Part 12: Till We Meet Again

47 2 0
                                    

Hindi na nakita ni Tisoy si Miss Sungit na parang ikinalungkot nito. Minsan ay napalabas siya dahil napagkamalan niya ang isang babae. Hindi pala si Miss Sungit.

Pag dating niya sa kanilang bahay, nagulat si Liam nang makitang nakatayo na ang Christmas tree .

Talagang macho si Rey. Nakaya niya yung bigat na to?

'' Ay naku! Sanay na sanay si Rey. Sa hospital nga daw ay nabubuhat niyang mag-isa pag may foreigner patients sila and walang available na tutulong sas kanya.''

'' Pinapupunta ko nga pala siya dito at yung 2 kapatid niya sa sa Christmas eve. Tayo lang namang dalawa eh. Para naman medyo sumaya ang Pasko natin,''

'Pumayag naman pero siya daw ang magluluto. Sabi ko kasi oorder na lang ako. Hindi pumayag na pupunta na lang sila.Ayaw akog pagastusin! Napakabait talagang bata nitong si Rey. Kaya magrocery ka sa 23 para maaga siyang matapos at makabalik sa kanila para sunduin yung 2 kapatid niya.

Nakaupo na sila sa harap ng TV nang magsalita si Mommy Violet.

''Liam, may balita ka na ba kay Jessica?''

Si Jessica yung girlfriend ni Liam na pumunta sa UK.

Hindi sumagot si Liam. Pero bakit ganun? Parang hindi na siya masyadong nasasaktan pag pinag-uusapan si Jessica.

''Nasanay na siguro ako na wala siya Ma.''

First girlfriend ni Liam si Jessica kaya alam ni Violet ang sakit na nararamdaman nito. Yung umasang may matatanggap kang balita, sulat o tawag man lang. Ngayon pa na masyado ng high tech. Ganu din kasi ang naramdaman niya nung nawalang parang bula si Die, ang Daddy ni Lim.

Pero sa totoo lang, hindi niya nakagaanan ng loob si Jessica. Mukha kasing playgirl.

"Ewan ko nga kung bakit nagustuhan ni Liam si Jessica. Yun siguro dahil sexy ito. Artistahin ang dating pag nakapostura."

Pero minsan nakita niya kung paano nito pandirihan ang batang namamalimos sa harap ng flowershop nila. Ang alam kasi niya, pag nurse ka dapat hindi ka maruong mandiri dahil hindi naman lahat ng magiging pasyente mo mayaman. Mula nuon, parang bumigat na ang loob niya rito.

Christmas eve na! Excited na excited si Violet dahil first time itong may bisita silang mag-ina. Nakahanda na ang lamesa ng dumating si Liam dahil maagang dumating si Rey para ipagluto sila. Marami kasing nag last minute flower buying kaya late na siyang nagclose ng shop. Nilagay niya ang isang bouquet sa special na flower vase na binilin ng ina para kay Rey. Nakapaligo na siya ng may nagdoorbell.

''Ako na Ma!Magsusuot lang ako ng pants.

''Bilisan mo baka sina Rey na yan.''

Nakita niya agad ang 2 bata n kasama ni Rey.

Pero laking gulat niya nang makilala si Rey.

Kasi si Rey ay si Miss Sungit!

Napansin niya rin ang panlalaki ng mata ni Rey. Naalala niya tuloy na haf-naked pala siya!

Walang nasabi si Liam kungdi...

''Pasok! Pasok kayo!''

Nagmamadaling pumasok si Liam sa bedroom para makapagsuot ng tshirt. Bakit kasi sya lumabas ng nakahubad? Si Miss Sungit pala si Rey? Pero hindi lang yun. Pakiramdam ni Liam eh gustong lumabas ng puso niya. " At maganda pala talaga si Miss Sungit! " Nasabi tuloy ni Liam sa sarili.

 " At maganda  pala talaga si Miss Sungit! " Nasabi tuloy ni Liam sa sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




When A Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon