Page 5 : Manslaughter Moments

28 4 2
                                    

A/N:

Dedicated to kay thiara_kazumi, Napansin ko kasing panay ang vote niya sa bawat chapters. Hi there! Comment your thoughts about my story para naman magkakilala pa tayo. 









-Prof. Luz's POV-



Nagising ako sa isang madilim at weird na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung bakit ako nandito. Hindi ko rin maalala kung paano ko napunta rito at kung nasaan man ako. Agad akong bumangon ngunit wala naman akong maaninag na kahit na ano sa lugar kung nasan ako. Kinakabahan ako. Hindi ko laam ang mga nangyayri.

Hindi nakatali ang mga kamay ko. Wala rin namang busal ang bibig ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Sino pa ba ang pwedeng gumawa nito sa akin? Sino pa ba ang may mga natitirang galit sa akin?

"PALABASIN NIYO KO DITO! PARANG AWA NIYO NA! ANO BANG GINAWA KO SA INYO! MAA-" patuloy lang akong sumigaw ngunit wala namang dumating na tao o kahit na ano pagkatapos nun.

Sinubukan kong tumayo. Nakakatayo naman ako. Chineck ko rin kung may mga parte ba ko na masakit o nasagutan sa pamamagitan ng pagkapa pero ni galos naman ay wala. Pawisan lang ako na parang sobrang tagal ko ng andito. Napakadilim talaga dito na halos ang maaninag mo lang ay ang bintana sa itaas na may liwanag ng buwan. Parang malalim na ang gabi at kanina pa nga ako nandito.

Natatakot na ako. Hindi ko alam pero parang sa horror movies at novels ko lang nasasaksihan ang ganitong mga pangyayari pero ngayon, nararamdaman kong posibleng mangyari ang mga nangyari doon sa sitwasyon ko ngayon.

Pilit kong inaalala kung pano ko napunta dito. Wala akong naalala na may sumubok na kidnapin ako kanina. Wala akong ideya kung paano ako naipunta at nakarating dito.Napakaimposible dahil ang huli ko lang na naalala ay nasa faculty room ako at nagch-check ng paperworks ng mga estudyante ko.

Maaari kaya.....maari kayang........

Nagbalik ang taong iyon? Ang taong sumira ng buhay ko isang taon na ang nakakalipas?

Hindi maaari. Mas lalo lang akong nagilabot ng maisip ko iyon. Wala siya ngayon dito. Siya man yun o hindi. Isang bagay lang ang dapat na gawin ko ngayon. Ang subukang makatakas dito...

Nagsimula na kong tumayo at kumapa kung saan-saan para hanapin ang pinto. Kwarto lang to sa tingin ko, at kung bahay man to sigurado namang may pinto o labasan sa lugar na to. Madilim. Hindi ko maaninag ang mga pader ng kwartong to. Malawak siguro kaya unti-unti akong umurong pakanan hanggang sa mabangga ko ang matigas at malamig na pader. Nabuhayan ako ng pag-asa. Malapit na ako sa pintuan, konting tiyaga lang siguro ay makakalabas din ako dito. Sa pagkapa ko sa pader ay may nahawakan akong isang bagay, sa hugis nito ay alam ko na na switch ito kaya agad ko itong pinindot.Nagbukas ang ilaw at napatakip naman ako mukha dahil sa biglaang liwanag. May ilaw ang kwartong to. Pinilit kong i-adjust ang mata ko sa liwanag kaya unti-unti ko ng nakita ang itsura ng kwarto.

At nadismaya ako ng makita kong....



Walang pinto sa kwartong ito. Isang malaking carpet lang ang nakalatag sa sahig na siyang hinihigaan ko ata kanina. Mataas ang bintana dahil sa kisame ito nakatutok. Wala namang ibang gamit doon. Mukang nasa isang bakanteng kwarto ako.  Bumalik ang takot at kaba sa loob ko. Paano ako makakaalis rito? 

Bigla ko na lang ginalaw ang carpet na nakalatag sa buong sahig. Hindi ko alam dahil parang kusa na lang na gumagalaw ang katawan ko.  Tinanggal ko ang pagkakalatag ng carpet sa buong sahig hanggang sa makita ko ang trapdoor na asa sahig. Patungo ito sa baba at maaring Ito na nga ang labasan. 

The murderer's handbook (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon