Liwanag sa madilim na gabi

2.9K 18 0
                                    

Sa kalaliman ng gabi naisipan ko na gumawa ng isang awitin na aking iaalay para sa aking sinisinta. Ang awitin na maipaparating sa kanilang dalawa.

Napatingin ako sa kalangitan. Maaliwalas ito. Nakita ko ang dalawang bituin sa tabi ng bilog na buwan.

Alam ko na!

Habang ang lahat ay mahimbing na natutulog, muli akong kumanta kasabay ng malakas na ihip ng hangin at ng aking gitara.

"Susungkitin mga bituin,
Para lang makahiling
Na sana'y maging akin
Puso mo at damdamin"

"Kinakanta mo na naman ang awiting naging susi ng ating pagmamahalan. Matagal-tagal na rin simula noong hinarana mo ako sa tapat ng aming balay." Ani ng aking sinisinta.

"Halina't tabihan na natin ang ating prinsesa at matulog na."

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon