Nag-iba agad ang timpla ng boses ni Rey. May pag-aalala na. " May nangyari ba kay Mommy Violet?''
" Hindi... Hindi... Wala...Wala."'
" Oh my God! Kinabahan naman ako sayo. O bat natawag ka?"
Bakit nga ba niya tinawagan si Rey?
"Anong sasabihin ko?" Nagpapanic na si Liam! Bakit nga ba?
" Ah pinapatanong lang ni Mama kung anong oras ka dadating bukas?'
"The same time pa rin, pakisabi,"
"The same time?" Ano yung the same time?
" Between 8 and 8:30 pag natraffic ako. Otherwise, mga 7 nandyan na ako."
"Okay. Sasabihin ko sa kanya."
" Ah... Kumustang schooling mo Rey?" Halata-halatang nag-iimbento lang siya ng pag-uusapan. Wag sanang makahalata si Rey.
" Ha? Eh... Okay naman. Busy na dahil sa clinicals ko but kinakaya pa ring ng schedule ko. Ikaw" Sa La Salle ka di ba?"
" Yup. But Ok lang din. OJT ko na rin sa Makati. Kaya madalas akong maagang umaalis ng maaga. Midterms nga namin this week eh!"
" Pareho pala tayo. But don't worry, I'll include you in my prayers para pareho tayong pumasa with flying colors!"
" Thank you. Nahihirapan nga akong magreview right now eh!" Ikaw ba talaga yan Liam? Gusto nyang iadd: Dahil sa kakaisip sayo. Hahhahaha.
" You know that sleep is a big factor in memory retention? What if matulog ka muna and wake up early and dun ka magreview. Siguro, pagod na yung brain mo sa kakakisip kaya ayaw ng pumasok ang nirereview mo. Believe me, pag napahinga ka, mapapahinga na rin yung brain mo and mas madali mong maretain yung inaaral mo."
" Buti na lang tinawagan kita. I'm really sure na makakatulog agad ako nito dahil you're right, napagod yung utak ko kakaisip." Natatawa si Liam sa mga statements niya kay Rey. Pick-up lines yata ang tawag diyan Liam!
Naghigab si Rey. Naintindihan anman agad ni Liam.
" I think ikaw din dapat matulog muna. Mukhang pagod ka na rin."
"Hahahah! I know what you did there! I think matutulog na rin muna ako."
" What time do you wake up when you're here in our house at 7 am?
" Really early... say 4:00 am kasi ihahanda ko pa yung breakfast and lunch ng mga kapatid ko. Para hindi na sila bibili sa school. Alam mo na kelangang magtipid and para na rin healthy yung lunch nila."
Parang may sumundot sa puso ni Liam. Naalala na naman niya yung mga naibayad ni Rey sa tiket dahil sa illegal parking. Guilting guilty talaga siya. But di bale. Babawi talaga sya kay Rey ngayon. Ngayon na magkaibigan na sila. Marami pa naman syang chances para makabawi kay Rey.
Nang nag paalaman na sila, parang ang gaan ng pakiramdam ni Liam. Sinunod niya yung advice ni Rey na matulog muna. At nag-alarm siya...4:00 am din. Sasabayan nya ng gising si Rey.
BINABASA MO ANG
When A Heart Gets Broken
RomanceNaalala mo pa ba yung first love mo? How about your 2nd... 3rd... 4th...?. If we will think about it, a single heart can be turned into a hundredfold, depending on how many times it got hurt. It's true that amidst us are floating and broken hearts...