Page 9: Video and Vendetta

16 1 0
                                    


A/N:

Another update. Sorry kung matgal. Marami lang ding ginagawa sa buhay. Anyways, ramdam ko na ang summer vacation kaya makakabawi ako ng todo. Bear with me guys. Kahit ako kating kati nang mag-update nito.


-Narrator's POV-


Nakatitig lamang sina Eustace sa screen ng monitor ng laptop niya. Halos walang nagsasalita at humihinga sa kanilang tatlo. Parang napuno ng tensyon ang buong paligid dahil sa sobrang tahimik. Lahat sila ay nakatitig lamang sa video na nakaplay sa screen ng laptop.



"Greetings Murderers...."


Napakunot ang noo ng tatlo sa narinig nila. May halong pangingilabot man ay hindi nila pinahahalata sa iba nilang kasama ang takot na nararamdaman nila. Tahimik pa rin ang buong paligid at ang tunog lamang mula sa video ang umaalingawngaw sa buong kwarto.


"How's life after resolution?"


Pambabae ang boses ng nagsasalita sa screen. Hindi ito makilala dahil sa suot nitong pulang roba na tumatakip sa mukha nito. Kalmado pa rin ang apat habang tinatapos ang video.


"Hope you'll receive this. Tell me your thoughts about our third warning. Mukhang di naman kayo nagimbal sa first sign na binigay ko eh. But don't worry, I have more to show you some other time but for now, I'll let you live in confusion."


Bigla na lamang pinatay ni Eustace ang laptop dahilan para madistract ang tatlo sa panonood. Bumuntong-hininga na lamang si Eustace.


"Teka bakit mo pinatay? Baka may iiwanan siyang clue satin!" Sigaw ni Vixin.


"It's not the perfect time para panghinaan Eustace, kailangan nating tapusin yung video no matter what." sambit ni Louise at akmang tatanggalin na ang kamay ni Eustace na nakasandal sa laptop.


"No. I think it's enough..." malamig niyang tugon.


Inirapan muna siya ni Louise bago sumagot. "Eu, hindi pwedeng sa conclusion mo lang tayo kumapit. Here's an evidence na siyang makapagpapatunay at pwedeng makasagot ng lahat."


"No. Hindi pa niya lilinawin ang lahat sa atin ngayon. Nakikipaglaro siya satin. Pwedeng hindi pa natin alam kung anong motibo niya't ginagawa pero sa tingin ko, hindi pa ito ang oras para isiwalat niya sa atin ang lahat." paliwanag ni Eustace.


"Pwede ba! Hayaan mo na lang kaming tapusin yung video. Isantabi mo nga muna yang opinyon mo pwede naman nating pag-usapan yan mamaya eh!" bulyaw ni Vixin kay Eustace.


Kapwa sila nagpalitan ng masamang tingin.


"Alam kong matalino ka Eustace, pero bakit parang pinipigilan mo kami ngayon ha?" Vixin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The murderer's handbook (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon