Page 8: Creepy Coincidences

22 3 0
                                    

A/N:

Yeheyyyyy so ayun, natapos ko na ding irevise yung mga naunang chapters. Bale ayun nga andaming nagbago...well kung di mo pa nabasa yung revised na mga chaps eh ikaw ang bahala kung babalikan mo pa o hindi. Wala namng nadagdag dun na bagong characters. May nadagdag lang na mga POVs tsaka revelations. So ayun back to normal na tayo. Anyway, i'm having trouble putting pics dito sa wattpad. Laging error eh kaya ayan di ko tuloy mailagay yung mga pictures ng mga characters nito. Guys favor naman, pakitulungan ako huhuhu.



-Arnie's POV-


Nagising ako sa liwanag ng ilaw na sumisilaw sa mata ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at doon ko lang narealize na kasalukuyan akong nakahiga sa isang hospital bed. Tumingin ako sa paligid, walang katao-tao dito at talagang nag-iisa lang ako.


Naalala ko pa rin naman ang mga nangyari at mapa-hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng mga gilagid ko dahil sa pagkakabunot ko sa mismong bagang ko. Sinubukan kong bumangon at kaya ko naman pala. Ngipin lang naman ang napuruhan sa akin.


Iniisip ko ngayon kung ilang araw na ba ko dito. Napakasakit na rin kasi ng ulo ko na parang ambigat bigat. Parang pakiramdam ko rin ay napakabaho ko na at ilang araw na kong walang ligo. Pero ang mas pinag-aalala ko ngayon ay ang mga naiwan kong trabaho. Geez, tiyak tambak na naman ang paperworks ko nito.



Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko roon si Louise at isang lalaki na sa unang tingin ay masasabi kong ang boyfriend niya.


Kainis naman, sa lahat naman ng sasalubong sa akin sa paggising ko eh kasama niya pa yan. Leche lang, asan na ba sina Eustace? Hindi ba nila ko dinalaw man lang dito?


"Thank god you're awake now."  sabi niya at agad akong niyakap. Hindi na ko nagulat dito dahil alam kong matalik na magkaibigan kami noon pa at kaibigan lang naman talaga ang turing niya sakin. Pero ang lubos na ipinagtataka ko ay ang ekspresyon ng lalaking kasama niya na parang wala lamang ito sa kanya. Baka naman siguro hindi niya boyfriend to? Assume pa kase Arnie.



"Ano bang nangyari pagkatapos nung..." napapikit na lang ako dahil sa sakit na naramdam ko sa aking gilagid at hindi na tinuloy pa ang sasabihin dahil alam kong may ibang tao rin dito. "Asan sina Eustace?"


Kumalas na siya ng pagkakayakap sa akin at nagsalita."Umuwi muna sila. May importante pa raw kasi silang gagawin" Aba'y anggaling talaga ng dalawang gagong yun. Dito pa talaga ko pinaiwan kay Louise."Pero wag kang mag-alala babalik sila bukas para pumunta ulit dito at magbantay naman sana sayo." 


"Teka. Ilang araw na ba kong tulog? Wag mo sabihing isang taon na ah." pabiro kong sambit. Nakatingin pa rin ako sa lalaking kasama ni Louise. Nandun lang siya sa gilid at nakatayo. Napakapormal naman ng postura niya. Sino ba to?


"Ahh...actually ilang oras ka pa lang namang tulog. Medyo napatagal lang yung tulog mo dahil sa dami ng anesthesia na nilagay sayo. May mga piraso pa rin kasi ng wisdom tooth mo ang hindi nabunot at namamaga pa rin ang gilagid mo." Palapit siya sa akin habang nagsasalita, agad naman siyang siniko ni Louise at binigyan ng matalim na tingin. "Oh. haha, sorry di pa pala ako nakakapagpakilala, By the way I'm Hadji...your doctor and Louise's boyfriend." Kaya naman pala para siyang tuod sa gilid na nakatayo lang.

The murderer's handbook (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon