*2 weeks later*
-Louise's POV-
"We will be arriving in five minutes. We hope you enjoy the ride. Thank you."
Nagising ako ng dahil sa senyales na binigay ng flight attendant na nasa harapan at nakatayo. Salamat naman at naging maayos ang flight ko pa-Manila.
Niyugyog ko ang braso ni Hadji, ang boyfriend ko na kanina pa tulog at humihilik pa rin hanggang ngayon. Nakakatawa siyang tignan. Hindi siya natinag kaya naman kinuha ko ang polaroid na nasa jacket ko at kinuhanan siya ng picture. Mamaya ko na lang siya gigisingin, masyado pa kong natutuwang pagtripan siya.
Nang makuha ko na ang polaroid sa jacket ko ay nasama at naglaglagan ang mga polaroid pictures na asa bulsa ko rin. Agad ko naman itong pinulot isa-isa. Doon, nakita ko ang mga litrato nga tatlo kong kaibigan. Napakasaya namin noon, Parang wala kaming mga inaalala noong mga panahong yun. Napangiti ko ng maalala ko ang mga ginawa namin noong nakuhanan kami sa picture na to.
Sunod ko namang nakita ang picture naming dalawa ni Wendi. Biglang nawala ang ngiti ko nang makita ko iyon. It's been 2 weeks. Dalawang linggo na simula ng makita siyang wala nang buhay sa sarili niyang apartment.
Melancholy sweeps over me. Naalala ko na naman tuloy kung bakit kailangan kong umuwi dito sa Pilipinas. Wendi's death scares me. Nag-alala kasi ako na baka ako na kaagad ang isunod ng gumawa noon kay Wendi kaya i decided to escape through the issue at umalis na lang. Ayoko na ng mga interrogations at mga tanong sa kahit na sino. Of course I wouldn't kill her. Why should i do that?
Wendi was a good person. Medyo may pagka-bitch pero hindi naman siguro aangat sa level na may papatay sa kanya dahil sa sama ng ugali niya. Isa lang naman ang hula ko sa kung ano ang motibo at pakay ng pagpatay sa kanya. That fucking handbook. I guess...
I was traumatized. Halos hindi ko kinaya ng makita ko ang kalunos-lunos na kalagayan ni Wendi. Punit-punit ang mukha na tinadtad ng saksak at nakabigti.
Naramdaman ko biglang may pumatak na luha sa picture na hawak-hawak ko. My bestfriend's gone and now I think I will be butchered next. Hindi ko man kilala kung sino yun pero alam kong one of us may be next and there's a great possibility na that's me.
Dumampi ang kamay sa mga pisngi ko. Kamay ng boyfriend ko. He's now awake at nakita na naman niya kong umiiyak. He always saw me in my weakest manner. Humarap na lamang ako sa kanya at niyakap siya.
Another reason kung bakit babalik ako ng Pinas ay dahil ipapakilala ko na si Hadji sa parents ko. We are deciding to settle our lives. To be as one...
*************************************************
Dumating na ako sa tapat ng building kung saan gaganapin ang event. Sa totoo lang talaga, ayoko ng pumunta pa rito. Wala sa plano ko ang pagpunta dito. Umuwi ako ng Pilipinas para mag-relax at hindi mag-reminisce ng mga past events ng buhay ko.
I decided na wag na lang isama dito si Hadji. Pagod siya sa byahe at isa pa, sinabi kong hindi naman to masyadong importante na saglit lang ako rito. Talagang hindi ko maatim na magtagal dito dahil lang sa mga bagay na pwede kong maalala.
Maya-maya ay may dumating na dalawang kotse at pumarada sa likuran ng kotse ko. Sila na ata to.
Lumabas ako ng kotse. Napangiti ako nang mamukhaan ang tatlong tao na kakababa lang din ng dalawang kotse. I missed them so bad.
"Hey there Ms. Punctual Girl." Sambit ng isang lalaking kilalang-kilala ko. Isang taon ko na siayng nakikita pero halos wala pa ring pinagbago ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The murderer's handbook (On-hold)
Mystery / Thriller(Kasalukuyan pong naka-hold ang storyang ito dahil sa personal na kabaliwan ng author...) [Nodesmearth Tales #1] Pages of riddles. Notes of anagrams. Scribbled secrets. Highlighted lies. It's been a year para sa apat na magkakaibigan simula ng ta...