Part 10: Muntik Na

45 2 0
                                    

'Naku Liam.Sayang hindi pa kayo nag-abot ni Rey. Kakaalis lang niya ah. Wala ka bang napansin na lumabas sa gate ?''

Para namang sobrang excited ni Mama ba makilala niya si Rey.

''Wala naman Ma.''

Kumakain na sila ng dinner ng mabalik ang kwento kay Rey.

'' Ang sarap naman nitong Caldereta Ma.''

'' Naku si Rey ang nagluto niyan. Tinanong niya kasi sa akin kung anong paborito mo at ipagluluto ka raw niya.''

''Napakabait na bata. Biro mo pag kagaling sa atin eh may isa pang part time na pupuntahan bago pumasok sa school. Naiwan sa kanya yung 2 kapatid niya ng pumunta ng US ang Mommy niya. TNT ito kaya palagi silang kapos sa pera."

Tumahimik sandali si Liam bago ito nagtanong

''Is Rey gay Ma?"

Muntik ng matapon ang juice na iinumin sana ni Mrs. Violet. Parang nakakaloko ang ngiti nito nang humarap sa kanya.

'' Diyos ko Liam...hindi.''

''Hindi as in straight siya?"

" Hindi pa rin."

''Eh ano nga ho.''

''Babae si Rey Liam.''

'' Bakit Rey.''

''Reagan kasi yung full name niya kaya Rey for short.''

Pangalan pa lang mukha ng macho, sa isip isip ni Liam.

''Okay parang naiimagine ko na... maskulado, may pagka tomboy.''

''Sige ikaw ang sumagot ng mga tanong mo pag nakita mo siya.''

''

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When A Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon