Kasal

574 3 0
                                    

Sa loob ng tatlong taong pamamalagi ko sa tahanan ng Diyos, naglilingkod at nag-aalay. Dinala kita sa tahanan niya. Hawak ko ang iyong kamay at sabay na nagdarasal.

Maraming nangyari, naganap at nabuo. Maraming isinakripisyo at tinangggap.

Ngayon, pang-labing isang taong paglilingkod at pagmamahal ko sa Kanya, totoo nga. Na sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan rin ang tuloy.

"Father, simulan na po natin"

Binasa ko ang librong naglalaman ng mga sagradong salita ng Diyos upang tuluyan na silang makasal sa mata ng Ama.

Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon