-Eustace's POV-
"M-maam...L-Luz?"
"Ako nga. Kala ko di mo na ko naaalala eh. Kamusta ka na? nako mukhang bigtime ka na ngayon ah?" sabi niya sa akin.
Gulat na gulat pa rin ako. Halos hindi ako makapagsalita nang kaharap ko na siya. Mas masahol pa ata ang mga nakikita ko ngayon kesa sa makakita man ako ng isang multo. Isa na nga ba ang kinatatakutan ko sa pagbabalik sa lugar na to eh. Ang makita ang mga bagay na may kaugnayan pa sa nakaraan ko.
Nanatili lang siyang nakangiti sa harap ko. Damn it. Parang di ko ata kayang tagalan siya. Ramdam ko ang kaba na nabuo sa dibdib ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam ko.....Kahit na sigurado akong wala siyang alam noon ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan at makot sa pagkikita naming ito.
"Aaahh eto ho...m-medyo maayos naman..." matagal kong sagot nang may pagka-utal at pilit na ngumiti." Kayo ho? Kamusta?"
"Eto nagtuturo na rin ulit sa wakas. " marahan siyang ngumiti at hinawakan ang braso ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko."Isang taon na rin simula ng matapos ang aksidenteng nangyari sa akin. Ewan ko ba, hindi ko pa rin piniling umalis sa lugar na iyon kahit na napakaraming patayan ang nangyari noon, dahil na rin siguro sa tagal kong pagtatrabaho sa Nodesmearth. Napamahal na ko sa lugar na iyon." Agad siyang napahawak sa peklat niya sa noo. Isang sugat na ginawa ng isang walang awang nilalang.
Napakalaki na nga nang pinagbago niya. Sa tono pa lamang ng boses niya ay ramdam kong hindi na siya ang dating professor na kilala naming lahat.
Siguro nga nabago ko siya...Pero she's just lucky na buhay pa siya hanggang ngayon at di ko siya nun natuluyan. Anyways, that's out of my priorities now, wala na kong iba pang balak pa sa kanya, Hindi na pagpatay ng tao ang ginagawa ko ngayon. I'm starting to build my own life.
She already ruined my life. Hinding-hindi ko siya mapapatawad dun. Hindi na ako gaganti pa o magpaplanong balikan pa siya...unless babalik ako sa dating ako which I guess eh hindi naman na makakatulong pa sakin ngayon.
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko."Naku mukha namang wala kang pupuntahan. Samahan mo naman ako ngayon mag-kwentuhan naman tayo kahit sandali lang. Don't worry di naman ako yung tipong nagpapalibre sa mga alumni ko." sabi niya habang nakangiti at nagsimula nang maglakad. Wala naman akong ibang magagawa kundi sumunod na lang.
Bakit ba sa lahat ng pwede kong makita eh siya pa?
Pumunta kami sa isang coffee shop. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nahihiya ako sa kanya. Hindi, natatakot ako....magkahalong takot at hiya siguro tong nararamdaman ko....ay ewan hindi ko maintindihan. Basta ang nararamdaman ko eh hindi ako komportableng kasama siya ngayon.
"Simula talaga nung namatay si Sir. Suarez niyo eh naisipan ko ng magbago. Natakot talaga ko nun dahil baka mamaya eh balikan pa ako nun. Kilala pa naman akong terror at kinaiinisan sa buong Nodesmearth college nun." Nagsimula na siyang magkwento. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang tinititigan ang kape na inorder niya para sakin, kunwaring nakikinig at interesado. "Akala ko talaga nung mga panahon na yun ay babalikan niya pa ako." sabi niya at uminom ng kape.
Sa pagkakarinig ko sa pangalang Sir Suarez ay nagpanting ang mga tenga ko. Hindi ko ipinahalata at agad na ikinuyom ang aking mga kamay sa ilalim ng upuan. Ayoko na sanang alalahanin at tuluyan na lang ibaon sa limot ang Sir Suarez na yun. Ang pakialamerong lalaking yun.
BINABASA MO ANG
The murderer's handbook (On-hold)
Misterio / Suspenso(Kasalukuyan pong naka-hold ang storyang ito dahil sa personal na kabaliwan ng author...) [Nodesmearth Tales #1] Pages of riddles. Notes of anagrams. Scribbled secrets. Highlighted lies. It's been a year para sa apat na magkakaibigan simula ng ta...