I was a freshman in high school when my Dad died. Esophageal cancer. By the time na namatay siya, paubos na rin yung lahat ng naipundar niya. The car, even our house. My mom decided to sell our shoe business since hindi na rin niyang kayang isustain yun. Dun niya nga naisip na pumunta ng US and later on nag TNT na siya. She's hoping that she'll get a greencard from somewhere or someone and we'll all be together one day. At first, ayoko talaga kasi apat na nga lang kami eh! Maghihiwalay pa ba naman kami? But wala akong nagawa kasi desperate na si Mommy. Mas nabuti daw duon dahil maraming opportunities na kumita.
Before she left, she gave me a savings account where our budget will come. Later on, dahil sa global recession, hindi na rin siya madalas magpadala and the savings account kept dwindling down. Nung first time kong mangutang sa tindahan, halos naiiyak ako sa awa sa aming magkakapatid lalo na nung puntahan ako ng may-ari ng tindahan dahil hindi ako makabayad. Dun ko nakilala si Maxie. Pinagtanggol kami ni Maxie and binayaran niya pa yung matanda. Or yung " Hindi ka pa nga nakakabayad, mangungutang ka na naman!" To think na suki si Mommy ng tindahan nay un. Dun ko sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ako ulit mangungutang. Kung kelangan na magtrabaho ako ng magdamag, gagawin ko huwag lang ako ulit mangutang kahit kanino. Kaya nagpapart time akong mabuti para maiwasan ko yun.
Dahil din sa kahirapan, I have to get rid of everything na makakapaekto sa budget ko. I needed to make decisions na dapat hindi ko ginagawa kasi I'm still a child but wala naming ibang gagawa eh. I have to get rid of...even of things that are important to me and my siblings.
Kahit si Mozart.
My Dad gave me a puppy when I turned 13, si Mozart. I had him for 6 years until I sold him 2 years ago. Hindi ko na rin siya kayang imaintain lalo na madalas siyang magkasakit dahil we don't feed him the same food that he used to have. I sold him to my friend. Gabi gabi parang naririnig ko pa yung iyak ni Mozart habang nilalagay ko siya sa carrier niya. Parang alam niya na hindi ko na sya babalikan eh.The following day, iyak ng iyak si Harper kasi palagi silang magkasama ni Mozart. Half of her life, kasama niya na si Mozart. It hurt me... Harper... and Mozart. Pero I have to choose them over my dog. Pag kain niya ba or namin?
Yung naawa ako kay Harper and Ryder kasi wala akong pambili ng gifts nila pag special occasion like Christmas. Ako kasi my parents gave me everything as far as I can remember. Ganito pala ang feeling kapag wala kang maibigay sa kanila kahit ano dahil you're poor and penniless. But ngayon, sanay na kami... ako.Natanggap ko na ang importante magkakasama kaming magkakapatid. I may not be able to give them expensive gifts but I'm always here for them, to protect them from anything. Na kaya kong isakripisyo yung sarili ko para sa mga kapatid ko.
See? I've done a lot of things na sometimes pinagsisishan ko but wala akong choice eh. Minsan ayoko na but paano si Harper and Ryder? Pag sumuko ako, paano na sila?
BINABASA MO ANG
When A Heart Gets Broken
RomanceNaalala mo pa ba yung first love mo? How about your 2nd... 3rd... 4th...?. If we will think about it, a single heart can be turned into a hundredfold, depending on how many times it got hurt. It's true that amidst us are floating and broken hearts...