Prologue 1: Pages of riddles

57 5 0
                                    

Pages of Riddles...




Notes of anagrams...




Scribbled secrets...




Highlighted lies...





-Wendi's POV-



Friends are really worth remembering on good times and even bad times.

And I met them two years ago.

It's been a year na rin simula nung nagkahiwa-hiwalay yung track ng mga buhay namin. Isang taon na nga ang lumipas nung may mga oras pa kaming magkulitan ng magkakasama. Taon na nga simula nung grumaguate kami ng college at tumawid sa panibagong landas ng aming mga buhay.

Pero, masasabi kong those were just good parts of us being friends. Maraming magagandang bagay ang nangyari samin back then pero ang mas marami....masasamang bagay.

We are nothing but an ordinary college students noon. We live, laugh and party like normal college buddies. We did silly things like usual students can do.  We act freely and carefree like some teenagers can be. Pero there's something na meron kami that makes us that weird special.

Isang bagay na ngayon ay pinagsisisihan kong gawin...Pinagsisisihan naming lahat.

Back then, we were ruthless, merciless, and brutal. Ibang-iba sa kung ano na kami ngayon. 



Lumabas ako sa terrace ng apartment na tinitirahan ko. Nilapag ko ang baso ng juice na kanina ko pa hawak pati na rin ang notebook na ito.  Agad kong naramdaman ang malamig na hangin na binibigay ng madilim at mapayapang gabi. Malambot na hinahaplos ng hangin ang aking mukha at pati ang aking buhok. Napahinga ako ng malalim.

Why am I like this every evening? Bakit parang parati ko na lang naalala ang nakaraan? I made a vow to my friends na kalimutan na lahat ng nangyari. But my mind won't do. Hindi ko alam kung bakit.

Napatitig ako sa notebook na nilapag ko.

Am i being guilty about those things?

Do i really felt sorry for those helpless victims?

Do i have to be punished to forget this tragic memories?

"Done internalizing?"

Naputol ang pag-iisip ko sa malalim na boses na narinig ko.Shit. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa gulat. As far as i know, ako lang ang tao sa unit na to dahil ako lang naman ang nakatira dito.


Parang nag iba agad ang lamig ng hangin simula ng narinig ko ang boses but I won't try to face kung sino o ano man siya. Natatakot ako. All this time, takot na takot pa rin ako.



"So,ano? Want to come with me now? "

Siya. Nalalala ko na kung ano ang pakay ng taong nasa likuran ko. Napakalalim ng boses niya. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa nerbyos at lamig. Walang lumalabas na boses sa bibig ko ng subukan kong sumagot.


"Wag mo naman sana kong pag-antayin. We've talked about this kamakailan lang ah? Phone calls and text messages remember?"

So sa kanya pala nanggagaling ang mga death threats at offers na natatanggap ko. Fuck this.

Napakapit ako ng mahigpit sa bakal ng terrace ng sinabi niya yon.  Hindi pa ko handang sumagot ngayon at kahit kailan siguro wala na kong balak na pumili sa sinabi niya.


The murderer's handbook (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon