8:30 pm na nung makarating si Liam sa bahay nila. Matraffic kasi kaya puro siya detour.
" Hmmm...Ma! Ma!" Parang may bago sa bahay nila nung pumasok siya. Hindi nya lang masabi kung ano.
" Eto ko sa kwarto Liam!"
" O Ma, bat naligo kayong mga-isa? Dati naman hinihintay nyo ko ah," nag-aalalang sabi ni Liam sa ina.
" Naku, nakalimutan mo na naman. Di ba sabi ko may part timer na akong caregiver? First day ni Rey kanina."
" Mukhang kasundo ninyo ah!Nakangit kayo eh habang nagkwekwento. I'm getting jealous mother!"
" Ikaw talaga, natatawang sabi ni Violet habang yakap ang anak. Malambing si Liam kahit na 22 na. Siguro dahil ever since, sila lang dalawa ang magkasama sa lahat ng bagay.
Kumakain na si Liam nang maalala ang sinabing pangalan ng caregiver... Rey?
Lalaki ang caregiver ni Mama? Medyo hindi comfortable si Liam sa idea na lalake ang nag-aalaga sa kanya. Mabuti na lang nursing student pala ito.
" He's qualified to do this job so I should stop worrying about Mama. As long as she's looked after properly, okay na yung male nursing student."
Bago mas alas dose, tulog na si liam.
Sa bahay nina Rey, kabaliktaran. Ngayon pa lang magsisimulang mag review si Rey. Punong puno kasi yung schedule niya today
Pero masaya siya kasi mabait yung stroke patient na pinagpart time niya kanina. Bigla niya tuloy namissed yung Mommy niya. Nakita niya rin na kahit na nahihirapan ito sa pag kilos, she tries hard to do things that she still can like yung pagsusuklay ng buhok. Pero parang natuwa ito ng suklayan niya ng buhok.
" Meron kayang anak si Mrs Violet?"
BINABASA MO ANG
When A Heart Gets Broken
RomanceNaalala mo pa ba yung first love mo? How about your 2nd... 3rd... 4th...?. If we will think about it, a single heart can be turned into a hundredfold, depending on how many times it got hurt. It's true that amidst us are floating and broken hearts...