Dedicated to TheBookCoverDesigner....thanks for the Book cover tho.
-Eustace's POV-
"Sir, andito na po ata tayo."
Nahimasmasan ako ng marinig ko ang boses ng taxi driver. Knina pa ko lutang simula nung naghihintay ako ng taxi hanggang sa makarating ako sa tapat ng apartment.
Bumaba na ko ng taxi at dire-dirteso akong pumasok sa aprtment. Gabi na, sigurado kong gutom na gutom na ang alaga ko. Wala na ring masyadong tao akong nakikita na palabas o papasok ng apartment. Weird, alam kong late na pero hindi common na ganito katahimik ang lounge ng apartment na to.
Dali-dali na lamang akong umakyat gamit ang hagdan. Hindi naman kase to gaano kataas at kaganda na tipo ng apartment. Mas pinili ko kasi munang i-settle ang sarili ko dito habang hindi pa ko nakakakuha ng desenteng trabaho. Isa pa, ako lang naman ang nakatira dito. Nagpaka-independent na ko simula ng magtapos ako ng Kolehiyo.
Narating ko na rin ang floor kung nasaan ang unit ko. Napakatahimik ng paligid which is really a rare moment kung tutuusin. Puro kasi pamilya ang mga nakatira sa katabi kong mga unit. Kung hindi iyak ng mga bata ang maririnig mo eh bangayan ng mga mag-asawa.
Pinasok ko na ang susi at pinihit ang doorknob. Sa pagpasok ko pa lang ay tumambad na sa akin ang dumi na nilagay sa dingding ng sala ko. At sa unang tingin pa lang, alam kong dugo na ang ginamit dito.
Binasa ko ng mahina ang nakasulat doon:
Go to your Right.
Follow the Exit.
Avoid going on Flight
Pull the Lever.
Guess who's the Criminal.
Insert the codect (1,1,3,3 and 4,6)
Tangina ano to? Sinong nagpadala nito? At para saan to?
Walang ano-ano'y bigla kong naalala si Cookie. Ang alaga kong aso. Iniwan ko siyang mag-isa dito sa apartment. Dali-dali kong tinignan ang bawat sulok ng unit ko habang tinatawag ang pangalan niya.
"Cookie?...Cookie?" puno ng pag-aaalala kong tawag.
Alam kong wala na dito ang alaga ko dahil sadyang napakaliit lang ng unit ko at kahit saan pa yun magsumiksik ay nakita ko na yun. Shit. Why the hell is this happening?!
Napatadyak at napasuntok na lang ako ang pinto ng kwarto ko. Nanginginig ang mga nakayukom kong palad dahil sa sobrang inis at kaba. Pero alam kong kahit pa gaano ako magwala ngayon ay hindi ko maibabalik ang aso ko.
Napaupo na lang ako sa sofa at hinilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Ang tanga-tanga mo Eustace. Ugh. I should've expected that this will happened. Na pwedeng-pwede niya ngang gawin at gamitin ito laban sa akin.
Dahil na rin sa sobrang galit ay naitabig ko ang mga pile ng libro na nasa lamesa ko na kaharap lang ng sofa. At doon ko nakita ang isang itim na sobre.
Pinulot ko agad iyon at pinagmasdan. Kakaiba ang disenyo nito na parang iba sa mga normal na sobre. Nalanghap ko rin ang amoy nitong pabango na sobrang tapang. Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan. Tumambad sa akin ang papel na may nakasulat na katiting na pangungusap.
BINABASA MO ANG
The murderer's handbook (On-hold)
Mystery / Thriller(Kasalukuyan pong naka-hold ang storyang ito dahil sa personal na kabaliwan ng author...) [Nodesmearth Tales #1] Pages of riddles. Notes of anagrams. Scribbled secrets. Highlighted lies. It's been a year para sa apat na magkakaibigan simula ng ta...