Page 6: Dental Decode

35 4 0
                                    

-Louise's POV-


"We need to get rid of this notebook. Pwedeng may kinalaman to sa kung ano ang mga natatanggap natin ngayon." Paliwanag ni Eustace habang hinihimas ang mga kamay at nakatitig sa laptop niya.


Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor katapat ng dental clinic na kung saan andun si Arnie. Ewan ko ba kung bakit ngayon niya pa naisipan magpa-appointment dito. Kailangang-kailangan na namin tong aksyunan as soon as possible pero sa mga kinikilos nila eh parang kalmado pa sila sa mga nangyayari.


"Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako. If we will destroy that notebook then I agree, basta bahala na kayo sa desisyon kung ano ang gagawin diyan sa bagay na yan. Anyway we conspire na pwedeng may kinalaman lang naman yan."walang enerhiya kong sabi. Nakakapagod magbigay ng effort sa isang bagay kung hindi naman din susuklian yung effort mo ng mga kasama mo. Psh.


"Whatever we'll do with that na makakatulong naman edi gawin na natin."sagot ni Eustace na hindi inaalis ang pagkakatitig sa laptop niya.


"Kung ayaw niyo eh di akin na lang." suggestion ni Vixin na sumasagot din ang code na ipinadala saming lahat.


"Then what would you do with that?"sagot naman ni Eustace ma agad na tumingin sa kanya at napataas ng kilay.


Naramdaman ni Vixin ang mamumuong tensyon kaya huminga siya ng malalim.


"Please naman, kung iisipin niyo lang din na gagamitin ko yun pwes nagkakamali kayo. Hindi ako ganung tao guys."paliwanag ni Vixin.


"Oh eh bat defensive ka agad? Grabe ah, interrogation pa lang guilty ka na agad."Kantyaw ni Eustace kay Vixin.


Halatang walang ibang sasabihin si Vixin dahil nagconcentrate na lang ito sa pagsuri sa code.


"Back to our main issue here...hindi ba kayo nagtataka? Parang parati niya tayong nakikita. Parang lagi siyang nagmamasid sa atin."Binitawan ko ang kutsara ko at hinawakan ang simpleng notebook at binuklat ito.


Konektado kaya ito sa lahat ng mga nangyayari sa amin? o masasabing nagkataon lang? Ugh. I don't know what to believe anymore.


"Pero isipin niyo, sa tagal ng panahon na ginamit natin yan ay ni hindi man lang natin nakita ang tunay na may-ari ng handbook." Vixin.


"O kaya naman ayaw niya satin magpakita dahil may masama siyang balak sa atin noon pa." Eustace.


"Hindi kaya naghihintay lang siya ng pagkakataon para kitain tayo? or should i say it...para singilin tayo?"palagay ko.


"Pero hindi natin alam kung sino at tungkol saan ba ang mga ito. Pwedeng oo konektado to sa pagkamatay ni Wendi pero bakit? ano namang agenda niya at nagpaparamdam siya ngayon?" mariing tanong ni Eustace.


Warning. Riddle. Code. Ang gulo. Hindi namin malaman kung ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ng mga bagay na ito. Was it to warn us na isusunod na niya kami?

The murderer's handbook (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon