A/N:
I'll dedicate this chapter to jelainedeeuy. Palagi niya rin kasing vino-vote yung chapters nito. Salamat, I really appreciate and it's greatly ang honor for me haha XD
-Eustace's POV-
"Hindi niyo ba nahahalata? Sinasabi naman na base sa approach ng mga natatanggap natin na may pagkakaiba yung gusto nilang iparating satin." Tuloy tuloy pa rin na nagpapaliwanag si Vixin habang naglalakad kami. "Isipin niyo, yung threathening message sa at yung litrato ni Wendi na pareho nating natanggap noon mismong araw ng anniv. Halos lahat ng nakaindicate dun eh pananakot satin. Pero this past few days, mga riddles at codes naman ang nakukuha natin na parang may pinahuhulaan naman sating kung sino at kung ano. Weird diba?"
Nasa ospital kami ngayon matapos naming isugod ang walang malay na si Arnie sa ospital. Kasalukuyan lang kaming nakatayo at naghihintay sa balita ng mga doctor sa kalagayan ni Arnie. Sinugod siya sa emergency room dahil sa patuloy pa rin raw na pagdudugo ng bibig niya.
"So what are you saying? Na may dalawang side dito? Na yung isa eh siyang nananakot satin at yung isa naman ay yung nagbibigay satin ng mga clues at kakampi natin, ganun ba?" tanong ni Louise na gaya ko ay hindi pa rin magets ang gustong ipunto ni Arnie.
"Pwedeng ganun nga. Pero hindi pa tayo sigurado." sagot niya at napahimas na lang ng noo.
Hindi ko maintindihan ang ipinupunto nito ni Vixin. So kung dalawa ang tauhan na responsable sa lahat ng kalechehang to at masasabi naming isa ang kalaban at isa ang kakampi, bakit hindi naman namin nararamdaman ang tulong mula sa sinasabi niyang kakampi?
"I don't get it Vixin. Kahit naman yung mga codes at riddles eh may mga threatening words pa rin diba Louise?" Tiningnan ko si Louise at agad naman itong tumugon ng pagsang-ayon. "Isa pa, nasan ang sinasabi mong kakampi natin kung meron man. Kung gusto niya tayong tulungan first and foremost, naglahad na sana siya ng plano o kahit information man lang na makatutulong satin na matukoy ang salarin sa likod nito."
"Eh paano kung maging siya wala ring alam? Pano kung umaasa lang din siya sa mga nakukuha natin?" sagot niya sa akin.
"Eh diba sabi mo nga pwedeng siya yung nagbibigay sa atin ng mga clues? so obviously may alam siya sa mga nangyayari at pwedeng sa mga susunod na magaganap. At dapat binigyan niya na tayo ngayon ng alas para madali na nating malalaman kung sino ba ang may mga kagagawan ng lahat ng to kung talagang kakampi nga natin siya." Louise.
"Napakalaki ng posibilidad. Pwedeng nakikipaglaro din siya sa atin. Pwedeng mali nga ang hinala natin na pwedeng ang pangalan nga ng salarin ang nasa clue. Pwedeng yun ang pangalan ng susunod na biktima. Maraming posibilidad guys." Vixin.
"That's it. Pwedeng pinaglalaruan niya lang tayo. Pwedeng kagaguhan lang lahat ng codes or riddles or whatsoever na mga bagay na yan. Pwedeng wala yang koneksyon sa tunay niyang identity. Pwedeng mas personal yung motibo niya satin at hindi ang handbook." Ako.
BINABASA MO ANG
The murderer's handbook (On-hold)
Misteri / Thriller(Kasalukuyan pong naka-hold ang storyang ito dahil sa personal na kabaliwan ng author...) [Nodesmearth Tales #1] Pages of riddles. Notes of anagrams. Scribbled secrets. Highlighted lies. It's been a year para sa apat na magkakaibigan simula ng ta...