon, shut up muna ako dahil baka ma-jinx nanaman."
Sumingit si Rose. "Ay, delikado nga iyan kapag wala pang label. For sure, hindi lang ikaw ang babae niyan!"
"Truelala! Kaya kung ako saiyo, sabihin mo na para ma-search natin kung ikaw lang ba ang babae o hindi!" Pursigidong saas ni Romeo.
"Haynako, Marites," sabi ko at umupo na. I turned on my computer. "Walang latest ngayon. Sabi ko, saka na."
"Sus! May date ka ulit mamaya nararamdmaan ko. Saka hindi ka naman nagsusuot ng ganyan kaganda na blazer dito, atey!" Hinila-hila pa ni Romeo ang blazer ko.
Lumakad si Rose sa likuran ko. "At naka-floral dress pa nga with matching high heels. Ganda yarn?"
Kung alam lang nila na ito na iyong pinakamatino at simpleng damit na binigay saakin ni Ashley Esqueza. Wala akong choice kung hindi suotin iyon dahil baka magtampo siya. Saka mas awkward naman kung damit ni Zach gagamitin ko, hindi ba?
"Gusto ko lang magmukhang tao ngayon. May masama ba dito?" Taas-kilay kong tanong sa dalawa.
"Hindi tayo nagsusuot ng maganda kapag Tuesday, atey!"
"Tama," sabat ni Rose.
"Tuwing Monday at Friday lang tayo ume-effort!"
"Tama."
"Hindi ka talaga magaling magsinungaling, atey. Mukhang may tinatago ka na kababalaghan. Malalaman ko din iyan!"
Buti nalang lumakad na siya pabalik sa pwesto niya. Si Rose naman, sumuko narin at nagsimula na gawin ang trabaho niya.
Napangiti ako. Ganon ba kaganda ang suot ko ngayon para mapansin nila masyado? Siguro kaya panay ang tingin saakin ni Zach bago kami pumasok dahil sa damit na ito? Haynako. Nag-online muna ako saglit sa socialmedia ko pero wala naman message ang kapatid ko.
"Everyone, stop doing anything."
Nagulat ang lahat sa boses ni Sir. Adrian. We all minimized our screen dahil pare-pareho kami ng ginagawa kapag hindi naman masyadong busy.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boss (Completed)
Fiksi UmumIris Villafuente made a contract marriage after their company has been bought by her sexy, bipolar and dominating boss Zachary Levi Esqueza. During the arrangement she discovers that her boss is more than just a moody, irritating and bossy man. He h...
