Sa dami ng hospital, sa UST pa dinala ng kapitbahay si Mommy VI dahil yun lang ang hospital na kabisado niya na kung saan nagkliklinical si Rey..
Rey was so shocked when she rec0gnized the patient assigned to her that day.
" Ngayon pa naman ang off ko sa kanila!" Pagkatapos basahin ang patient's chart:"It was just a mild stroke but still she needs to be careful given her history."
Liam was running towards the nurses station when she bumped into Rey.
Nagulat si Liam ng makilala si Rey.
" She's sleeping right now Sir. Come with me please."
Parang hindi si Rey kasi sanay syang nakikita ito ng nakatali lamang ang buhok na parang walang time mag- ayos ng sarili. But looking at her in uniform, parang mas lalo syang gumanda." Oo na! Nagagandahan ako sa kanya," bulong ni Liam sa sarili. Hindi rin halata na magkakilala sila. Natapos na ang shift ni Rey kaya hindi na sila ulit nagkita.
Iba ng student nurse ang na-assign kay Mommy Violet the next day but Rey came to visit her. Pinagdalhan siya nito ng home cooked meal.
" Nakapagluto po ako kagabi kaya may nadala ako sa inyo."
" Naku Rey nag abala ka pa. Oo nga pala, kung gusto mo pa ring pumunta sa bahay kahit wala ako okay lang sa akin."
"Ay hindi na muna po. Pag discharged nyo na lang po. Kayamg kaya naman ni Liam yun."
Nakaalis na si Rey nung dumating si Liam from school.
Bakit parang nanghihinayang siya na hindi si Rey yung student nurse ni Mama niya?
Nagdridrive na sya sa Espana Blvd ng mapansin niya si Rey na naglalakad sa sidewalk ng kabilang lane.
He remembered na taga Maceda nga pala si Rey. "But medyo madilim na ah! Sabagay sa haba ng traffic, mas okay na nga lang sigurong maglakad."
Sinusundan pa rin niya ng tingin ang naglalakad na si Rey. Usad pagong kasi ang mga sasakyan.
"Tawagin ko kaya siya. Baka naman isnabin lang ako. Tiyak galit na naman yun sa akin."
Mayamaya pa ay nawala na sa paningin niya si Rey.
" Ako kasi eh! Sana inofferan ko na lang siya ng ride. Baka may taong grasa siyang masalubong. Nanghahabol pa naman yung mga yun."
Next day na bumalik si Liam sa UST hospital, nag iwan siya ng card and some flowers for Rey
Of course with Mama Violet's approval.
" Nagpasalamat lang ako Ma dahil binibisita niya kayo and dinadalhan kayo ng pagkain... na kinakain ko na rin. Wala akong cook sa bahay eh!" Nagbibirong sabi niya kay Violet.
Ngumiti lang si Violet na parang nakakaintindi kung ano ang nangyayari kay Liam niya.
" Naku. Mabait talaga yang si Rey. Biro mo yung iba magtatake advantage na. Nagrefused siya ng sabihin ko na pwede pa rin syang pumunta sa bahay kahit wala ako.Kaya mo na daw yung bahay mag-isa. Pag discharged ko na lang daw."
" I know Ma. Kaya nga may card and flowers."
After a week ay nakauwi na si Violet.
Monday. Dumating na si Rey. Exam week nina Liam kaya nasa bahay siya. Magkikita na naman ang aso't pusa!
BINABASA MO ANG
When A Heart Gets Broken
RomanceNaalala mo pa ba yung first love mo? How about your 2nd... 3rd... 4th...?. If we will think about it, a single heart can be turned into a hundredfold, depending on how many times it got hurt. It's true that amidst us are floating and broken hearts...