Part 19: Sa Harap ng Altar

48 2 1
                                    


Anong nangyari?"

Naaksidente yung bunso niyang kapatid.

"Galing silang magsimba kagabi nang mabunggo si Harper ng tricycle. Medyo masama ang tama kay Harper kasi sa lakas ng impact, tumilapon siya ng malakas sa kabilang kalsada.Kailangan yata ng surgery eh! Nagkafracture yung hips niya."

" What hospital Maxie?"

" Sa Orthopedic...sa Banawe."

After breaking the news to his mom, pumunta na si Liam sa hospital.

Nakita niya na si Rey but hindi pa nito alam na dumating siya. He felt her pain. Bigla siyang naawa kay Rey kasi kita sa mukha nito ang pag-aalala, pagod, puyat. All the months that followed, Liam knew in his heart kung gaano katough si Rey. Minsan naiisip niya kung paano nakakaya ni Rey ang lahat ng ito, to think na mag-isa lang siya sa pagharap ng mga challenges nila sa buhay na magkakakpatid.Kaya bilib na bilib talaga si Liam sa kanya.

" Ang tapang na babae!" Madalas niyang sabihin ito kay Rey na namimisinterpret namna ni Rey na nasusungitan ito sa kanya. Pero ngayon, ibang Rey ang nakikita niya.

Dahan dahan itong lumapit kay Rey na nuon ay tahimik na nakaupo sa tabi ng kapatid.

" Hey." Pabulong nitong sabi kay Rey.

" Oh... Sinong naiwan kay Mommy Violet?''Sabi agad nito.

" Don't worry about Mommy. I made sure na meron siyang kasama...tiyal magagalit ka pag iniwan ko siyang mag-isa."

Ngumiti si Rey but her eyes are really sad.

" Did you eat at all? Namumutla ka na eh!"

"Hindi pa naman ako gutom eh!"

" Are you kdding me? Sabi ni Maxie, kagabi ka pa rito eh!"

" Wait lang ha?"

May dala ng hamburger, fries, spaghetti and pop si Liam after 20 minutes. " Kumain ka dahil kelangan mo ng maraming serotonin ngayon."

Rey gave him a puzzled look.

" Serotonin? How did you know..." And then she remembered Jessica, Liam's girlfriend sa UK. RN nga pala ito. " Sorry." He just smiled at her.

" Pano nga pala bukas? Its my off tomorrow. I can watch your sister while you go to school."

Rey was quiet once again. Halatang iniisp ang isasagot bago magsalita.

" I'll take a leave of absence muna siguro...until makapag-isip ako. Wala sa budget ko ang hospital bills eh! " He felt na nahihiya si Rey sa situation nilang magkapatid.

He took her hand and said: " You're like a family to us. Let us help you kahit ito lang. You just don't know how special you had become to Mommy dahil sa mga ginagawa mong pag-aalaga kay Mommy. Please let us help you para wag kang huminto sa school. Sayang Rey eh. Sayang yung mga sacrifices mo kung hihinto ka."

Nakita ni Liam na sunod sunod na tumulo ang luha ni Rey.

Nasa chapel na silang dalawa. Nagpasama si Rey habang tulog pa si Harper. Nakikita niya yung pagpipigil ni Rey na huwag maging emotional. Nagulat siya nang bigla itong magsalita.

" Parang hindi ko yata kaya Lord. Maawa ka naman sa amin oh!"

Wala na. Tuluyan ng inilabas ni Rey lahat ng nararamdaman niya. Lahat ng pagtittis, sama ng loob, panghihinayang sa buhay.

Nandun lang siya to support her. She needed to cry, to let it out para gumaan ang loob niya. Alam ni Liam na ngayon, siya ang kailangan ni Rey.

 Alam ni Liam na ngayon, siya ang kailangan ni Rey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When A Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon