-Louise POV-Walang nakapaniwala ng malaman namin ang balitang patay na si Wendi. Pero mas nagulantang kami nang makita ang mga pictures na buhay siya. For god's sake, ano bang ibig sabihin ng mga to?
Kausap ko ngayon ang nanay ni Wendi sa telepono. Kanina pa siya iyak ng iyak at halos mawala sa sarili dahil parin sa pagkamatay ng kanyang anak. Ngayon ko sana sasabihin ang mga nalalaman ko pero tingin ko'y hindi niya yun ikabubuti ngayon.
Lahat pwedeng maging biktima. Pero si Wendi? Alam kong hindi siya ang tipong madaling biktimahin. Hindi siya ganun kadaling makidnap. We've been friends since first year college, alam kong malakas siya. Pero hindi pa rin ako sigurado. What if? Isang malaking bluff pala ang mga pinadala sa amin. Paano kung isa lang pala yung pain para makuha ang atensyon namin. Kaya nagdesisyon akong wag munang paniwalaan ang nakita namin. Nakita ko ang bangkay ni Wendi at alam kong siya yun.
"I know mainit ang lahat sayo Louise. Alam kong your great friends kaya you can't do that gruesome thing sa kanya. Pero bakit mo naman kailangang umalis? Why do you have to leave me on this situation. Kailangan kita dito." sambit niya mula sa kabilang linya.
Gusto ko man siyang samahan dun pero hindi ganun kadali. Kung namatay si Wendi ng ganun malamang na nasa peligro na rin ang mga buhay namin.
"Gusto ko po sanang magpalamig lang kahit na sa kaunting panahon. Isa pa may kailangan din po akong gawin dito sa Pinas kaya buo na ang loob ko na pagbalik dito." Paliwanag ko.
Pero sa totoo lang ay wala na muna talaga akong balak bumalik doon. Not today na may nangyayaring ganito.
"Okay. I understand na baby girl, Kaya nagbabalak nga ako na iuwi ang bangkay niya dyan para naman makita siya ng iba niyang friends. I want a decent wake for my precious daughter" sabi niya habang humihikbi.
"That's good to hear Tita. Mas maganda nga kung dito na lang siya since dito naman siya lumaki at nandito mostly ang mga friends namin." Nagustuhan ko ang ideya niya pero kinakabahan pa rin ako ng baka mapokus ang atensyon ng salarin sa bansang to. Hindi ko na alam.
"Bago nga pala yun, una ko ng pinadala yung mga gamit niya diyan. Mostly common stuffs lang naman yun. Yung mga handbooks niya." sabi niya.
Napatigil ako sa sinabi niya. Sandali....
"P-pinadala niyo po dito sa Pinas yung mga...yung mga libro niya." mautal-utal kong sabi.
"Oo. Baka kasi gusto mo pang itago yung mga yun. Nilinis na kase namin yung apartment niya." sagot niya.
Nagulantang ako sa sinabi niya. Shit...pinadala niya rin kaya sakin pati yung handbook na yun?
"Bye Tita." Pamamaalam ko sa kanya nang sabihin niyang ibaba niya na yung phone.
Hindi pwede to. Kung asa kanya parin yun. Pwedeng...pwedeng ibang kaso ang nangyari sa kanya? Pwedeng wala yung kinalaman sa mga iniisip at nangyayari ngayon?
**************
"Eto ho ata yun." sabi sa akin ng staff ng condo. Pinadala ko sa mismong unit ng condo namin ang package na pinadala ni Tita. Sa laki nito ay halatang mga libro nga lang ang mga laman nito.
"Sige ako na lang." Sabi ko sa staff at nagpasalamat. Magaan lang naman kaya kayang-kaya ko iyong buhatin.
Hindi ko pa nasasara ang pinto ng dumating si Eustace. Siya lang muna ang pinapunta ko dahil mukhang busy ata yung dalawa sa mga trabaho nila. Agad ko siyang Binigyan ng your-hell-late-look
BINABASA MO ANG
The murderer's handbook (On-hold)
Misterio / Suspenso(Kasalukuyan pong naka-hold ang storyang ito dahil sa personal na kabaliwan ng author...) [Nodesmearth Tales #1] Pages of riddles. Notes of anagrams. Scribbled secrets. Highlighted lies. It's been a year para sa apat na magkakaibigan simula ng ta...