"Talagang stubborn ang ng babaeng 'to! Bahala kang matikitan ulit!"
A few minutes later, a young woman started walking towards the small jeep parked in front of the flowershop. Maraming siyang buhat na damit. Muntik nang mabitawan ang mga labadang damit na pinik-up niya sa boarding house na malapit sa flower shop nang makita yung kapirasong papel na
nakaipit sa wiper ng sasakyan..
" My God! May tiket na naman ako?'
Nilagay nito sa maliit na jeep ang mga damit at kinatok ang glass door ng flower shop.
" Nakiusap naman ako sayo ah! Di ba? Alam mo ba kung magkano na naman ang babayaran ko nito?'' Galit na galit si Rey sa lalakeng nagbabanatay ng flower shop.
" Well, I already told you before not to park in front of my store! Bingi ka yata kasi eh!"
" I'm not deaf. Wala lang akong choice! Do you think na gusto kong ma stressed out sayo three times a week?" Hindi no!"
" Well, isa lang ang solution sa problema mo. DON'T...PARK...HERE!"
" Salbahe talaga tong mestisong 'to."
Wala ng oras si Rey para makipagtalo kaya pinandilatan na lang si Liam at nagmamadaling umalis papunta sa isa pa nyang part time. Ganito ang buhay ni Rey araw-araw: bawat oras may naka assign na pwedeng maging additional source of income.
"Finally after 4 hours, natapos na rin lahat ng raket ko." Pauwi na si Rey para ipagluto ang dalawang mga nakakabatang kapatid. Bago pumasok sa afternoon class,pinagbilinan muna ang mga kapatid na ikandadong mabuti ang pinto ng apartment at wag magpapasok ng kahit sino.
Kinatok ni Rey ang katapat na pinto." Maxie! Pakitingnan yung dalawa ha?"
Lumabas ang gay friend ni Rey na green ang hairdo, the bestfriend in this story.
" Ay! Ang ganda mo na naman. Natotomboy tuloy ako sayo Rey!" pabirong sabi nito.
" Hindi pwede! Pero thank you ulit Maxie ha?"
" What are friends for? Ikaw pa? Ang lakas mo yata sa akin kasi hindi ka nagbago after na malaman mo na certified gay ako."
" I'll listen to your drama later Maxie. Late na naman ako nito." Tumakbo na si Rey para habulin yung jeep papuntang UST.
Ten pm na nung matapos ang lab ni Rey. Ramdam na niya yung pagod and antok pero pag naiisip niya yung mga bills na babayaran niya, nawawala ang mga ito.
'' Bayaran na naman ng tuition fee. Kulang pa ako ng 10k. Ano pa kayang trabaho ang pwede kong pasukin sa schedule ko?"
Naalala nya na naman tuloy ang Mommy nya." Umuwi ka na lang Mommy!" Bulong ni Rey sa hangin. Hindi nya tuloy namalayan na naiyak na naman pala siya.
Maraming jeep sa Espana pero nilalakad nya na lang papuntang Maceda para makatipid sa pamasahe. Sumasakay din naman siya pa minsan minsan lalo na pag wala nang masyadong naglalakad sa daan. Takot kasi siya sa taong grasa.
Natawa si Rey nung maalala yung eksena with taong grasa. Galing siya sa kaklase niya at tamang tama na may lalaking nakaupo sa island kung saan siya inihinto ng jeepney driver. Actually, naawa si Rey sa lalaking yun dahil halos hindi mo na makita yung mukha niya dahil dahil sa dumi. Napatitig si Rey sa taong grasa and before she knew it, hinahabol na siya nito.
" Tulong! Tulong! " Sumisigaw si Rey habang tumatakbo pero walang tulong na dumating. Nanood lang sa kanila ang mga tao sa bilyaran dahil akala nila shooting. Napatid na yung sandals ni Rey kakatakbo kaya nung dumating siya sa Maceda, naka paa na lang siya. Mula nuon, natakot na si Rey sa kanila.
BINABASA MO ANG
When A Heart Gets Broken
RomanceNaalala mo pa ba yung first love mo? How about your 2nd... 3rd... 4th...?. If we will think about it, a single heart can be turned into a hundredfold, depending on how many times it got hurt. It's true that amidst us are floating and broken hearts...